Chapter 5

51 17 0
                                    

DM

Pagkahatid sakin ni Lola sa bahay namin nila mommy ay nakaramdam agad ako ng lungkot. Napansin ko agad na wala ang sasakyan ni Daddy, yung kay mommy lang ang andyan

Buhat buhat ko ang mga paperbag na ibinigay ni Ma'am Lina sakin papasok sa bahay. I can hardly open the door dahil andami kong bitbit

"Yes,I'll be there tomorrow 6am" rinig kong sabi ni mommy sa kausap niya sa telepono pagpasok ko ng pinto. I have my spare key with me incase na walang tao, like always.

Hindi napansin ni mommy ang pagpasok ko ng pinto, pero napansin niya ako nung paakyat ako ng hagdan

"Oh anak, have you eaten already? Paghahanda kita" sabi niya "saglit lang nak ha?" Tas bumalik na ulit siya sa kausap niya, hindi naman na niya ako kailangang ipaghanda. Pinakain na kami ni Ma'am Lina.

Dumeretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit, inilagay ko na ang mga damit na bigay ni Ma'am Lina sa laundry para malinisan muna bago ko gamitin.

Naupo na ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko. May ipapasa pa palang narrative report bukas regarding sa outreach, ngayon ko lang naalala.

Kinuha ko ang phone ko para magpamusic dahil hindi talaga ako sanay na magwork ng walang music. Mas gumagana ang utak ko pag may music.

Nagtytype ako sa laptop nang may maalala ako. Oo nga pala, nasa bag ko ang water tumbler ni Damaris.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at binuksan ang bag ko. Nakita ko ang water tunbler na wala nang laman at basag ang gilid. Nagulat ako ng makita ang brand neto

"Klean Kanteen" basa ako, nanlumo ako pati na ang bulsa ko

ang mahal kaya neto :(

Kaya niyang magsayang ng ganto kamahal na brand ng water tumbler? Gano ba siya kayaman sa tingin niya?!

Nawaksi ang pagiisip ko about sa topic na iyon nang bumukas ang pinto. Lumingon ako doon at sumilip ang ulo ni mommy

"Nak , baba na. Kakain na" sabi niya at tinanguan ko lang siya at sinara niya na uli ang pinto.

Tinapos ko saglit ang narrative report ko at sinave iyon. Sa library na ako magprprint bukas ng umaga.

Bumaba na ako at tinali ang buhok ko sa isang messy bun, nakita ko si mommy na naglalaptop sa counter table sa kusina, pero sinara niya iyon nang makita akong pababa. Nginitian niya ako

"Where's dad?" Tanong ko bago naupo, sinalinan niya ako ng orange juice at naglagay ng kanin sa plato ko

"The usual" buntong hininga niyang sabi

"Work" sabay pa naming sabi. Nilagyan niya ng ulam na nilaga ang plato ko. After that, nilagyan niya din ang kanya

Tahimik kami parehong kumakain nang binasag niya ang katahimikan

"By the way Kyla, I ordered the perfume you wanted online,baka bukas or sa isang araw yon dumating" she said, I smiled. They really know how to make suhol huh

"That's so nice of you mommy. Thank you" nginitian ko siya ng pilit. I can be nice naman e

We continued eating hangang sa matapos ako,naunang natapos kumain si mommy kaya habang kumakain ako kanina ay naglaptop na siya.

Idadala ko sana ang pinagkainan ko sa lababo ang pinagkainan ko nang nagsalita si mommy "leave it there, I'll wash the dishes later honey" sabi ni mommy, edi ginawa ko.

Masunurin po akong bata

Umakyat na ulit ako ng kwarto at nagshower. I did my night time routine bago inayos mga gamit ko para bukas sa school at inayos ang bed para makatulog na ako. Napansin ko mula sa terrace ng kwarto ko ay maliwanag ang buwan

Lumabas ako doon hawak ang cellphone ko . I captured the moon shining with the stars on that cold night

Pinost ko iyon sa Ig story ko with the caption "tired.help"

Sinara ko ang terrace at dinim ang mga lights at sumalampak nako sa kama ko. Now this is heaven.

Binaba ko ang cellphone sa side table at matutulog na sana nang biglang nag ring iyon. Tinignan ko ang notification at nakita ko ang DM sakin. Angelo, Nathan, and Vincent replied to your story

Wow sabay sabay. Planado ba?

Binuksan kong nauna ang kay Vincent

@VincentiusDaVinci:

You okay? malamig ba yung tubig? Sayang ininom ko nalang sana

Sinunod ko ang kay Angelo

@AngeLORd:

sis! sorry sis, ok lang yan! masarap naman yunh tubig na bigay ni VenVen diba? loL

Nang asar pa tong hayop na to ah. Psh

Binuksan ko naman ang kay Nathan na feeling ko pinaka maayos sa lahat

@NathanieLeon:

You okay Kyla? Sorry about what happened a while ago. Kinausap ko na si Damaris , don't worry :)

Napangiti ako, si Nathan lang ang nireplyan ko sakanila

@KAragona to @NathanieLeon

I'm okay :) thankyou. How is she btw?

Ibababa ko na sana ang phone pero nagreply na agad siya

@NathanieLeon:

she's fine. Veniamin took her home

di na ako nagreply after non. I turned off the wifi ng cellphone ko para hindi na ako maabala sa pagtulog ko.

It's been a long day

_________________________________________

short update only :) thanks for reading

-binibiningdanielle

The Danger You Put in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon