The Sky's Secret
......................................
Ivan finally removed his hand from my eyes.
"What's that?" Naguguluhang tanong ko. I took a peek at mukhang paalis na 'yong dalawang lalaki dahil nakasakay na sa kaniya-kaniyang motor.
"Hey, what's that?" Siniko ko ang katabi at umayos ako ng upo nang mapansing sobarang siksik ko pala sa kaniya.
"I told you it's a bird, stop asking," gusto ko pang umangal pero natigil ako dahil sa seryoso niyang mukha.
AFTER the two went away, we let another minute passed para masigurong nakalayo na sila.
"Aww," daing ko pagkatayo, nangalay na.
"You okay?"
"No, I'm not," I stated frankly as I my eyes landed at him, pretty annoyed.
Mabilis siyang tumingin sa kung saan, iniiwasang salubungin ang tingin ko. I sighed deeply, gaining back all my patience.
"So, are we safe now?"
"Maybe. Let's get out of here first," yaya niya sa'kin paalis sa may likuran ng basurahan!
"What about your car?" tanong ko sa kaniya nang lampasan ang sasakyan. Nakalimutan pa yata.
"What about it? We can't it use. Unless willing kang magtulak." Nakuha niya pang magbiro at ako naman ay lumalabas na ang katarayan kaya inirapan ko siya.
"I mean, anong mangyayari d'yan? Iiwanan mo na lang?" taas-kilay kong tanong.
"Ahm, maybe I'll just inform Garson later, so he can pick it up," he said nonchalantly.
"At ano namang kinalaman ni Garson d'yan?" Napakunot ako ng noo.
"It's his car so," he just shrugged leaving my mouth slightly open.
At nandamay pa nga ng kotse ng kotse ng may kotse.
"Wow," nasambit ko na lang.
"Hindi naman siguro mapapano 'yan d'yan. Let's escape here first," he stated and winked at me making me roll my eyes at him again. Tinawanan niya lang ako.
Mangilan-ngilan lang ang taong napapadaan sa lugar at sumabay na lang kami sa mga ito. Kung naghihintay pa rin sa'min 'yong mga tito ni Bianca ay hindi na naman siguro kami makikilala dahil hindi naman nila kami nakita.
We just walked our way. Sumusunod lang ako sa kaniya dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar. Until we reached the mainroad I guess, base na rin sa dami ng tao at ilang establishments na naro'n.
We decided to eat first at a carenderia dahil na rin sa pamimilit ng tiyan ko na kanina pa nag-aalma. We just have adobo and giniling at tig-dalawang servings ng kanin.
"Nabusog ka ba?" he asked and my soft burp answered it. Bahagya siyang natawa pero hindi ko na nagawang mahiya dahil ginutom niya talaga 'ko.
"Then, uhm." Mukhang may sasabihin siya pero hindi niya masabi.
"What?" tanong ko dahil naguluhan na 'ko.
"Ah, can you pay for it for now? I forgot my phone and wallet."
Muntik na akong masamid sa iniinom na tubig nang marinig iyon.
"You mean, you let us eat here nang wala kang dalang pera?!" I exclaimed. I pursed my lips after getting the attention of some customers.
BINABASA MO ANG
Fate Fools
أدب المراهقين"Even fate can't fool me again, I won't let it." __________________________________ No Limits Series Entry No. 1 __________________________________ WARNING: BORING AT MEMA PERO PAGTIYAGAAN BASAHIN PLEASE 🤦😘