chapter 16

119 2 0
                                    

LIEZIANA'S POV
"Dito kana magdinner hijo"sabi ni lola kay aezon

"Sge po"sagot agad ni aezon

Wow naman payag agad hindi manlang nagpakipot

"Dinner is ready!"sigaw ni mommy mula sa kusina kaya tumayo na kami at pumunta kusina pinaghila pa ako ni aezon ng upuan saka sya umupo sa tabi ko

Habang kumakain walang tigil sa kakatanong si lola kay aezon sagot naman sya ng sagot

Napatingin ako kay ate na nakaupo sa harap ko may panunukso sa mga tingin nya kaya umiwas ako ng tingin

"Edi ikaw pala ang hahawak ng company nyo kapag nakapagtapos kana?"tanong ni lola tumango naman si aezon

"Hmm thats good pag igihan mo para magkaroon ka ng magandnag future "sabi ni lola

"Opo para po sa future namin ni ziana"sabi nya tumingin sya saakin saka kumindat

Pagtapos naming kumain dumeretso agad kami sa sala dun nila tinuloy ang kanilang paguusap nabobored na ako dahil sila lang ang nakakaintindihan hindi ako pwedeng sumabat mamaya magalit si lola majombag pa ako
Maya maya lang business na ang pinaguusapan nila kaya na out of place na kami

Tahimik akong nakikinig sakanila pero nagulat ako ng biglang iyakap saakin ni aezon ang braso nya saka sya sumandal sa balikat ko

"Oii ano ba"bulong ko sakanya

"Shh!!!"sabi nya saakin tumingin saamin si lola kaya no choice ako kung hindi ang ihilig din ang ulo ko sa ulo ni aezon

"Aalis na kami at gumagabi na"sabi ni lola saka tumayo kaya tumayo din kami

"Hijo gabi na dito ka nalang matulog"nagulat ako sa sinabi ni lola

"Sge po"mas lalo akong nagulat sa sagot ni aezon

Hindi manlang nagreklamo tong mukong na toh!payag agad ang animal!!

Hinatid namin sila lola sa gate kasama parin namin si aezon

"Magiingat po kau"sabi ni aezon tumaas ang isang kilay ko ng yakapin nya si lola ayy wow close agad sila?sana all

"Umakyat na kau sa taas para makapagpahinga sa guest room ka nalang matulog hijo,baby pahiramin mo ang nobyo mo ng damit since mahilig ka naman sa malalaking t shirt"sabi ni mommy

"Ok mommy good nyt"sabi ko humalik muna ako sa pisngi hinawakan ko ung kamay ni aezon saka sya hinila papunta sa kwarto ko

"Bat hindi ka manlang tumanggi kanina?"tanong ko sakanya pagpasok namin sa kwarto

"Tinatamad na rin akong magdrive eh"bored na sabi nya pumasok ako sa walkincloset ko sumunod naman sya

Binuksan ko yung kabinet ko para sa mga pantulog  ko mahilig akong mag over size t shirt at panjama kapag matutulog kinuha ko yung plain blue t shirt hindi ko pa yung nagagamit saka yung panjama na malaki saakin

"Yan nalang suotin mo sasama ako sa kwarto mo para kunin yang uniform mo para maipalaba ko at magamit mo bukas"derederetsong sabi ko tumango naman sya lumabas kami at pumunta sa guest room

"Tabi tayong matutulog?"tanong nya

"Sira ba ulo mo?malamang hindi"sabi ko saka kinuha sakanya yung damit nya pinasadahan ko sya ng tingin hindi ko maiwasang mapangiti sa itsura nya

"Bakit?"tanong nya

"Ang cute mo "sabi ko

"Hmmm"sabi nya napakunot ang noo ko ng lumapit sya saakin

"Good night wim ko"sabi nya saka nya ako hinalikan sa pisngi 

******
1 am na pero hindi parin ako makatulog hanggang ngayon patuloy parin ako sa pagiisip

Alam kong part of the act lang yung mga ginagawa nya pero kasi may part saakin na umaasa parin na totoo ung hindi ko rin alam kung bakit ko iniisip yun

Napagdesisyonan kong pumunta nalang sa kusina para uminom ng tubig

Kumuha ako ng pitsel sa ref saka nagsinalin sa baso ko ng tubig

"Pwede makiinom?"

"AY PALAKA!!"hawak ko ang dibdib ko ng humarap ako sa pinto nandun si aezon nakasandal sa pader

Lumapit sya saakin kaya tumalikod ako para sana kumuha ng panibagong baso kaso kinuha na nya yung nasa kamay ko

"Ito nalang wala ka naman sgurong virus diba?"sabi nya saka nagsalin ng tubig at uminom nakatitig lang ako sakanya habang umiinom sya

Pagtapos nyang uminom kinuha ko yung baso para hugasan 

"Hindi ka makatulog?"tanong ko sakanya

"Hmm oo"sabi nya pagtapos kong hugasan yung baso humarap ako sakanya pero nagulat ako ng malamang sobrang lapit nya saakin

"A-ahm gusto mong sumama sa garden?"nauutal na tanong ko naaalinlangan akong tumingin sa mukha nya nakita kong nakayuko sya at nakatingin saakin

"sge "sabi nya dahan dahan akong umalis sa harap nya at naunang naglakad papunta sa garden umupo ako sa bench sumunod naman sya at tumabi saakin

"Hindi ba kayo close ng lola mo?"napatingin ako sakanya nakatingin sya sa langit

Bumuntong hininga ako saka nagbaba ng tingin

"Napansin ko kasing hindi ka umiimik kanina "sabi nya

"Hindi kami close ni lola.....iba ang pakikitungo nya saakin at sa mga pinsan ko.....gusto nya lagi syang may naipagmamalaki samga kumare nya "paninimula ko kita ko sa gilid ng mata ko sa tumingin sya saakin

"Gusto nya lahat ng apo nya magaral ng tungkol sa business gusto nya wala na kami ibang gagawin maliban sa paghahandle ng mga company namin.....halos lahat ng pinsan ko matatas ang grades ako lang ata ang naiiba "

"Lagi syang galit,lagi nya akong kinukompara sa mga pinsan ko nasasaktan ako tuwing ginagawa nya yung feeling ko kasi ako na ang pinakabobo sa angkan namin eh "natatawang sabi ko simple lang ang usapan namin pero may namumuo nang luha sa mata ko

"Pinipilit kong gawin lahat para kahit minsan maging proud manlang sya saakin pero kahit ata tumirik na ang mata ko sa sobrang pagod hindi parin sya magiging proud saakin.."

"Ginagawa ko lahat pero hindi parin sapat"sabi ko

"Kaya mo tinanggap yung offer ko?"tanong nya tumango naman ako

"Parehas lang pala tayo"sabi nya kaya gulat ako napatingin sakanya

"Gusto ng grandparents ko na ako ang maghandle ng company namin sinunod ko naman yun pero hindi sila nakontento gusto nilang sa ibang bansa ako mag aral "sabi nya

"Hindi ako pumayag sapat na yung pagpayag ko sa paghandle ng company bumili ako ng condo para hindi nila ako makulit akala ko ok na kasi hindi na sila nangungulit"

"Pero isang araw paguwi ko sa bahay nami nandun sila at sinabing kailangan kong magpakasal hahahaha inis na inis ako nun pakiramdam ko wala akong kalayaan masyado nilang pinapakialaman yung buhay ko at pati ang paghahanap ng asawa ko ay pinapakialaman na nila"sabi nya

"P-pumayag kaba ?"tanong ko

"Hindi pero hanggang ngayon kinukulit parin nila ako"sabi nya

"Same lang pala tayo ng problema "sabi ko saka tumingin sa langit

"Oo kaya naiintindihan kita "sabi nya tinignan ko naman sya ng masama

"Naiintindihan eh ginawa mo pa ngang pang blockmail yun eh!"singhal ko saknya natawa naman sya

Feeling ko nagkaroon na ako ng kakampi sa problema ko ngayon alam ko na na hindi ako nagiisa

Dahil nandyan sya para samahan ako

Pretend To Be Vlogger's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon