After School......................
“Anla shet!”
Nagulat ako sa sigaw ng kaklase kong si Freya na kalalabas pa lang sa classroom. Because of that, natalo ako sa nilalaro kong Helix jump with almost a thousand score already!
“What happened to you?” kunot-noo kong tanong sa kaniya, medyo hindi na naitago ang inis. Lumapit naman ito sa gawi namin na kagat-kagat ang kuko.
“Eh kasi! Nalimutan ko sagutan ‘yong sa back page, may essay pa nga pala ‘yon,” naiiyak nang sabi niya.
“Don’t worry, same tayo girl. Hindi ko na napansin naubos ang oras ko sa pag-so-solve,” pakikiramay ng isa ko pang kaklase.
“Ugh! Hindi kasi expected na gano’n kahirap ‘yong mga problems na ibibigay. Nakakainis naman si ma’am,” another classmate complained.
And their forum about the recent exam continued. Binalikan pa nila ang ibang items at pinagkumpara ang kanilang mga sagot. This is their scenario every after an exam per subject. Kung hindi magre-review ay i-che-check sa reviewer kung tama ang mga sinagot nila. Tapos ay manghihinayang sa mga nakalimutang dapat isagot.
Me? Wala lang. Pinapanood ko lang silang ma-stress. Where’s the point anyway? Nasagutan na ang dapat sagutan at hindi mo na mababago ‘yon unless matapang ka para bawiin ang test paper sa teacher and make an excuse that you only forgot the correct answer. Pss.
Few more minutes had passed before my other classmates finished their exams and came out the room. Isa na doon si Lith na siyang hinihintay ko. Magtatampo-tampohan na naman kasi ‘pag hindi.
“Bakit ang tagal mo? Akala ko ba hindi ka na mahihirapan?”
Pinilit kong hindi magtunog asar ‘yon. Ang lakas kasi maghamon ng paunahan matapos e siya naman ‘tong muntik nang maiwan sa loob.
“Eh kasi! Ang hirap, daebak! Buti nga napansin ko agad ‘yong essay eh. Kung hindi baka hindi ko na rin ‘yon nasagutan! Grabe talaga!” naiiyak din na reklamo niya.
“Anong sagot niyo sa last? Positive o negative 5?” singit ng isa kong kaklase na sa pagkakatanda ko ay Ricz ang pangalan.
“Negative nga akin.”
“Positive daw ‘yon. Absolute value.”
At may bago na namang pinagtalunan. Hindi na lang ulit ako nakisali because my answer is way far from theirs. Mehe.
Niyaya ko na si Lith no’ng mainip ako.
“Ilan ang true mo sa test 1?”
“The fudge? Hindi ka pa rin tapos?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
“Eh hinila mo na ‘ko e. Hindi ko pa natatanong ‘yong true or false,” nakangusong sagot niya.
“So ilan nga?” pangungulit niya pa.
BINABASA MO ANG
Fate Fools
Ficção Adolescente"Even fate can't fool me again, I won't let it." __________________________________ No Limits Series Entry No. 1 __________________________________ WARNING: BORING AT MEMA PERO PAGTIYAGAAN BASAHIN PLEASE 🤦😘