chapter 25

114 3 0
                                    

AEZON'S POV
Aezon mahal kita

Aezon mahal kita

Aezon mahal kita

Napapikit ako ng magecho sa pandinig ko ang sinabi ni lieziana

"F*ck!!"sigaw ko napaupo ako sa sofa

Ayaw mag sink in saakin nung mga sinabi ni ziana

Ang bobo mo kasi aezon bakit kasi sa dami ng prank yun pa!!!

Hindi ko sana itutuloy yun prank na yon kaso pinilit ako ni aiko

Mahal nya ako?hindi agad ako nakapagreact kanina sa sobrang bigla

Kinuha ko yung laptop ko saka tinignan yung copy ng mga video dito sa bahay

Meron akong camera sa kahit saang sulok ng bahay ko kaya hindi na ako naglagay ng extrang camera nung nagprank ako

Pinanuod ko yung video simula sa pagdating nya hanggang sa pumunta sya sa kusina

Napasabunot nalang ako ng makita ko kung pano sya umiyak sa kusina habang nakatingin saamin

ako yung nasasaktan nung nakita ko syang umiiyak parang pinipiga yung puso ko

Hindi ko alam yung gagawin kung tatawagan koba sya o kaya hahayaan ko muna sya

Putek anong gagawin ko!!!!gusto ko syang kausapin pero alam kong galit parin sya saakin napapikit nalang ako pero sa pagpikit ko mukha ni ziana na umiiyak ang nakita ko

Pumasok ako sa kwarto ko saka Humiga ako sa kama saka nagisip hindi ko alam ang gagawin ko

Sa sobrang pagiisip nakatulog na ako nagising na lang ako ng gabi na

Paglabas ko ng kwarto naalala ko nanaman yung nangyari kanina pumasok ulit ako sa kwarto para maligo pagtapos kong magasikaso lumabas ako ng kwarto

Napabuntong hininga nalang ako saka ko kinuha yung susi ng kotse ko saka lumabas ng kotse

*******
Napagdesisyonan kong umuwi nalang muna sa bahay kailangan ko ng kausap ngayon at alam kong pamilya ko lang ang matatakbuhan ko

Rinig ko ang ingay nila sa dining kaya dun akk dumeretso

"Hi"sabi ko pagdating ko sa dining  napalingon naman sila saakin

"Ohh bat nandito ka?"tanong ni daddy

"Isang himala umuwi ka"sabi naman ni mommy

"Baka may kailangan"sabat ni bunso sumimangot naman ako

"Grabe naman kayo minsan na nga lang umuwi ganyan pa kayo"sabi ko saka ako umupo

"May problema ba?"tanong ni mommy ngumiti naman ako saka umiling

Ewan ko pero pagdating ko dito parang ayaw ko nang magopen up

"Matutulog na kami at maaga pa kami bukas"sabi ni mommy pagtapos nilang kumain

Lumapit sya saakin saka yumakap

"Nandito lang kami para tulungan ka ok?good night"sabi ni mommy saka ako hinalikan sa pisngi

"Good night son alam kong kaya mo yan"sabi ni daddy saka ako tinapik sa balikat

Alam nila kung may problema ako o wala kaya masaya akong may ganto akong pamilya

"Punta ka nalang sa kwarto ko kuya paki bilisan nalang iaantok na ako"sabi ni bunso saka umalis

Kahit kailangan napasungit ng batang yun

Tinapos ko yung pagkain ko saka ako pumunta sa kwarto ni bunso naabutan ko syang nakahiga sa kama nya habang may kausap sa cellphone nya

Nung nakita nya ako binaba nya yung cp nya saka humarap saakin

"Sino kausap mo?"tanong ko

"Yung girlfriend ko TUNAY na girlfriend ko"sabi nya pinagdiinan pa yung word na tunay

"Anong ibig mong sabihin"tanong ko

"Wala....Start"sabi nya napataas naman ang kilay ko

"Ouch!!para saan yun!!"tanong nya saakin pagtapos ko syang batukan

"Ayos ayusin  mo pakikipagusap mo   saakin ah "sabi ko sakanya pero tinignan nya lang ako ng masama

"Tsk!anong problema nyo ni ate ziana?"tanong nyA nagulat naman ako

"Pano mo nalaman na sya ang problema ko?"tanong ko ngumisi naman sya

"Its obvious kuya"masungit na sabi nya

"Galit sya saakin napaiyak ko sya"nakayukong sabi ko

"Bakit?"tanong nya

"Anong bakit?"tanong ko

"Tsk!bakit sya galit?bakit sya umiyak?ang simple ng tanong ko hindi mo magets kailangan pang isa isahin"singhal nya saakin

"Hindi ko ginusto yun.......pinaprank ko lang naman sya eh hindi ko naman alam na iiyak sya...hindi ko alam na tototohanin nya"sabi ko

"Then?"tanong nya

"Sinabi ko sakanya na kailangan ko sya sa vlog ko ....dahil nirerequest ng subcriber namin na makasama ko ang girlfriend ko tapos nakita nya ako na kasama ko si aiko"pagkwekwento ko

"Ano bang content mo?"tanong nya

"Lip balm challen-"

"What the heck bro!! Ang bobo mo!"sigaw nya saakin

Napaka galing naman ng kapatid ko sinabihan pa ako ng bobo ang alam ko ako ung matanda dito

"Bakit?"tanong ko

"Lip balm challenge at ang kasama mo si aiko?sira ba ulo mo?"sabi nya

"Tapos magtataka ka kung bakit sya umiiyak!"sabi nya

"Akala ko alam nyang prank pero hindi ko naman alam na tototohanin nya"pagdadahilan ko tinignan nya naman ako ng masama

"Kahit alam nyang prank o hindi masakit parin un sa part nya.pinagmukha mo syang tanga sa harap ni aiko at nang camera sa dami ng pwede mong gamiting tao si aiko pa?yung ex mo pa?"sabi nya  napaisip naman ako hindi ko naman ginusto yung eh

"Pinilit kasi ako ni aiko na gawin yung pra-"

"At nagpapilit ka naman!"sabi nya napabuntong hininga naman ako

"Ewan ko gusto ko syang kausapin ngayon pero baka galit pa sya saakin....nasaktan ako nung makita ko syang umiyak"sabi ko napapikit ako nung maalala ko yung itsura ni ziana nung umiyak sya

"Bakit ka nasasaktan?"tanong nya hindi ako nakasagot

"May isa pa akong problema"sabi ko

"Ano?"tanong nya

"Umamin saakin si ziana.....umamin syang mahal nya ako"napahilamos ako sa mukha ko

"Oh anong problema mo edi sabihin mo hindi mo sya mahal"bored na sabi  nya napatingin naman ako sakanya ng masama

"At bakit ko naman sasabihin yun!"sabi ko sakanya

"Bakit hindi?"tanong nya napaisip naman ako

"Kasi..."wala akong mahanap na sagot sa tanong nya

"Kasi gustomo rin sya.....ayaw mong sabihin na hindi mo sya gusto dahil may feelings kapara sakanya pinoproblema mo sya ngayon dahil nasaktan ka nung umiyak sya"sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko

Putek san nya nalaman yun?

Saka gusto?gusto ko si ziana?

"Alam mo bro wag kang tanga sarili mo na nga lang hindi mo pa maramdaman......walang masama sa pagamin bro...saka mas ok kung gagawin  mo ng mas maaga baka ...maagawan ka"sabi nya

Pretend To Be Vlogger's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon