Chapter 7

53 17 2
                                    

Senior

"V-veniamin?" Gulat kong sabi, pero pinanatili kong mahina at pabulong lamang ang boses ko

Malay mo hindi siya to diba? edi napahiya pako. Isip isip din ano

Tinignan niya ako kaya pantay na ang paningin namin,kumunot ang noo niya nang tignan ako, umawang ang kanyang labi bago nagsalita

"What are you doing here anyway?" tumikhim siya bago humiwalay sa pagkayakap "and why are you mentioning Damaris what?" He chuckled lightly "offering you to a demon?" tumawa siya, napangiwi ako

"E-eh sabi niya kasi pumunta ako d-dito at pinapatawag daw ako ni Mr. Tolentino. Hindi ko naman alam na ilolock niya ako dito sa loob" sumisinghot ako habang sinasabi ko yon. Hindi padin ako nakakabawi galing sa pag iyak, masakit padin ang dibdib ko at ang mata ko.

Plus the fact na nasa dilim ako. Patay na

"She what?!" Sigaw na sabi niya, at hinawi ako para makapunta siya sa pinto. Pilit niyang binubuksan pero ayaw, pinipihit pihit niya padin ang doorknob.

"S-sinubukan ko na iyan kanina, a-ayaw talaga" napasinghal siya at ipinikit ang kanyang mga mata at sinabunutan ang sarili niya.

Kahit pala nasa dilim kami ay kitang kita padin ang kagwapuhan at kakisigan niya.

Snap out of it Kyla! Anlandi landi mo!

"Aaaargh!" He whined like a frustrated hotdog.

Bakit hotdog? Ewan ko

He removed his precious glasses and massaged his temples.

"Try mo kayang tawagan si Damaris, sabihin mong andito ka din. I swear she couldn't tiis the fact na magkasama tayong dalawa dito ngayon" i said jokingly to make the mood lighter. Kahit onti lang

Kinapa kapa niya ang bulsa niya sa pantalon maging ang bulsa niya sa vest niya. Pero he just sighed , meaning wala.

He walked so fast like a runner na gustong makuha ang trophy papunta sa table sa harap. Sinundan ko siya agad kahit na mabilis siya, ayokong maiwan ulit magisa sa dilim ano!

Nagkalkal siya sa mga drawers maging sa case ng kanyang laptop pero hinampas niya ang table , wala talaga

His jaw clenched dramatically then he looked at me.

Lumaki ang mata ko at finorm na A ang bunganga ko, asking kung anong tinitingin tingin niya.

Why? Is he captivated by my beauty?

Lumapit siya sakin, at ako naman ay umaatras. Diretso padin ang tingin niya sa mga mata ko.

"H-hoy! " Atras lang ako ng atras "a-anong ginagawa mo baliw!?" Sigaw ko hangang maramdaman ko ang pader , nasa likod kona. I'm trapped

Naharangan ng balikat niya ang view ko sa likod niya, siya lang ang nakikita ko ngayon.

Hinarang niya ang isa niyang kamay sa gilid ng mukha ko, tinignan ko ito at , SHET! ANG UGAT!

"Eyes here missy" he snapped his fingers kaya napalingon ako ulit sakanya. Iginiya niya ang palad niya sa harap ko. Tinignan ko iyon at binalik ang tingin sakanya , he raised his eyebrows then his lips slightly rose up and his eyes went to his palad.

Di ko siya magets, gusto niya bang ikiss ko siya kaya tinaas niya side ng labi niya?sabihin niya lang

"Huh?" I innocently asked

"Give me your phone" he said

Ahhh , yon lang pala. Kala ko kung ano na

"Aaah , hehe" I smiled awkwardly at him. Kinapa kapa ko ang bulsa ko maging ang bulsa ng vest ko.

The Danger You Put in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon