After how many years nakapag-UD rin ang future Teacher niyo😊Enjoy reading and hope you'll keep supporting my story❤️ Please vote and don't forget to comment para malaman ko ang mga feedbacks niyo regarding sa bagong chapter nato😘
____________________________________
SOFIA
"Ok ka na?"
Tanong ko sa kanya pag-uwi niya. Nakaupo ako ngayon sa couch habang kumakain ng mangga.
Sinarado niya muna ang pinto bago umupo sa tabi ko. He lean his head on the back of the couch and close his eyes. Mukha siyang pagod. Well, parati naman siyang pagod this past few weeks. Dami sigurong inaasikaso nito sa kompanya nila, or baka napagod sa mga ginagawa nila ng mga babae niya. Tsk!
"Yeah."
Tugon niya bago binuksan ang mga mata. Nakatingin siya ngayon sa kesame na para bang may malalim na iniisip. Di ko alam kong yung tuyo ba ang iniisip niya o may ibang dahilan tulad ng personal problem or mga babae na naman. Di ko kasi mabasa minsan ang iniisip nito, sabagay hindi naman talaga mababasa ang iniiisip ng isang tao.
"Ano palang gusto mong lutuin ko mamaya?"
Kapag nagluluto ako hindi ko tinatanong kung anong gusto niyang kainin. Kadalasan kasi ng niluluto ko ay puro karne at iba pang putahe na seneserve namin doon sa Restaurant na tinatrabahuan ko dati. Hindi ko alam kung nag-dadiet ba siya peru kinakain parin naman niya ang mga niluluto ko peru di ganoon karami.
Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo bago nagsalita.
"Sa labas nalang tayo kakain."
Hindi ko alam kong magandang idea ba iyong naisip niya. Alam ko namang hindi lahat ng tao ay kilala kami peru gusto ko kasing iwasan ang public kapag kasama si Drake. Traydor kasi minsan ang panahon at baka makita kami ng kakilala ng pamilya niya or ng fiance niya na magkasamang dalawa at magkaroon pa ng problema.
Gusto kong umiwas sa ganoong bagay. Magiging kwestyonabli kasi kapag kaming dalawa lang, lalo na't lumilitaw na yung baby bumps sa tiyan ko.
"Ayoko."
Kunot noo niya akong tiningnan. Hindi man siya nagsasalita alam kong nagtatanung ang mga mata niya.
"Walang nakakaalam na dito ka natutulog except sa mga kaibigan mo, mas mabuting hindi tayo lumalabas na magkasama para walang makakakita satin."
Hindi ko siya tiningnan habang sinasabi iyon. Ramdam ko parin ang titig niya kahit di ko siya tingnan.
"Tch! Mas mabuti ngang makita nila tayo, so that I have excuse to abort the wedding."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"At sino ang magiging kawawa pag nangyari iyon? Diba ako? Ako ang sasalo sa mga masasakit na sasabihin ng publiko. Kahit hindi nila alam ang buong storya pano napunta ang lahat sa ganito, alam kong magiging mababa ang pagtingin nila sakin dahil akala nila isa ako sa mga babae mo na papatul sa lalaking ikakasal na. Isipin mo nga iyon, I'm holding too much things at wag mo ng dagdagan pa Drake."
"Ayaw mo lang siguro makita tayo ng lalaki mo."
"Anong sabi mo?"
"Clean your earns so can hear better. "
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED
RomanceNo matter how much you plan, life always has a way of surprising you with the unexpected, whether it brings joy or sorrow. Sofia Mendoza never thought she'd be one of those women faced with unimaginable events. Out of all the women in the world, why...