Encounter 4

49 4 6
                                    


The Graceful Family
................................................

Kanina pa lang may kutob na 'ko, may kutob na ko na hindi lang basta uusad ang araw na 'to ng normal para sakin. Paano nga ba mangyayari 'yon kung may mga abnormal na makukulit na nakapaligid sa'kin.

Like this man grinning in front of me! He's sitting comfortably in my sofa na parang katanggap-tanggap ang pagdating niya!

"Bakit ka nandito?" tanong ko agad nang madatnan siya sa bahay. Kakagaling ko lang sa labas kanina kasama si Diesel. Pagkatapos naming kumain ng sorbetes ay umuwi na kami na sana hindi ko muna ginawa kung alam ko lang na may asungot akong dadatnan.

"How are you my dear sister?" pambabalewala niya sa tanong ko.

"Wala akong balak makipagkamustahan sayo. Ano ngang ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?" magkasunod kong tanong saka dumiretso sa kusina para uminom ng malamig na tubig habang naghihintay ng paliwanag niya.

"Aww, ang ganda ng bungad ahh, Tita's inviting you para mamaya."

"Bakit? Anong meron?"

"Seriously? Hindi mo alam?" And he looked at me like I'm the most ignorant person that he knew. OA.

"Itatanong ko ba kung alam ko?"

Bumuntong hininga muna siya na parang nauubusan na agad ng pasensya dahil maikli pa sa hinliliit ko ang pasensya niya. Saka lang ako umupo para harapin siya.

"Engagement party ni Sanya mamaya, with that Chua."

"And? Ano namang kinalaman ko don?"

"Nothing. You care nothing little sis," he smiled sarcastically.

"Engagement ng pinsan mo at wala ka man lang balak pumunta. She must be proud that you're part of the family."

I crossed my arms and legs as I smirked back at him.

"Are you teasing me? Alam na alam mo naman kung bakit ako humiwalay diba? And besides, ayoko muna makita ang mga pagmumukha ng ibang tao sa bahay, and I'm pretty sure that's also what they want."

"Come on. Tita and Sanya has nothing to do with your personal issues. Hindi ba pwedeng i-set aside mo muna 'yan at magpakita ng konting suporta sa pinsan mo. She was a sister to you afterall."

"Personal issues you say?"
Now I chuckled sarcastically.

"And bakit ko naman siya susuportahan sa engagement na alam kong hindi niya naman ginusto at the first place? Did you also forget na hindi naman ako maglalayas ng bahay kung hindi sila pumayag ni tita sa engagement na yon?" I pointed out. "And yeah, she was my sister and this is the least thing I can do for her, boycotting that forced engagement," I said with finality.

"Ok fine! If that's what you want, I'm not gonna force you! You know that's not my thing. Chill na tayo." Tinaas niya pa ang dalawang kamay. I knew he would surrender that easily sa ikli ng pasensya niya.

"Tita's just inviting you pero hindi ka naman obligadong pumunta. Don't over react."

"I'm not over reacting! I'm just explaining my side here, because you provoked me!"

Fate FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon