CHAPTER FOUR

226 36 2
                                    

SOFIA

"Alam mo may napapansin ako sayo."


Matama akong tiningnan ni Cindy from  head to foot na para bang may mali sakin. Tung babaeng to, nawe-weirdohan ako.



"Anu?" kunot noong tanong ko habang kumakain ng hilaw na mangga.



"Tumataba ka yata ah." diin niya.


"Talaga?"



I look at my body. Tama nga siya tumataba na ako. Epru hindi naman ganon kataba. Lalo na sa parteng balakang ko. Napapansin ko rin nitong nagdaang araw parang bumibilis ang pagkain ko. Dati halos di ako kumakain peru ngayun parang minu-minuto naghahanap ng pagkain ang tiyan ko.



"Oo naman. Buti ka pa eh ako,  kelan pa kaya sasaniban ng taba? May iniinom ka bang gamot pampataba ah?"


Umiling ako.


"Wala naman. Stress lang siguro ako kaya kain ako ng kain. Tsaka, di bagay sayo ang mataba nuh. At alam kong di kana tataba." sagot ko.


"Ang cute ko kaya pag mataba."


"Sexy kana, wag mo ng sirain katawan mo."


Napatigil ako sa pagnguya at napahawak sa bibig. Bigla kasing sumama sikmura ko.



"Ok kalang?"



Hindi na ako nakasagot at dali-daling tumakbo ng banyo at sinuka halos lahat ng kinain ko.



"Ikaw kasi eh andami mo kasing kinain na mangga ayan tuloy sumama tiyan mo."



Hinahagod niya ang likod ko. Naghilamos ako pagkatapos at naghugas nang kamay.



"Ok ka lang?" nag aalalang tanong niya ng mapahawak ako sa ulo ko.


"Nahilo ako bigla eh." sagot ko habang nakapikit.


"Anu bang nangyayari sayo? Gusto mo bang magpacheck-up tayo sa Hospital? Naku baka high blood ka na niyan. "

Umiling ako.


"Wag na. Nailabas ko kasi mga kinain ko kaya siguro nahilo ako. O di kaya baka anemia lang to. Tsaka, ok na ako."



Hinawakan ko siya sa kamay bilang assurance.



"Sure ka? Ang putla putla mo na eh. Mukha kang di ok."


"Oa mo talaga. Wala akong sakit nuh. Ok lang talaga ako. I'm so sure anemia lang to. " pagkumbinsi ko sa kanya.


Lumabas na ako sa banyo at sumunod naman siya.



"Wag ka kasi puyat ng puyat. Magpahinga karin minsan pag may pagkakataon ka. Bigyan din kita nung gamot para sa anemia." Sabi niya.

"Ok po, doc."


Ilang minuto lang ay um-ok na ang pakiramdam ko. Bigla akong nagutom kaya kumain na naman ako peru nilayo na niya sakin ang mangga.



Akala ko yun lang ang araw na bigla akong susuka, peru, simula ng araw na iyon parang napapadalas na ang pagsuka ko sa paggising ko at pagkatapos kong kumain. Di ko nga alam kung ano ng nangyayari sakin eh kasi di naman ako ganito dati eh. At hindi ko rin naman magawang mag pa check-up. Gagastos na naman ako.



I guess this is caused by stress sa trabaho at sa pag-oover thinking araw-araw. Yung katawan ko na mismo yata ang nagdedemand ng relax sa dami ng problema ko.



UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon