CHAPTER EIGHT

197 35 0
                                    

SOFIA

"Ba't ka nandito? Pano mo nalaman ang address ko? Ahh....Oo nga pala, pinaiimbistigahan mo pala ako kaya di malabong pati pinanggalingan at pagkatao ko pinaimbistigahan mo rin! Ano Drake? Di ka pa ba nakontento sa ginawa mo! Di lang baby ko ang muntik mong mapatay kundi pati ako! Nandito ka na naman ba para ituloy ulit ang palpak mong plano!"  Sunod sunod kung protesta .

Gusto kong ipakita sa kanya kong gaano ako kagalit sa ginawa niya. Napaka immoral kasi nun. Wala siyang ginawang tama kundi ang guluhin ang buhay ko.

"Please Drake, lubayan mo nalang kami ng baby ko." dagdag ko.

Wala akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng peace of mind at tahimik na buhay. Sana naman intindihin niya rin iyon, kasi minsan nakakapagod na. Ayaw ko na siyang makita at sumusulpot bigla sa harapan ko.

"About that. I'm very sorry."

Sorry? Tch! Yun lang naman ang alam ng lalaking ito! Hindi naman nakakatangal ng problema ang sorry niya!

Napakamot siya sa batok niya. Hindi makatingin ng derikta sakin. Then, he sigh.

"Ok, nagkamali ako."

Buti na realize mo na mali ang ginawa mo! Sana dati mo pa yan naisip! At sana maisip mo rin na lubayan na ako!

Tiningnan na niya ako sa mata. Gusto kong iwasan iyon but I want him yo feel I much I hate him.

"I shouldn't do that. And, hindi ako pumunta rito para mangulo." dagdag niya.

Gusto ko siyang sampalin ngayon peru parang may pumipigil sakin na gawin iyon. 

"Sorry? Sa tingin mo ba sapat nayun sa lahat ng ginawa mo? Yung pagkuha mo sa puri ko! Sa pag-buntis mo sakin! At ang pagpa-inom mo sakin ng pampalaglag! Sorry???"

All of that was too much! Hindi sapat ang sorry para magpatawad agad sa taong sobra sobra ang ginawang perwisyo sakin. Nobody deserves to be mistreated and to experiences all of what I've been through.

"Alam mo, di mo naman kelangan pumunta rito eh. Ilang beses ko bang uulitin sayo na di kita kelangan! You are free with with your fucking life! Di mo na kelangan patayin ang batang nasa sinapupunan ko para masalba ang sarili mo sa responsibilidad kasi di naman kita guguluhon, eh. Wala akong ibang hinihingi sayo kundi tantanan na ako.At di nga kita pinilit diba?  Bat mo ba ginagawa sakin to? Kasi sa totoo lang, mas dinadagdagan mo ang aking problema at sobra ko ng ginugulo ang  buhay ko!" bulyaw  ko.

Gusto kong sabihin iyan ng paulit-ulit sa kanya. Para tumatak sa kukuti niya at para malaman niya na nagiging sobra na siya sa akin.

"Its not my intention to ruin your life. Gusto ko lang namang solusyonan ang problemang naidulot ko sayo. And, I  just don't want to have this life habang may batang kalahati ng laman ko ang nabubuhay na walang ama. You know what, gusto kong klaruhin sayo ito, hindi ako takot sa responsibilidad! Gusto ko namang panagutan yan eh, at kaya ko ring maging ama sa kanya. Kaso nahihirapan akong gawin iyon.   Di ko rin kayang ibigay  ang kompletong pamilya sa kanya. Ayaw kong nakikitang lumaki ang bata na hindi kompleto ang pamilya. Ayaw kong maranasan niya ang naranasan ko dati kaya ko nagawa iyon." Sabi niya.

Napailing iling ako sa mga dahilan niya. As if maloloko niya ako sa mga sasabihin niya. Di ko siya kayang pagkatiwalaan kahit sa mga salitang lumalabas sa bibig niya dahil alam kong nagkukunwari lang siya para mahugasan ang sarili niyang pagkakamali.

"Di ko naman hinihingi ang kompletong pamilya sayo diba? At hindi ko hihingin yan lalo na't nagmula na sa bibig mo na di mo pala kaya!" Sabi ko.

"Coz I'm engaged that's why!" halos pasigaw niyang sabi

UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon