chapter 8

138 3 0
                                    

AEZON'S POV

"Hoy ayos ka  lang?"tanong ko kay ziana kanina pa sya hindi mapakali sa inuupuan nya

"Kinakabahan ako!"sabi nya  

"Hahaha bakit ka naman kinakabahan?wag ka ngang OA makapagreact ka naman parang girlfriend talaga kita"natatawang sabi ko tinignan naman nya ako ng masama

"Kaya nga ako kinakabahan eh hindi moko tunay na girlfriend tapos ipapakilala moko sa pamilya mo!anong gagawin ko dun!?"nanlalaking matang tanong nya hinawakan ko ang pisngi nya saka hinarap saakin

"Shh...wag ka ng kabahan nandito naman ako"sabi ko

"Bakit kasi kailangan pati sila lokohin natin"nakasimangot na sabi nya pinisil ko naman ang pisngi nya

"Kailangan eh"sabi ko umayos ako ng pagkakaupo saka nagumpisahang magdrive

"Akala koba magvlovlog ka?"tanong nya

"Hindi na "sabi ko
Mas ok na kung kami kami nalang muna ang makakaalam dito at alam kong nas mahihirapan si ziana kapag nagvlog pa ako

Wala nang umimik saamin habang papunta kami sa bahay hindi parin sya mapakali

Hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay

"Lets go"sabi ko bababa na  sana ako nang maramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko

"Bakit?"tanong ko tumingin sya saakin pero umiwas din

"W-wag na kaya tayo tumuloy "sabi nya natawa naman ako hinawakan ko ang pisngi nya

"Wag kang kabahan nandito naman ako eh hindi kita papabayaan "sabi ko bumaba ako sa kotse at umikot sa kabila para pagbuksan sya

Nakita ko syang bumuntong hininga ng ilang beses

"Tara?"tanong ko tumango naman sya inalalayan ko syang bumaba hindi kona binitawana yung kamay nya sinara ko ung pinto saka kami naglakad papasok sa bahay ng magkaholding hands

Pagpasok  namin sa bahay wala sila mommy umupo muna kami sa sofa sa sala

"Pakitawag sila mommy"utos ko sa isa naming kasambahay
Umakyat naman sya sa taas

Tumingin ako kay ziana nakayuko lang sya hawak ko parin ang kamay nya pinisil ko yung kaya napatingin sya saakin ngumiti ako sakanya ngumiti naman sya

Maya maya lang narinig nanamin ang tunog ng sandals ni mommy kaya napatingin kami sa hagdan nandun silang tatlo sabay sabay na naglalakad 

Tinignan ko si mommy,daddy,saka si bunso napakunot ang noo ko sa mga inaasta nila

Lahat sila ay nakafierce deretso silang nakatingin saamin napatingin ako kay ziana ng maramdaman ko ang pagpisil sya sa kamay ko hinawakan ko yung pisngi saka un hinarap saakin

"Kalma...hindi nangangain ang pamilya ko"sabi ko

"Bakit ganun sila makatingin?para silang may galit saakin"nakangusong sabi nya natawa naman ako

"Ehem!"napalingon ako sa kanila ng may marinig akong tumikhim

"Hi mom hi dad hi bunso"bati ko sa kanila at isa isa silang hinalikan sa pisngi

kumunot ang noo ko ng hindi manlang nabago ang mukha nila at imbis na batiin ako tinignan nila si ziana kaya mas lalo syang napayuko
Hinawakan ko ang kamay ni ziana  saka sya hinila patayo

"Guys meet lieziana my girlfriend"sabi ko unti unti silang tumingin saakin tapos nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na....

"HAHAHAHAHAHAHAHA"nagulat ako ng bigla silang tumawa

"Hey!ano problema nyo!?"tanong ko

"Ulol!kami pa niloko mo aezon!"sabi saakin ni mommy

"Huh?"tanong ko

"Kung yung mga fans mo naloko mo kami hindi hakdog ka!"sabi ni bunso

"Ano hindi ko kayo maintindihan "sabi ko

"Tsk!wag mo na kaming niloloko na girlfriend mo sya dahil alam naming nagpapanggap lang kau!"nagulat ako sa sinabi ni mommy gulat kaming nagkatinginan ni ziana

"P-pano nyo nalaman?"tanong ko

"Tsk!wala ka ngang girlfriend nung isang linggo tapos ngayon meron na?ano yan nahulog sa langit?"sarkastikong sabi ni bunso

"Hindi mo kami maloloko anak dahil simula't sapol kapag nagkagusto ka sa isang babae lagi mong kwenekwento saamin kami lagi ang sinasabihan mo kapag may nagugustuhan "sabi ni mommy

"Tsk!eh ano naman yung trip nyo kanina?para kayong mga baliw"sabi ko naupo kami

"Wala lang"sabi nimommy.

Totoo yung sinabi ni mommy talagang lagi akong nagoopen sakanila kaya alam nila lagi kapag may gf ako

"Pasensya kana hija sa naging asal namin"sabi ni mommy kay ziana nagangat naman ng tingin si ziana kay mommy at ngumiti

"Ok lang po"sabi nya

"Naghanda ako ng meryenda"sabi ni mommy senenyasan nya yung maid namin ilang saglit pa dumating ang mga maid at nilapag sa lamesa ang mga  pagkain

"Ano nga ulit pangalan mo hija?"tanong ni daddy

"Lieziana po lieziana castora"sagot ni ziana

"Castora?anak ka nila mr and mrs castora?"tanong ni daddy

"Malamang dad castora nga eh"sabat ni bunso

"Opo"sagot ni ziana

"Kamusta ang pagaaral mo hija?"tanong ni mommy

"Ok naman po"sabi ni ziana
Nagumpisa na kaming kumain

"Anong grade kana ba hija?"tanong ulit ni mommy

"Grade 11 po"nakangiting sabi nya nawala na yung kaba

"Ano palang balak mong kunin sa college?"tanong ni mommy unti unting nawala ang ngiti sa mukha ni ziana

"Business management po ang gusto ng lola ko na kunin ko"sabi nya

"Eh ang gusto mo?"tanong ni daddy

"Engineering po"sabi nya

"Ohh maganda yan!"tatango tangong sabi ni daddy

Gulat na napatingin si ziana kay daddy

"Ako dad gusto kong magengineer"sabat ni bunso

"Walang may pake"sabi ni daddy kaya natawa kami kasama na si ziana

"Dad!"sabi ni bunso

"Im just kidding"sabi ni daddy

Tumingin ako kay ziana  nakangiti sya pero kita ko ang lungkot sa mata nya

"Ok ka lang "tanong ko sakanya tumingin sya saakin at tumango

******
"Bumalik ka dito hija ah!"sabi ni mommy nakipagbeso sya kay ziana

"Sge po thank u po sa pagkain"sabi ni ziana

"Pasensya kana sa asal nila ah"sabi ko skanya pagpasok namin sa kotse

"Wala yun ang saya nga nila kasama"sabi nya

"Bakit ka nagulat ng sinabi ni daddy na maganda yung course na engineering?"tanong ko

"Wala lang....lola ko kasi gusto nya business management lang ang kunin ko "sabi nya

"Diba dapat ikaw ang nagdedesisyon?"tanong ko

"Yah kaso wala akong choice kung hindi ang sumunod"sabi nya

Wala na ulit umimik saamin hanggang sa makarating kami sa bahay nila

"Thank you ingat"sabi nya

"Bye thank you"sabi ko ngumiti lang sya saakin at lumabas

Pretend To Be Vlogger's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon