Encounter 11

25 4 5
                                    


Dejavu
...............


“Musta topics niyo?” bulong ni Lith na naki-tingin din sa binuklat kong libro. 

More than half of the class were at the library to scan books, of course, and find for some sensible research topics. Yes topics. Hindi lang isa kundi lima ang  pinapahanap per group para daw maraming options. The second semester marked the start of the hardships that a normal student would face as she works on her fudging research paper.

Hindi ko talaga malilimutang isa sa pinakanakakatamad at medyo nakaka-stress na part  ng pag-aaral ang paggawa ng research paper! Nagpapasalamat na lang ako na groupings kami ngayon. Hindi ko solo ang burden working for my grades. 

“Hindi pa kami tapos maghanap. Kulang pa ng dalawa,” I replied to her bago binalik ang kinuhang libro sa shelf nang makitang wala namang interesting topic na puwedeng kunin doon. Nagpatuloy ako sa pagtingin ng iba pang books.

“Ah, kami isa na lang,” sabi niya habang pinapasadahan ng kamay ang mga librong nadadaanan.

“Eh bakit hindi ka na yata naghahanap? Mahiya ka naman sa groupmates mo,” I teased her.

“At bakit naman? Sila ang mahiya. Tatlo na nga yung akin eh. Tig-isa na lang sila.”

Napa- ‘oh’  na lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa ginagawa.

“Edi tulungan mo na lang ako.”

“Sige na nga. Libre mo 'ko ha,” parang pinilit na sabi niya bago nakihanap na rin.

Ilang libro pa ang na-scan ko nang magpasyang lumipat ng shelf.

“Do’n muna ako ha,” paalam ko kay Lith na busy na at hindi man lang tumingin sa’kin.

Ne!”

I was on the sciences section pero  wala na talaga akong makita. Sinilip ko muna ang dalawa kong groupmates na nasa may table at abala rin sa patong-patong na books na kinuha nila. Then I turned to technology section na medyo may kalayuan sa lahat. I took STEM and kailangan may kinalaman sa strand namin ang topics na ipo-propose. 

I was about to get a book nang matigilan.

“Bakit ba ang kulit mo?!”

I heard someone spoke from the other side. Halata sa tono nito ang iritasyon.

“Bakit ba ang kulit mo din? I told you I want you back,” the other one said.

“I won’t come back. Kaya tigilan mo na ang paglapit sa’kin,” sagot ulit no’ng isa.

Hindi gano’n kalakas ang mga boses nila but were enough for me to clearly hear what they’re saying. Dahil na rin siguro sa gap sa bookshelf na kinulang ng libro, or dahil malakas lang talaga ang pandinig ko. Wait. What am I even dong?!

I’m really starting to doubt myself about being an eavesdropper! These past few days ay napapadalas na talaga ang ganito at hindi na nakakatuwa! 

It wasn’t my fault! Maghahanap lang naman ako ng research topic! 

I tried to convince myself again, as always! Itinuloy  ko ang talagang ipinunta doon.

“I won’t stop pestering you then.”


Fate FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon