CHAPTER EIGHTEEN

235 29 13
                                    

Dedicated this to Muchacha26

SOFIA


Tahimik lang kami ni Drake sa loob ng kotse niya habang nagmamaneho siya. Hanggang ngayon naiisip ko parin yung nangyari. Yung mga revelation kanina.




Akala ko talaga niloloko lang ako ni Sancho peru napatunayan niya iyon dahil sa sinabi ni Melody. Mahal niya nga parin ako.




Peru dapat ba akong maging masaya at bumigay agad? Baka kasi pag hinayaan ko ulit siyang bumalik sakin baka maisipan na naman niyang bumalik kay Melody dahil baka matauhan na naman siya na mas mahal niya pala si Melody keysa sakin dahil nagkaanak ako sa iba. O di kaya lolokohin na naman ako peru sa ibang babae na. Nakakapagod ng sumugal uli.




Napatingin ako sa gawi ni Drake, seryuso siyang nagmamaneho. Nagulat talaga ako sa ginawa niya kanina. Yung pagyakap sakin. Totoo ba talaga yun?




Napailing nalang ako. Ayaw kong gawan ng malisya iyon. Alam kong naguguluhan si Sancho sa nakita niya. Siguro kung hindi agad ako hinila paalis ng kwartong iyon baka nagtanong na siya kung kaano ano ko si Drake.




Pagdating ko sa apartment namin, laking gulat ko dahil may suprisa palang nakaabang sakin dito.




"CONGRATULATIONS SOFIA!"



Gisto kong ma surprise kaso para akong nawalan ng mood dahil sa nangyari. Angkunwari nalang ako na masaya. Nandito na pala sila James na kanina lang kasabay naming umalis ng school.



May malaking tarpaulin silang hawak na may nakasulat pang CONGRATULATIONS at may picture ko na nakasuot ng toga. May mga balloons at  nakahanda ring mga pagkain sa mesa. Plus may lechon pa.




"Hi..hinanda niyo to.. para sakin?"



Kahit nawala ang gannko, oaarang gusto kung umiyak dahil sa tanang buhay ko ngayon lang may nagsurprisa sakin ng ganito. At sila pa.




"Yep. Gusto nga sana namin na sa Restaurant ni Braynt i-celebrate ang Graduation party para sayo kaso gusto ni Drake na dito nalang. Actually siya rin ang nagplano ng lahat ng to."



Napanganga ako sa sinabi ni James. Si.. si Drake?



Napalingon agad ako kay Drake na katabi ko lang at abala sa cellphone niya. Unbothered.


He planned this for me?


Gusto kong makaramdam ng saya dahil dito, peru pakiramdam ko wala akong karapatan. Sa nangyari kasi kanina, yung halikan namin ni Sancho pakiramdam ko para kong trinaydor ang kasiyahang ibinigay nila Drake sakin ngayon. Pakiramdam ko rin parang hindi nasiyahan ang anak ko sa ginawa ko kanina.



Napansin kong parang baliwala kay Drake satwing nababanggit ang pangalan niya ng mga kaibigan niya. Satwing tiningnan ko siya parang hindi tulad ng dati ang aura niya. Naguguluhan ako kung nakita niya ba ang buong kaganapan kanina kasi mas una namang pumasok si Melody keysa sa kanya eh.


UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon