LIEZIANA'S POV
"Madali lang naman kasi yan !""Hindi ko nga alam eh bakit kasi kailangan ko pang gawin yan!"nakasimangot na sabi ko
"Kailangan nga kasi!"pagpupumilit nya saakin
Nandito kami ngayon sa condo nya tinuturuan nya ako kung pano magvlog pero nauwi lang kami sa pagaaway
"Hindi ko nga kasi alam bakit ba kasi pinipilit mo!"nakangusong sabi ko bigla nalang nyang pinisil yung nguso ko
"Ang tigas ng ulo mo ilang beses ko bang sasabihin sayo na para kakausapin mo lang yung camera mo ta-"
"Para nga akong tanga kapag ginagawa ko yun!!"sigaw ko tumitig sya saakin
"Don't tell me kinausap mo talaga yung camera?"nakataas ang isang kilay nya habang tinatanong yun napaiwas naman ako ng tingin
"Yun ang sabi mo eh"bulong ko
"HAHAHAHA ang tanga!! HAHAHAHA"halos humiga na sya kakatawa nakaturo pa sya saakin
"Ano ba!ang harsh mo ah!"sigaw ko sakanya
Ang sabi mo kausapin ko ang camera tapos nung kinausap ko ang camera ako pa yung tanga ihagis ko kaya toh!
Huminga muna sya ng malalim bago sya tumingin saakin
"Common sense naman kasi!hindi porket sinabi kong kausapin mo ang camera kakausapin mo talaga!"sabi nya umiwas lang ako ng tingin
"Sge iibahin ko nalang isipin mo nalang nanonood yung mga subcriber at kinakausap mo sila ok?"sabi nya
"Oo na!"sabi ko kinuha ko yung camera saka nilagay sa bag ko nilabas ko naman yung activity ko saka nilapag sa lamesa
"Ohh!tulungan mo ko dito!"sabi ko
"Sge pero.."may inabot sya sa tabi nya maya maya lang hawak na nya ang notebook nya
"Akin na toh"kinuha nya yung activity ko "sayo naman toh!"sabi nya at inabot saakin yung notebook nya
"Anong gagawin ko dito?"tanong ko
"Sagutan mo"sabi nya binuksan ko yung notebook panay solving
"Mamaya na yan magvlog muna tayo"sabi nya inumpisahan na nyang ayusin yung camera sa lamesa kaya tinago ko muna yung notebook
"Ready kana?"tanong nya tumango naman magkatabi kami ngayon nandito kami sa sala nya nakasalampak kami sa sahig habang ang camera nakapatong sa maliit na lamesa
Nakasandal sya sa sofa sa likod naman habang ako nakatalumbabang nakaharap sa camera
"Hi guys!welcome back to my channel!btw good morning!"pagsisimula nya sa vlog
"For today's vlog may pupuntahan kaming meet and greet and syempre isasama ko ang wim ko!"sabi nya at yumakap saakin nakayakap sa bewang ko ang braso nya at nakapatong ang baba nya sa balikat ko nakita kong ngumisi sya saakin
Hindi ako komportable pero pinilit kong ngumiti may kung ano akong nararamdaman
Hindi ko alam kung kilig ba o ilang"First time nya makasama sa meet and greet ko kaya sure akong excited sya "nakangiting sabi nya kaya ngumiti ako saka sya hinalikan sa pisngi
Akala mo ikaw lang pwedeng magpakilig?
Natawa ako ng makita kong nagulat sya sa ginawa ko tinignan nya ako sa camera
"Guys oh minamanyak nya ako "nakangusong sabi nya
"Makamanyak ka ah!"sabi ko natawa naman sya
"Btw guys ipapakita ko sainyo yung isusuot ko"sabi nya humiwalay sya saakin saka tumayo at kinuha yung camera
"San ko nga ulit nilagay yung damit ko?"tanong nya natawa naman ako tumayo ako saka kinuha sakanya yung camera
"Guys alam nyo ba napakakalat ng condo nya mas malinis pa ata yung bodega namin"natatawang sabi ko naglakad sa buong condo at pinapakita ang condo nya habang sya nasa kwarto hinahanao yung damit nya
Nang matapos kong ilibot yung buong sala hanggang kusina pumasok ako sa kwarto nya
"Tignan nyo guys hindi ata tai nakatira dito eh"natatawang sabi ko saka umikot ikot sa buong kwarto nya
"Tutulungan mo naman akong maglinis eh"sabi nya mula sa likod ko niyakap nya ulit yung braso nya sa bewang saka pinatong nya yung baba nya sa balikat ko
"Kita nalang tayo mamaya sa event guys bye!"sabi nya saka tinakpan ung camera
Kinuha nya yung camera sa kamay ko saka sya may inayos dun ng nakayakao parin saakin
"Baka may balak kang humiwalay wala ng camera"sabi ko pero imbis na lumayo mas hinigpitan nya yung pagkakayakap saakin
"Ayaw ko nga kung kailan komportable ako saka moko papaalisin"sabi nya
"Kailangan ko ba talagang sumama mamaya?"tanong ko
"Oo ikaw ang girlfriend ko kaya dapat nandun ka"sabi nya kaya tumango ako
Kikiligin na sana ako kaso infront of the camera eh
********
"Sge na kasi aria pumayag kana plssss"pakiusap ko kay aria nakikiusap ako sakanya na kapag nagtanong si mommy kung nasaan ako sabihin nyang may mini party kami sakanila hindi ko pwedeng sabihin na pupunta ako sa meet and greet ng party"Psh ginawa mo pa akong dahilan tapos gusto mo pang magsinungaling ako!"sabi nya sa kabilang linya
"Sge na kasi hindi naman big deal ung hinihingi ko sayo"nakangusong sabi ko
Hindi ako makaalis dahil hindi sya pumapayag
"Anong hindi big deal!jusko ziana!anghel ako tapos gagawin mokong demonyo!!"sabi nya
"Ulol matagal ka ng demonyo!wag kang magmalinis"sabi ko natawa naman sya
"Sge na nga!basta dapat may souvenir ako kay kaiven ah!"sabi nya
"Oo na bye thank u!!"sabi ko pinatay ko na yung tawag saka ako lumabas ng kwarto kanina pa ako handa 1 ang oras ng meet and greet
Nagpaalam ako kay mommy na may mini party sa bahay nila aria pagtapos magpaalam dumeretso ako sa condo ni aezon dun daw kami mag memeet up
Pagdating ko dun kumatok ako hindi naman nagtagal binuksan nya
Pinasadahan nya ako ng tingin kaya ganun din ang ginawa ko sakanya at talagang nakacouple sweater pa kami?
"Gaya gaya ka talaga"sabi nya at pinapasok ako saloob ng bahay nya
"Magpic muna tayo bago umalis "sabi nya pumunta kami sa human size na salamin inakbayan nya ako saka kami nagpicture
Nakasweater na brown sya black fitted jeans at white rubber shoes habang ako nakasweater na brown skirt na black at boots na black nakasabit sa balikat ko ang black din na shoulder bag
Sabay kami lumabas at pumunta sa parking lot dito palang marami nang nakatingin saamin
"Ready kana?"tanong nya saakin pagdating namin sa event maraming tao dun tumango ako lumabas sya at pinagbuksan ako ng pinto bumaba ako sinara nya ung pinto saka umakbay saakin
"Lets start the act"bulong nya saka kami naglakad

BINABASA MO ANG
Pretend To Be Vlogger's Girlfriend
RomanceLIEZIANA CASTORA isang normal na babae as in normal utak nya lang hindi Normal ang buhay nya until dumating ang araw na niyaya sya ng crush nya na si AEZON RIVERO na isang famous vlogger na maging sila INFRONT OF THE CAMERA Ano nga bang dap...