chapter 18

106 2 0
                                    

AEZON'S POV
Pagtapos nyang sabihin yun basta nalang sya tumalikod at naglakad papasok sa bahay nila

Tinignan ko sya hanggang sa makapasok sya sa bahay nila

Hindi manlang lumingon

"Happy break up my vlogger boyfriend?"bulong ko

Happy?mukha bang masaya na tapos na yung pagpapanggap namin?hindi manlang nya tinanong kung gusto kona ba tapusin toh ako dapat yung magdedesisyon kung matatapos na toh o hindi eh

Bumuntong hininga ako saka sumakay sa kotse ko pagdating sa condo naligo lang ako saka sumampa sa kama kinuha ko yung camera ko

Pagtapos kong ayusin saka ako umayos ng pagkakaupo

"Ahmm hi guys"umiling ako saka inulit

"Whats up guys"naoabuntong hininga ako saka nagumpisa ulit

"Kamusta guys nandito ako sa kwarto matutulog na "napabuntong hininga ako saka binato yung camera ko sa kama

Kanina pa ako nagiintro pero para akong patay ewan ko kung bakit pero parang wala ako sa mood magvlog

Tinago ko yung camera ko saka ako umayos ng pagkakahiga

Naging masaya ako sa ginawa natin sguro bukas back to normal nalang tayo ako yung fan mo na hindi nagsusubcribe sayo at ikaw naman yung idol slash crush ko na hindi ako kilala

Biglang nagecho sa pandinig ko yung sinabi ni ziana kanina

Back to normal?ganun na yun?

"Bakit ba kasi big deal saakin toh!!"sabi ko sa sarili ko

"Aezon sabi nya back to normal,kung ok lang sakanya toh edi dapat ok din sayo "pagkukumbinsi ko sa sarili ko

*******
Late na ako nakatulog kagabi kaya late na din ako nagising at ngayon late na rin ako sa klase ko

Naglalakad ako sa corridor nakapasok sa loob ng bulsa ng pantalon ko ang mga kamay ko

Napahinto ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa room nila ziana nakita ko syang nakatalumbaba habang tutok sa pakikinig

Bumuntong hininga ako saka nagpatuloy sa paglalakad

"Good morning maam sorry im late"sabi ko pagkapasok ko sa room tumango lang sya kaya naglakad na ako papunta sa upuan ko

"Anyare bat nalate ka?"tanong saakin ni aiko

Magkaklase kami katabi ko rin sya lagi dahil wala daw syang close dito maliban saakin

"Late nagising"sabi ko hindi na ako umimik nakinig nalang ako sa teacher namin

Pero kahit anong pilit ko hindi ako makapagfocus

"SABAY na tayong maglunch"yaya saakin ni aiko ng maglunch time

"May pupuntahan pa ako eh"sabi ko saka naglakad na palabas dumeretso ako sa cafeteria bumili ako ng makakain ko saka naglakad papunta sa garden

Kung bakit ako nandito?hindi ko rin alam basta ang alam ko gusto ko lang pumunta dito

Pagdating ko sa garden tinignan ko yung favorite spot ni ziana napangiti ako ng makita ko sya dun na nagccp habang kumakain

"Pwede tumabi?"tanong ko napatingin naman sya saakin kita ko ang gulat sa mukha nya pero ngumiti rin sya

"Sure"sabi ko tulad ng dati umupo ako sa harap nya binaba nya yung cp nya saka nagumpisang kumain

Walang nagsasalita saamin bawat subo ko tumitingin ako sakanya

"Wag moko tignan ng ganyan crush baka ma fall ako hahaha"biro nya

"Sorry"sabi ko wala na ulit umimik saakin

Nang nasakalagitnaan na kami ng pagkain hindi kona natiis yung katahimikan mas sanay ako sa masungit na ziana

"Hindi ka talaga mag sasalita?"tanong ko sa kanya

"Huh?"tanong nya kita ko ang pagtataka sa mata nya

"Seseryosohin mo talaga yung sinabi mo?"tanong ko

"Anong sinabi ko?"maang maangan nya napasabunot naman ako sa buhok ko

"Lieziana!!"sigaw ko sakanya ang kaninang inosenteng mukha nya ay napalitan ng pagkakakunot ng noo

"Wala akong alam sa sinasabi mo aezon"sabi nya saka tumayo kaya tumayo rin ako

"Pwede naman tayong magusap ng normal kahit na....tapos na yung pagpapanggap natin eh"sabi ko kita ko sa mukha nya ang pagkairita

"Normal ang pauusap natin....idol"sabi nya saka naglakad paalis

Napabuntong hininga ako ginulo ko yung buhok ko

Normal na nga kasi toh aezon ano bang problema mo!!!

Wala akong choice kung hindi ang bumalik sa room

"Are you ok?"tanong saakin ni aiko pagdating ko sa room

Ito na yung chance mo para balikan si aiko atleast sakanya hindi mona kailangang magpanggap

Napatingin ako kay aiko napabuntong hininga ako

What the heck!yung pa talaga ang naisip nyang dahilan!balikan si aiko!?

Dumating na yung teacher namin pinilit kong makinig pero ginugulo ni ziana ang utak ko

"Ae!,may meet and greet pala tayo sa sabado"sabi ni aiko kaya napatingin ako skanya

"Saan?"tanong ko

"I dont know pa eh pero dont worry i will text to you kapag nalaman kona "nakangiting sabi nya tumango naman ako

Tumayo na ako saka naglakad palabas ng room

Isasama koba si ziana?pano ko sya isasama eh hindi nga nya ako kinakausap ng matino?

Atsaka hindi kopa na aannounce na break na kami ano nalang ang sasabihin ko kapag hindi ko sya kasama?

Sinilip ko yung room nila wala ng tao roon mukhang kanina pa sila lumabas

Napatigil ako sa paglakad ng makita ko si ziana sa gate mukhang inaantay nya ang sundo nya natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa likod nya

"Inaantay mo ba yung sundo mo?"tanong ko sakanya napatalon naman sya sa gulat

Nakahawak pa sya sa dibdib nya ng humarap sya saakin

"Nakakagulat ka naman"sabi nya ngumiti naman ako sakanya tumingin ako sa paligid

"Mukhang wala pa yung sundo mo ah "sabi ko

"Hmm darating din yun"sabi nya

"Ihahatid na kita"sabi ko sakanya tumingin naman sya saakin

"Hindi na nakakahiya naman"sabi nya

"Ok lang "nakangiting sabi ko

"Hindi na hindi naman tayo close"natigilan ako sa sinabi nya

Hindi naman tayo close eh tsk!really?

"Ok"sabi ko saka naglakad papunta sa parking lot

Kahapon lang yakap kita tapos ngayon hindi na tayo close?

Pano mo nakakayanan gawin toh ziana?

Imbis na sumakay sa kotse nagtago ako kung saan tanaw ko si ziana nakatayo sya sa tapat ng gate hindi nagtagal dumating yung sundo nya inantay kong makalayo sila bago ako sumakay sa kotse ko

"Hindi tayo close?really?"sabi ko

Pretend To Be Vlogger's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon