Unluckily Lucky Day
.....................................“Are you really okay?” Zeo asked me for the nth time simula nang pumunta kami sa science lab.
“Yes, don’t worry about me,” I answered him for the nth time also at nagpatuloy sa ginagawa.
“Kanina ka pa kasi matamlay eh. You sure walang masakit sa’yo?”
Ang kulit! Paulit-ulit!
“Okay lang talaga.”
Pilit ang ngiting sabi ko sa kaniya at napipilitan din naman siyang tumango na lang.Alam ko namang nag-aalala lang talaga siya sa’kin pero ewan ko ba kung bakit ang dali kong mainis ngayon. I think it’s one of the mornings that I will wake up on the wrong side of the bed. Kanina pa lang ay hindi na maganda ang mood ko. Kahit sa sarili ko ay nainis ako dahil muntik na akong ma-late! Tamad na tamad talaga akong kumilos kanina. Si Lith nga ay hindi ko muna pinagpapansin dahil baka mairita lang ako sa ka-ingayan niya.
Like I said, we’re here in the science laboratory to perform the activity assigned to us. First class ngayon ang Gen Chem and si Zeo nga ang partner ko para dito. Nahihiya na nga ako dahil kanina pa yata ako lutang. Siya na ang nag-adjust at pinaghalo na lang ako ng kung anong solution.
“15 minutes class!” paalala ni Ma’am Ivy. Ilang beses ko na sigurong pinagpasalamat na si Zeo ang partner ko pero wala akong pake. Alam na alam niya ang ginagawa niya kaya patapos na namin ‘yong activity.
“Ahh Zeo.”
Lumingon naman siya sa’kin.“Yes?”
“May iba pa bang gagawin?” nahihiyang tanong ko.
“Wala na naman. Hinihintay na lang nating matunaw ‘to,” sabi niya sabay turo sa ginawa namin.
“May I excuse myself? Sa restroom lang ako.”
“Sure, I got this!” nakangiting sagot niya.
Saka naman ako lumapit sa teacher namin to also excuse myself.
I looked for the restroom immediately na hindi naman kalayuan sa lab. Noon ko lang din na-realize na hindi ko na pala nahubad ‘yong lab gown na suot ko. I took it off and put it in the sink before going straight to the toilet.
There I got it. Kung bakit masama ang gising ko! Kung saan nanggagaling lahat ng inis ko!
The hedge bakit hindi ko agad na-gets?!
Gusto ko na lang maiyak sa inis nang makitang madami na iyon. Hindi imposibleng hindi ako tinagusan nito! After I flushed the toilet ay pumunta ako sa salamin at tumalikod doon. Hindi nga ako nagkamali when I saw the dark red stain in my cream-colored skirt! Nakakaiyak! Mabuti na lang pala at may suot akong lab gown—wait! When I realized something, I grabbed the gown at tiningnan kung may tagos din iyon. I sighed in relief nang wala akong nakitang mantsa doon. Mabuti at hindi ko ito naupuan kanina.
Argh! What will I do next?!
Muli kong sinuot ang lab gown at nanlulumong lumabas ng restroom. Napaka-weird dahil puro banyo na lang ang eksena ko nitong mga nakaraang araw. I just shrugged it off and faced my latest dilemma.
Mas malapit dito ang laboratory compared to our lockers. Kung babalik ako ng laboratory ay makakapagtanong ako ng extra kay Lith but it won’t assure kung may dala siya right now. Paniguradong pupunta rin ‘yon sa locker niya! Eh alangan namang sa locker area ako dumiretso? Makikita ako ng klase dahil madadaanan ko muna ang lab bago ang classroom! Shiz.
BINABASA MO ANG
Fate Fools
Novela Juvenil"Even fate can't fool me again, I won't let it." __________________________________ No Limits Series Entry No. 1 __________________________________ WARNING: BORING AT MEMA PERO PAGTIYAGAAN BASAHIN PLEASE 🤦😘