CHAPTER ELEVEN

181 32 1
                                    

SOFIA


Kinabukasan ay nakabalik na nga ako sa school upang makasali sa practice. Pagdating ko halatang nagulat ang iba ng makita ako. Alam kong pasekreto nila akong pinag-uusapan peru wala akong pake.

They can judge me all they want. Ang importante sakin ngayon ay matutuloy na  ang pangarap kong makatungtung sa stage at makuha ang diplomang inaasam ko.


"I'm so happy talaga kasi pinayagan ka nilang makabalik dito." Maligayang sabi ni Cindy pagkatapos akong yakapin.


"Oo nga eh. Hanggang ngayun nao-overwhelmed parin ako sa pagbawi nila. I think my baby is my lucky charm." nakangiting sabi ko.


Nakarinig kami ng tikhim sa gitna ng pag-uusap namin kaya napalingon kami.


"Uy andyan ka pala Adrian." Si Cindy.


"Hi. Congrats dahil nakabalik ka." bati niya.


I smile.

"Salamat."


"Nga pala alam ko na kung sino ang nagsumbog sa President at nagleak ng issue sa school."



"Sino?"

Halos sabay naming tanong ni Cindy.
Mas lumapit siya samin. Lumingon lingon muna siya sa paligid bago nagsalita.



"Hindi ako ang gumawa nun Sofia. It was Melody. Narinig ko sila kahapon na nag-uusap sa canteen kasama ang mga kaibigan niya. She said nandun siya sa loob ng banyo the whole time habang nag-uusap kayo ni Cindy tungol sa nalaman kong buntis ka. At narinig niya nga iyon. After that agad niyang nireport sa President para mapaalis ka dito."


Biglang nanigas ang bagang ko sa sinabi ni Adrian. Napayukom ako ng kamao. Lumingon ako sa kabilang direksyon kung saan may apat na demonyo ang nagsisitawanan at kabilang na dun si Melody.


Kaya pala tuwang tuwa ang babeng yun dun sa restaurant kasi siya pala ang may pakana nun. Di ko man lang naisip ang bagay na yun. At si Adrian pa ang napag buntungan ko ng galit.


"Ang babaing yun talaga, ay! Sasabunutan ko talaga siya pag may pagkakataon ako." Naiinis na banta  ni Cindy habang nakatingin doon sa deriksyon nila.



"Hayaan mo na. May araw rin ang babaing yan." Sabi ko.


"Sofia, sana naman di ka na galit sakin." malungkot niyang sabi.


Napangiti ako. Tinotoo niya nga talaga ang pangako niya. Hindi ko naman kasi maisip na ang babaing yun pala ang may kakagawan nun kasi wala naman akong sinabihan kahit isa sa kanilang magkaibigan.


Hindi ko rin napansin na nandoon pala ang babaing yun sa loob ng cr habang nag-uusap kami ni Cindy. Dapat pala nag-ingat ako sa mga oras na iyon. Ganunpaman, pangit man ang nangyari nitong nagdaang araw, naging ok rin naman ang lahat dahil sa tulong ni Drake.


"Tungkol dun. Sorry nga pala ah kung di kita pinansin nun. Nadala lang kasi ako sa galit dahil sa nangyari." Paumanhin ko.



"Ok lang, naiintindihan naman kita."


_______________________


Pagkatapos ng practice ay hinatid kami ni Adrian. Una niyang hinatid si Cindy bago ako. I bid my thanks to him bago pumasok sa loob ng gate. Pagdating ko sa harap ng pinto, nahagip agad ng atensyon ko ang isang malaking box na nakalagay sa sahig.


UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon