Who's who
....................
"Welcome December!" I pushed her face away on mine nang isigaw niya 'yon sa mismong pagmumukha ko.
"Ay, ba't pang-undas 'yang mukha mo? Pasko na girl!" I almost rolled my eyes at her. Napakaingay.
"As far as I know 25 pa 'yon. Masama ang gising ko."
"Kdot." One thing good about Lith. Kapag masama ang gising ko tatantanan niya na 'ko.
"Waahhhh! Hindi talaga 'ko maka-move on! Chung-myung huhu. Iyak ako ng iyak kagabi, kaya namumugto mata 'ko oh. Pansin mo? Skl."
Joke. Minsan lang pala.
Nagpaka-aliw na lang ako sa kuwento tungkol sa kdrama na pinanood niya kahapon. She always persuades me to watch her suggested dramas pero ito siya ngayon at halos i-kuwento na buong istorya. Bakit ko pa papanoorin kung alam ko na kung sinong mga mamatay? Mehe.
Nagsawa lang siya sa'kin nang dumating na 'yong classmate naming kdrama addict din.
Naiwan akong tulala sa upuan ko. Napaaga ako sa school kasi maaga rin akong nagising. Hindi ko nga sigurado kung ilang oras lang ako natulog sa kaiisip sa nangyari kahapon.
Flashback
I was busy finishing my output in Biology na nakatulugan ko na kagabi at ngayon ko lang ulit naalalang gawin.
Argh, I should be binge watching in netflix right now.
My parted attention on the last movie I have watched and the last lesson we have discussed were all snatched by the sudden noise coming from my doorbell.
I don't know na may bisita pala 'ko.
Tatlong beses ko pa 'yon hinintay tumunog bago napipilitang pagbuksan ang sino mang nasa likod ng pinto.
My slightly irritated face eventually became awfully irritated. At least I managed to hide that in a surprised look.
"What took you so long? Hindi naman gan'on kalaki 'tong tinitirhan mo para maligaw ka pa," she said as she went straight inside my flat. Her eyes roamed around my place.
"What took you here either?
--po, Tita Sab?"
I managed to add the last words para matakpan ang medyo pagkawalang-galang.
With that, she did her infamous expression. Tataas ang kaliwang kilay bago ngingiti nang sobrang tamis. So sugarcoated I mean. Nakakasuya.
"I believe the first thing to ask your guest is to sit down and offer her some drinks. Right, my dear?"
And I believe, the first of all before entering someone's place is to get invited.
Pinigilan kong isatinig iyon at gumanti ng sadyang pinahalatang pilit na ngiti.
"Please enjoy your seat," I said and motioned her to my humble sala set.
"Oh, I don't have anything in my fridge but water and milk. What would you like?"
"Never mind. I didn't come here to know what's on your fridge," she scoffed and sat down.
Gulo mo tita.
I just shrugged and sat across her, mirroring her sophisticated position, ankles crossed. Palinga-linga pa rin siya as if assuming every piece in my house combined didn't even match her hermes epsom bag's worth.
BINABASA MO ANG
Fate Fools
Teen Fiction"Even fate can't fool me again, I won't let it." __________________________________ No Limits Series Entry No. 1 __________________________________ WARNING: BORING AT MEMA PERO PAGTIYAGAAN BASAHIN PLEASE 🤦😘