Chapter 16

42 13 0
                                    

Towel

"Nagpunta lang ako sa Munisipyo para magrenew, pagdating ko may nagbugbugan na?!" umalingawngaw ang sigaw ni Sir Steven sa Guidance Office. Hinampas niya ang table niya na nagpagulantang sa akin.

Nakahawak ako sa nagdurugo kong braso para matigil ang pagdugo non. Hawak ko ang towel ni Henrik from his duffel bag niya na gagamitin sana later sa practice nila.

Kaso may gantong pangyayari, kaya mukhang hindi matutuloy ang practice nila.

I am too embarassed about what happened a while ago, nakakahiya. I don't even know kung may mukha pa akong ihaharap sa mga schoolmates ko paglabas namin ng Guidance ngayon.

Syempre anong iisipin nila? Hindi naman nila alam yung buong pangyayari. Ang alam lang nila ay nagmumuryot ako dahil hindi ako binati ni Veniamin nung birthday ko, at nagpapabebe akong nagsumbong kay Henrik.

"ok ka lang?" bulong ni Henrik sakin. Tinignan ko siya. He has bruises on the side of his mouth at meron din sa may panga niya. His upper lip was also bleeding. I really felt guilty about it

Tinanguan ko siya. He raised his eyebrows at kinuha ang braso ko. Tinangal niya ang towel at napaiwas ng tingin nang makita iyon.

May mga namuong dugo na kasi, tapos may mga bubog pa. Hindi ko naman masabi kay Sir Steven kasi galit na galit siya, at ako pa ang dahilan kung bakit nag-aaway tong dalawang to.

I sighed then wrap the towelette around my braso again. Meron din sa kabilang braso kaso mas malala tong nasa isa. Tumingin ako sa harap ko and there I saw Veniamin awkwardly seating while his eyes bore into my arms. Si Damaris na nasa tabi niya ay may hawak na ice pack at nakalagay iyon sa namamaga niyang panga.

Tinago ko ang braso ko sa may gilid ni Henrik na katabi ko ngayon para hindi niya na tignan iyon. He then raised his eyes and met mine.

He stared at me intently. I saw pain in his eyes. Pero sorry, mine is bigger and more painful.

"Ha Students!? What were you thinking?!" sigaw pa ulit ni Sir Steven. Wala kasing nagsasalita sa amin

"Why is no one answering my questions?! Anong pinagmulan? Because this issue won't be settled kung ang maririnig ko lang na side is yung mga nagchichismisang Junior high schools!" sigaw niya pa, naupo siya sa swivel chair niya then he gently massaged the bridge of his nose. His eyebrows furrowed. Galit na talaga siya

"Sir, Mr. Valdemar started it. He poured his Orangr juice sa uniform ni Veniamin, see" sabi niya at itinuro ang uniform ni Veniamin. He hissed at her

"Then?" naghihintay na tanong ni Sir. Nagtinginan kaming apat, inirapan ako ni Damaris at nagsalita muli.

"Then he punched Veniamin right away,sir" sabi niya, ayoko sana magsalita pero iniiba niya nanaman yung kwento

"Are you sure? Kasi kahit sinong tanungin mo sa canteen alam na hindi yan ang agad nangyari" I kept my voice straight habang sinasabi yon, kahit na gusto ko nang umiyak

"What's the use? Basta si Mr. Valdemar ang unang nanuntok" sabi niya

"Henrik wouldn't punch Mr. Cabello if he didn't piss him in the first place" I told her , Veniamin looked at me na nakakunot ang noo "therefore Mr. Cabello has done something wrong padin" I tried my best not to stutter kasi nakakaintimidate talaga siya

She laughed sarcastically "oh whatever Ms. Aragona, we knew nothing of these would've happen if you didn't apply your amorousness!" sigaw niya "Gosh!I can't believe that this school accepts students who didn't knew anything but to flirt" she laughed mockingly as she said that.

The Danger You Put in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon