chapter 41

139 3 0
                                    

LIEZIANA'S POV
"Ano gusto mo talagang mamatay?!!"sigaw saakin ni aria

Ngumiti lang ako sakanya saka yumakap

"Wag kana magalit hindi naman masakit eh"sabi ko

"Ouch!!!"sigaw ko ng bigla nyang tusukin nag pasa ko sa pisngi

"Ano hindi masakit!?"sabi nya

"Ziana naman eh bakit kasi pinapabayaan mo silang ganyanin ka?"umiiyak na tanong nya napayuko naman ako

"Wala naman kasi akong laban kapag lumaban ako lalala pa"sabi ko

"At ano?hahayaan mo?hanggang sa mamatay ka?"sabi nya

Isang linggo na ang nakalipas simula nung mangyari ang pagbato ng lahat saakin

Akala ko pagtapos nun tapos na pero nagkakamali ako sa loob ng isang linggo walang araw na umuuwi akong walang pasa

Nung unang araw bigla nalang may humila sa upuan ko kaya natumba ako at sa tuwing maglalakad ako meron susuntok or sasampal saalin bakit?hindi ko alam

Pati ung simpleng pagbaba sa hagdan itutulak nila ako at pati sa canteen bawal ako may nakalagay na "no slut allowed!no lieziana castora allowed!"yan ang nakalagay amg lupet diba?

Hindi ko nga alam kung bakit pa ako pumapasok eh wala rin akong napapala hindi rin ako makapagsulat dahil namamaga ang kamay ko dahil nung minsan na tinulak ako naitukod ko ang kamay ko

At kanina lang habang nakatambay ako sa garden bigla nalang may sumabunot saakin at basta basta ako pinagtatadyakan  at syempre si aiko lang ang gumawa nun

Ayaw kong lumaban dahil sawa na ako wala rin mangyayari ako at ako parin ang masasaktan sa huli

Nagpaturo ako kay aria mag drive dahil marunong sya yun nalang ang paraan ko para malibang

Ayaw pa nga nya ako turuan kasi namamaga ang kamay ko pero hindi ako pumayag

"Tara na uuwi na tayo"sabi ni aria nandito kami sa clinic suki na ko dito

"Pero may pasok pa"protesta ko

"Bakit nakakapag aral kaba?"tanong nya napayuko naman ako

"Uuwi na tayo "sabi nya saka ako inalalayan palabas

Galit talaga sya at wala na akong magagawa pa dun

"Ohh mukhang uuwi kana ah!hindi mo na ba kaya?"napahinto kami sa paglalakad ng humarang sa dadaanan namin si aiko

"Oo hindi na nya kaya suko na sya kaya uuwi nakami"sabi ni aria

"Kausap kita?wag ka nga sabat ng sabat"sabi ni aiko 

"Ano ba aiko!maawa ka naman sa kaibigan ko!!"sigaw ni aria hinawakan ko sa kamay para pigilan pero mukhang napuno na si aria

"Aba!maawa?hindi nya deserve yun!at isa pa wag mo nga ako sinisigawan!"sabi ni aiko saka tinulak si aria kaya napaatras sya at napabitaw saakin

"Alam mo ikaw masyado kang papansin!ang hilig mong mangealam "sabi ni aiko habang lumalapit kay aria tinignan naman sya ng masama ni aria

"Ano bang ginawa sayo ng kaibigan ko!bakit mo sya sinasaktan!"sigaw ni aria

"Alam mo napaka pakielamera mo!"sabi ni aiko

"Ano bang kasalanan sayo ni ziana?nagagalit ka sakanya dahil mas mahal sya ni aezon?"sabi ni aria kita ko ang galit sa mukha ni aiko kaya lumapit na ako

"Aria tama na yan"awat ko

"Hindi dapat malaman ng ng babae na toh ang tama!alam mo ikaw!kahit patayin mo man tong kaibigan ko hindi ka mamahalin ni aezon dahil ang panget ng ugali mo!!"sigaw ni aria

Pretend To Be Vlogger's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon