Chapter 6

52 17 0
                                    

Lab

"Malapit na birthday mo ah" kinukulit ako ni Jeolliana habang ako ay nagbbrush ng teeth. Andito kami ngayon sa Comfort room ng girls, obviously. Katatapos lang ng lunch at ayokong pumapasok nang hindi nakapaglinis ng ipin o ng mukha

Tinignan ko siya, e ano ngayon?

"Anong plano mo? Magsisixteen kana! Tanda mo na" at humagalpak na ang gaga sa tuwa. Kala mo naman napakalayo ng age gap namin? 3 buwan lang naman!

"Anong plano uy! Bat ayaw mo magsalita!" Sinusuntok suntok niya na ako, aba'y!

Inalis ko ang toothbrush sa bunganga ko at nagmumog, pinunasan ko ang bunganga ko at lumingon sakanya

"Pano ako makakapagsalita e nagsisipilyo ako?!" Bulyaw ko, nakita ko ang mga tao sa cr ay nagsitinginan, yung iba tumatawa , yung iba naman ang sama ng tingin na kala mo inagaw ko mga boyfriend nila

Humagalpak si Jeolliana at lumapit sa tenga ko at bumulong

"Wag ka maingay shhh" pagbulong niya "mamaya andyan si Damaris, hindi na tubig ibubuhos sayo dahil sa kaingayan mo. Ihi na" bulong niya at humagalpak nanaman

Nakakailan na to a!

Inirapan ko nalang siya at bumalik na sa paghihilamos. As much as I want to forget my issue with Damaris. Laging pinapaalala ni Jeolliana. Lagi ko din siya nakikita at muntikang makasalubong,but before that happens umiiwas na ako.

Hindi dahil sa takot ako sakanya, but because nahihiya ako kasi lagi niyang kasama si Veniamin. I don't want him to look at me like I am a bad person

even though I am really a bad, bad person.

"Ano ngang plano mo? 1 month from bow 16 kana uy!" Siniko niya ako habang naglalakad kami sa hallway papuntang room. Pinupunasan ko ng towel ang basa kong mukha.

Hindi ako excited sa birthday ko, I stopped being excited about my birthday since I was 14. Hindi na ako naeexcite with the thought na I will be special in that day. Ayoko na

"Wala" walang kwentang sagot ko sakanya, nagulat naman siya at nauna at humarang sa harap ko

"Anong wala!" Anong problema neto? Siya ba magbibirthday?! "Dapat meron! Kyla naman e!" Pagmamaktol niya, napailing na lamang ako.

"Saturday birthday mo kaya dapat bonga! Kasi walang pasok kinabukasan!" Pageexplain niya. Ako nga di ko alam kung lunes o lingo ang birthday ko. Siya alam niya pang Sabado. Nice one Jeols

"E anong gusto mong gawin ?" Tanong ko para matahimik na siya, mostly naman siya lang din nagpplano kung anong gagawin sa birthday ko or sa birthday niya.

"Uhm" humawak siya sa baba niya na kunwari'y nagiisip, pero alam ko namang bago niya pa ako kulitin may plano na siya, tsk

"uhm, magspa tayo tas movie night tas lamon ng madami!" Sabi na e

"Ge lang" sabi ko at pumasok na sa room

"Okay! Naplano ko na lahat actually e , kung anong kakainin, naorder ko nadin sa Lazada yung mga led lights tas yung mga number ng food deliveries nasakin nadin!" Excited niyang sabi, I just laughed at her. She's funny!

"Yung mga bayad niyo sa 30 pesos na sinisingil sa Social Science hoy!" Sigaw ni Janessa. She's the class treasurer, naaawa na nga ako sakanya kasi walang nakikinig sakanya kahit napuputol na ang litid niya kakasigaw "Hoy ano ba!!!!" Sigaw niya

"Nakabayad kana?" Tanong sakin ni Jeolliana na nagpupulbos sa tabi ko, nag lipbalm muna ako bago magsalita

"Oo,unang sabi palang niya nagbayad nako. Ikaw ba?" Tanong ko

The Danger You Put in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon