LIEZIANA'S POV
"ZIANA!!"rinig kong tawag nila saakin pero wala akong pinansin basta nalang ako tumakboKung saan ako pupunta hindi ko alam basta ang gusto ko ay lumayo sakanila
Masakit saakin ang makita sila naaalala ko kung pano nila ako pinabayaan nung time na pinalayas ako
Mahal ko sila miss na miss ko na sila pero masakit parin eh
At kung sino man ang nag sabi sakanila na ganto ang nangyayari saakin mamatay na sya
Nakakunot ang noo ko habang tumatakbo
Hindi ganun kadali ang lahat para basta ko nalang sila kausapin ulit
Tumigil ako sa pagtakbo ng makarating ako sa park napasandal ako sa puno pumikit ako habang naghahabol ng hininga
"Pano ba kasi nila nalaman"sabi ko
"Sinabi ko"napamulat ako ng mata ko nang may magsalita nakita ko si aezon sa harap ko
"Ano?siraulo kaba!"sigaw ko sakanya
"Ziana kailangan mo sila"sabi nya
"Ano bang alam mo!ah!wala ka namang alam kaya wag kang mangialam!!"sigaw ko habang tinutulak sya
"Ziana sila ang pamilya mo!!"sabi nya
"Na tinakwil ako "sabi ko tumigil ako sa pagtulak sakanya napayuko nalang ako nagumpisa nanamang tumulo ang luha ko
"Sila ang pamilya ko na walang ginawa nung pinalayas ako"sabi ko
"Ziana"tawag nya saakin
"Aezon hindi mo alam kung anong pakiramdam ng mawalan ng pamilya"umiiyak na sabi ko
"Aezon......hindi paba sapat sayo ang lahat ng dinanas ko?hindi paba sapat sayo na muntik na akong mamatay?"sabi ko
"Wala naman akong maling ginawa ah.....ganto ba talaga ang kapalit kapag minahal ka?"sabi ko
"Ziana mahal kita"sabi nya
"Ayaw kona aezon sawa na ako walang magagawa ang pagmamahal mo para mawala lahat ng sakit "sabi ko
"Sguro kung gamot yang pagmamahal mo baka magaling na lahat ng sugat ko pero hindi eh yan pa yung pumapatay saakin"sabi ko
"Ziana im sorry"sabi nya saka ako niyakap
Nagpumiglas ako pero mas hinigpitan nya ang pagkakayakap saakin
"Ano ba!!!"sigaw ko
"Ziana hindi ako ang may gawa nun"napatigil ako sa pagpupumiglas taka akong tumingin sakanya
"Ano?"tanong ko
"Si aiko ang may gawa nang lahat sya ang nagsend sa lola mo"sabi nya napakurap ako
"Totoo?"tanong ko tumango naman ako napaupo nalang ako
"P-pero ikaw lang ang may copy nung video na yun"sabi ko
"Ziana maniwala ka please"sabi nya
Niyakap ko yung mga hita ko saka ako yumuko sa tuhod ko"Hindi ayaw kona...aezon ayaw ko na"sabi ko
"sawa na akong maniwala sayo tapos sa huli ako rin ang masasaktan"sabi ko pumikit ako at mas lalo pang niyakap ang tuhod ko
********
Nagising ako dahil feeling ko umaandar ang paligid koNagulat ako ng pagmulat ko umaandar nga ang paligid ko
Pano yun eh nakayuko lang ako kanina?
"Gising kana pala"
"AYY PALAKA!!"napahawak pa ako sa dibdib ko ng may magsalita sa gilid ko
Nakita ko si aezon na nagdridrive
"Bakit ako nandito?san tayo pupunta?"tanong ko
"Nakatulog ka kanina .....uuwi na tayo"sabi nya hindi ko sya pinansin umayos lang ako ng pagkakaupo saka pinagkrus ang braso ko
"Zian-"
"Wag mokong kausapin"sabi ko hindi naman na sya umimik walang nagsasalita saamin hanggang sa makarating kami sa condo hanggang sa pagpasok sa elevator hindi ko sya pinapansin
Hindi kami close para magusap he's stranger
Nauna akong maglakad nasa likod ko naman sya napatigil ako sa tapat ng condo ko wala saakin ung bag ko na kay aria nandun ang susi ko
Dinikit ko yung tenga ko sa pinti dahil may naririnig akong nagsasalita
"Bukas yan"napatalon ako sagulat ng may magsalita sa likod ko
"Pano mo nalaman?"tanong ko pero hindi kona inantay ang sagot jya binuksan ko nalang yun
Natigilan ako ng makita ko sila mommy daddy at ate pati si aria sa sala ng condo ko
"Ziana baby"tawag saakin ni mommy
"Pano nyo nalaman na di-"tumigil ako sa pagsasalita tumingin ako kay aezon
"Sinabi mo?"tanong ko tumango naman ako
"Sira ulo ka !!!"sigaw ko napatingin ako sa gilid ng pinto kung nasaan ang mga sapatos ko kumuha ako ng sapatos saka un binato kay aezon
"Hayop ka!!napakapakielamero mo!!"sigaw ko at patuloy sa pagbabato
"Ziana tama na yan "awat saakin ni aria tinignan ko sya ng masama
"Ikaw ang nagpapasok sakanila?"tanong ko tumango naman sya napapikit nalang ako sa inis
Bakit ba ang hilig nila akong pangunahan?
"Ziana baby"tumingin ako kila mommy umiiyak na si mommy
"Alis po muna kami"sabi ni aria narinig ko ang pagsara ng pinto
"Anong ginagawa nyo dito?"seryosong tanong ko
"Ziana baby uwi kana sa bahay"umiiyak na sabi ni mommy
"Uuwi?san?eh diba pinalayas nyo na ako?tinakwil nyo pa nga eh "sabi ko
"Baby sorry wala kaming nagawa"umiiyak na sabi ni mommy
"Lagi naman eh!diba!lagi nyo nalang akong pinapabayaan tuwing minamaliit ako kasi ano?wala kayong magawa kaya pati sa pagpapalayas saakin wala kayong nagawa!"sigaw ko
Letcheng luha ko ang sakit na ng mata ko pero patuloy parin sa pagluha
"Ginawa namin lahat para pigilan si lola pero ayaw nya magpapigil"sabi ni ate tinignan ko naman sya
"Kaya pinabayaan nyo ko?"tanong ko
"Hindi ganun yun anak"sabi ni daddy
"Ganun yun!!!hindi nyo alam kung gano kasakit itakwil ng pamilya mo....hindi nyo alam kung panong hirap ang dinanas ko gabi gabi umiiyak ako dahil sa sakit...sakit sa katawan ...sa isip..sa puso"sabi ko
"Wala akong kasama n-nagiisa lang ako"sabi ko
Lumapit sila saakin saka ako niyakap
"Im so sorry baby"umiiyak na sabi ni mommy
Bakit ganun?kahit anong sakit kahit gano ako kagalit sakanila hindi ko parin sila matiis
Lumayo na sila saakin hinawakan ni mommy yung pisngi ko
"Baby patawarin mo kami promise babawi kami baby "sabi ni mommy tumango naman ano
"Mommy!"sabi ko saka yumakap sakanya
"Baby patawarin mo si daddy"sabi ni daddy yumakap naman ako sakanya
"Ako walang hug?"tanong ni ate umiling naman ako kita kong nagulat sya kaya natawa ako saka yumakap sakanya
"Namiss kita baby"sabi nya
Kahit anong sakit hindi ko talaga sila matitiis dahil mahal ko sila

BINABASA MO ANG
Pretend To Be Vlogger's Girlfriend
RomanceLIEZIANA CASTORA isang normal na babae as in normal utak nya lang hindi Normal ang buhay nya until dumating ang araw na niyaya sya ng crush nya na si AEZON RIVERO na isang famous vlogger na maging sila INFRONT OF THE CAMERA Ano nga bang dap...