Encounter 13

22 4 7
                                    


Worried
.................


Jealousy. An unhappy or angry feeling  caused by the belief that someone you love likes or is liked by someone else. It was a broad definition I read from a dictionary. I vaguely know that word but I can’t agree more to myself when I concluded that what I’m witnessing right now is  JEALOUSY. 

Kuya Ivan, pa’no nga ulit ‘to?” 

The latter faced my friend as he hid his distress. In a matter of second, napakalma niya ang sarili at pilit na ngumiti. Emotion freak indeed.

“Here,” sabi niya kay Lith bago nag-demo ng pag-so-solve dito.

“Ay tanga. Kaya pala hindi ko makuha, may gan’to pa nga pala ‘yon,” sabi nito habang kumakamot sa noo.

“Yeah. Don’t forget to consider all the rules.”

“Ahh. Thanks kuya!” sabi ni Lith sa gitna ng pagtango.

Kuya huh? 

Kahit sa mga kaibigan nito ay kuya na rin ang tawag niya. Maybe because mas matanda nga ang mga ito sa amin. But should I call them that too? Hindi ko naman tinawag ng gano’n si Kaden. Kahit nga ang kapatid ko na mas matanda ng isang linggo sa’kin. 

“O nasa’n na ‘yong sini-solve mo?” baling niya sa’kin bago tiningnan ang scratch paper kung saan ako nag-so-solve. Napagaya naman ako sa kaniya at napangiwi ng makitang puro guri iyon. Natawa siya dahil doon.

“Hindi talaga madali okay?” dahilan ko.

We’re at the library again para mag-review. Yeah, I abandoned my fave spot for the meantime dahil na naman sa kakulitan ng magaling kong kaibigan. Ang daming naka-abang na quizzes ngayon sa’min as review for the upcoming monthly examination. She insisted na sabay na lang kami mag-aral.

Nang nakarating naman kami sa library ay hindi na ‘ko makatanggi nang nagtawag pa siya ng magtuturo sa’min. Nakisabay kami kay Ivan and his friends na nag-re-review din for their midterm exams. Hindi na nakakapangsisi dahil malaking tulong ang mga ito. Natatanungan namin sila lalo na sa Mathematics. Credits to my thick-faced friend.

Medyo nakakagulat lang na kahit sina August na loloko-loko ay napapakunot pa ang noo sa sobrang pagse-seryoso ngayon sa pag-re-review. Hindi na nga sila maabala maliban kanina na napapagtanungan pa namin. Si Ivan na lang ang nakukulit namin ngayon. Mukhang kampante na itong may isasagot sa exam. Naaburido nga lang ng selos. 

“Come on, basic pa nga ‘yan,” sabi niya, walang halong pagyayabang pero ayaw kong maniwala!

Kumpara sa Science ay mas gusto ko ang math pero ang kinakaharap ko ngayon ay gusto kong sukuan! Gano’n ako katamad mag-aral!

Anong basic dito?!”

Shh,” saway sa’kin ni Nate nang hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses. Naitikom ko bigla ang bibig habang si Ivan ay nagpigil ng tawa. 

Kung tutuusin ay basic nga lang talaga ang topic kaya nga nakasali iyon sa tinawag na basic calculus. The topic is about the application of limit laws. Medyo madali talaga. Ang tanging nagpapahirap sa’kin ay ang napaka-complicated niyang given. Napakaraming prosesong kailangan gawin at lalo akong tinatamad! Napuno ko na ‘yong scratch paper pero wala pa rin akong nakukuhang matinong sagot! 

Ayoko sa given na ‘to. Napaka-komplikado. I’m not a math moron but I’m no genius either,” bulong ko sa kaniya.

Fate FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon