SOFIA
A week after.Nahimasmasan na ang pakiramdam ko. Sabi nga ni Cindy. Baby is a blessing at may dahilan kaya nangyari to sakin. It's time to deal with it. Alam kong mahirap ang responsibilidad na ito peru kakayanin ko and I will accept it with all my heart.
Di ko kelangan ng tulong sa lalaking walang kwenta sa buhay ko. Tsaka kaya ko naman sigurong itaguyod ang baby ko all by myself. I mean, kasama si Cindy. Sobrang laki talaga ang tulong niya sa akin.
Maybe my pregnancy was unplanned, but I planned and will do my best to become the best mom in the whole world para sa magiging baby ko. Di na ko mag iisip ng kung ano-ano. Instead I will serve this as my motivation in life to move forward. Lalong lalo na ilang hakbang nalang gagraduate na ako.
"Bat ba tayo nandito?" nagtatakang tanong ko.
Dinala ako ni Cindy dito sa Mall at nasa dress section kami ngayon.
"Basta, sumunod ka nalang."
Bigla niya akong hinila papuntang stante ng mga damit.
"Tingnan mo Sofi ,oh. Alin kaya dito ang bagay kay baby? Itong blue or pink?"
Itinaas niya ang hawak niyang dalawang baby dress upang ipakita sakin.
"Nu ka ba, di pa nga natin alam kung ano ang kasarian ng magiging baby ko eh. Tsaka 4 months pa bago matutukoy ng doctor yun nuh. " Paliwanag ko.
To kasi sobrang excited.
"Ganun ba?"
Para siyang nalungkot. Isinauli niya iyon kung san niya kinuha.
"Tsaka nalang tayo bibili niyan pag 4 months kana baby. Ok?"
She was talking to my stomach.
"Tapos magpapa-gender reveal tayo"
Tong babaeng to talaga. Baka mapagkamalan siyang baliw sa ginagawa niya lalo na't two months palang tong tiyan ko sabi nung doctor kahapon ng nagpa OB ako.
Hindi pa masyadong halata na buntis ako dahil first baby ko palang ito. Tanging si Cindy at yung lalaki lang ang nakakaalam ng sekritong yun..
Biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. It's from unknown number.
"Sinong tumatawag?"
"Di ko alam, eh." sagot ko sabay kibit balikat.
"Answer it."
Nagdadalawang isip ako na sagutin iyon baka kasi wrong call or napagtripan lang ang number ko. But curiosity kills a cat so I answered it.
"Good morning ma'am. May I speak with Miss Sofia Mendoza?"
The voice was feminine. Wait pano niya nalaman ang buong pangalan ko? Sino ba to? Baka scammer to.
"Um, yeah. Why?"
Ni-loud speak ko upang marining nitong marites na kasama ko.
"You are invited to come into my boss's office because he wants to see you right away, maam, for some important matter. Please come at Imperial Building Corp. He is waiting."
She then ended the call kahit di pa ako nakasagot.
Boss? Sinong boss? Bat niya ko gustong kausapin? Kilala ko ba siya? Ito ba ang bagong scam ngayon? Ba't kelangan kong makita ang boss niya?
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED
RomanceNo matter how much you plan, life always has a way of surprising you with the unexpected, whether it brings joy or sorrow. Sofia Mendoza never thought she'd be one of those women faced with unimaginable events. Out of all the women in the world, why...