LIEZIANA'S POV
Bzzzt bzzzt
Napatingin ako sa cp ko ng mag vibrate yun
One message received
~aezon~
Hey!nandito na ako sa labas ng restaurant umpisa na ng vlog
11:10 am
Ngayon kami magvlovlog ipapakilala na nya ako sa mga fans nya at ngayon nya rin ako tutulungan sa activity ko
Huminga ako ng malalim inayos ko ang pagkakaupo kinuha ko ang cp ko tsaka naglaro habang nag aantay
Mag aact lang naman ako pero kinakabahan
"Ohh!!!lieziana mag aact ka lang kalma!!"pagkausap ko sa sarili ko
Nagfocus nalang ako sa pagccp habang nagaantay Sguro nagiintro pa sya
Nagulat ako ng may bigla nalang yumakap saakin sa likod at hinalikan ako sa pisngi
Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam na ganto agad ang gagawin nya
"Hi wim!"bati nya saakin hawak nya ang camera nya pinilit kong ngumiti
"Hi...wim"sabi ko ngumiti naman sya saakin
"Umorder ka na pala?"tanong nya tumango lang ako hindi ko alam gagawin ko tumabi sya saakin nilagay nya yung camera nya sa harap namin bigla syang umakbay saakin
"So guys i want you too meet my girlfriend "sabi nya ngumiti ako sa harap ng camera
"Act normal.....gawin mo lang kung ano ang ginagawa mo kapag kasama mo ang mga dati mong boyfriend"bulong nya saakin
"So guys para mas makilala nyo ang wim ko......magtatanong tayo sakanya....nagpost ako kagabi sinabi ko dun na icomment nyo lahat ng gusto nyong itanong sakanya....so mags-start na tayo habang kumakain kami"sabi nya nagumpisa na kaming kumain
"So first question for my wim"sabi nya tumingin muna sya saakin saka ngumiti
"Ano ang fullname mo at nickname mo?"basa nya sa tanong nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko saka ngumiti
"My name is lieziana castora,you can call me ziana or ana pwede ring liez"nakangiting sabi ko habang nakaharap sa camera
Tinanggal ko ang kaba at pagkailang kailangan kong galingan sa pagpapanggap kung hindi malalaman nila lola na bagsak ako
"Ok next,ilang taon kana"basa nya ulit sa tanong
"17 na po ako"sabi ko
"Hindi halata guys diba?ang liit kasi hahaha"pangaasar nya saakin sinamaan ko naman sya ng tingin
"Porket biniyayaan ka ng tangkad"nakangusong sabi ko
"Hahah next na hahahah mas lalong hindi halata toh hahah anong grade kana daw?"natatawang tanong nya tinignan ko naman sya ng masama
"Grade 11 na po ako"nakangusong sabi ko tumingin ako kay aezon pero nagpipigil sya ng tawa
"Next na nga"sabi ko
"Hahaha ok next nagvlovlog ka poba?or tiktok?"basa nya sa tanong ngumiti ako
"Hahaha hindi po "sabi ko nagtanong pa sya at sinagot ko naman habang nakangiti aasarin naman ako ni aezon tuwing sasagot ako kaya nauuwi sa sagutan
"Ok next question may crush po ba kayong ibang vlogger?"tanong nya tinignan nya ako ng masama na para bang sinasabing umayos ka
"Crush na ibang vlogger?...hmm"nagiisip pa ako kunyari pasimple akong tumingin kay aezon masama parin ang tingin nya saakin
"Meron po..."sabi ko lalong sumama ang tingin nya saakin kaya natawa ako
"Dati pero ngayon?wala na maliban kay aezon "nakangiting sabi ko nakita kong unti unti nang nawawala ang sama ng tingin at napalitan ng ngiti
"Sabi sainyo eh loyal to saakin hahaha sa gwapo kong toh tsk!tsk!"i-iling iling na sabi nya
"Ok next......bakit ganto mga tanong nyo?"nakasimangot na tanong nya
"Tsk!may chance daw ba na ipagpalit moko?"tanong nya ngumiti ako sakanya tsaka humarap sa camera
Pinatong ko ang siko ko sa lamesa tsaka nagtalumbaba
"Wala po.....wala pong chance na ipagpalit ko si aezon kung maghihiwalay man kami sgurado akong hindi iyon ang magiging dahilan"nakangiting sabi ko humarap ako kay aezon
"Ikaw may chance ba na ipagpalit moko?"tanong ko sakanya tumingin sya sa mata ko saka ngumiti
"Masyado kitang mahal para ipagpalit"simpleng sagot nya napangiti naman ako dahil sa kilig
Wala naman sgurong masama kong iisipin kong totoo lahat ng sinasabi nya diba?
"Ok this is the last question...."sabi nya tumingin sya saakin sa mata
"Mahal mo ba talaga si aezon?gano ka kasigurado?"tanong nya hindi ko inalis ang tingin ko sakanya
"Oo mahal ko si aezon.....mahal na mahal...gano ako kasigurado?simple lang sa simpleng pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing kasama ko sya ...tuwing napapasaya nya ako....tuwing nakokompleto nya ang araw ko at tuwing napupunan nya ang mga kulang sa buhay sa simpleng ganun nasisigurado kong mahal ko sya at maipapangako kong wala na akong ibang mamahalin kung hindi sya lang"sinabi ko lahat yun ng nakatingin sakanya at kung saan nanggaling yung mga sinabi ko?hindi ko rin alam
"A-ahmm so dun nagtatapos ang vlog ko ngayon....sguro naman nakilala nyo na ang girlfriend at wag na kayong magulat kong kasama ko pa sya sa susunod kong vlog sorry kung ngayon ko lang sya naipakilala so good bye guys thanks for watching"sabi nya saka tinakpan ang camera
Mayginawa pa sya dun bago humarap ulit saakin
"Totoo ba lahat ng sinabi mo?"tanong nya
"Hmm part of the act"nakangiting sabi ko tumango naman sya
"So lets go dun nalang tayo sa condo ko gumawa ng activity mo"sabi tumango naman ako
Binayaran na nya yung bill namin tsaka kami lumabas inalalayan pa nya ako makasakay sa passenger seat saka sya umikot para sumakay sa driver seat
"Bakit ang konti ata ng dala mong activity yan naba lahat?"tanong nya habang nagmamaneho
"Hindi isang subject lang toh"sabi ko nakita ko naman ngumiti sya
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?"tanong ko
"Talaga kinokonti konti mo ang pagdadala ng activity para makasama mo pa ako ng matagal ah"nanunuksong sabi nya
"Ulol!!"sabi ko
*****
Huminto kami sa isang building pinarada nya muna yung kotse nya
Nauna akong bumaba sabay kaming pumasok sa building
"Bakit hindi tayo sa bahay nyo gumawa?"tanong ko
"Ikaw ah hahaha gusto mo na agad makilala si mommy"nangaasar na sabi nya
"Ulol ka!"sabi ko
Huminto kami sa isang pinto binuksan nya yun tsaka kami pumasok nilibot ko ang paningin ko sa buong condo
Napakalinis ng condo nya at napakalaki nito para sa isang tao
"Halika na umpisahan na natin"sabi nya umupo sya sa sofa kaya umupo rin ako sa tabi nya
"Ganun kaba talaga kapag kasama mo yung dating mong boyfriend?or nagpapanggap ka lang?"napatigil ako sa pagaayos ng gamit ko tsaka humarap sakanya
"Kung ano man ang ginawa at sinabi ko kanina ay normal kong ginagawa kapag may karelasyon ako bakit?"tanong ko pero tumitig lang sya saakin
"Ahh?wala"sabi nya
"Umpisahan na natin toh para matapos na"sabi nya
BINABASA MO ANG
Pretend To Be Vlogger's Girlfriend
RomanceLIEZIANA CASTORA isang normal na babae as in normal utak nya lang hindi Normal ang buhay nya until dumating ang araw na niyaya sya ng crush nya na si AEZON RIVERO na isang famous vlogger na maging sila INFRONT OF THE CAMERA Ano nga bang dap...
