Maria Leonora Teresa's pov
Di ako nakapagsalita. Mygad! Enebe ganun ba kaobvious na may gusto sakin si bakla? Charot.
"Okay naman kami kuya no. Atsaka di pa kami kuya. Pwede tayo? Charot! Charot lang nicka ha? Sayong sayo na siya" Sabi ni bakla.
Napatawa naman sila. Baklang to.
"Ikaw talaga Mario ligawan mo na kasi tong si Tere Wala pang boyfriend Yan simula ipanganak" Sabi ni kuya.
Napasimangot ako. Totoo talaga tsk!
"Well kuya is courting ate Maria you know they so sweet" Sabi ni Martina.
Nanlaki ang mata ko dapat secret yon! Huhuhu!
"Talaga edi mabuti!" Sabi ni kuya.
"Magkakaroon na rin ng boyfriend itong ate Maria mo. Napagiwanan na Yan. Buntis na si ate nicka niyo eh Wala pang boypren Yan. Ikaw Mario aalagaan mo tong kapatid ko ha! Maarte Yan pero solid magmahal" dugtong pa ni kuya.
Para siyang si mama na naghahabilin na lagi akong iingatan at wag sasaktan.
Namiss ko tuloy si mama.
"Okay kuya! Hihi" Sabi pa ni bakla habang nagpapakyut.
Tsk landi nito!
-
After namin makipagasaran at makipagusap kila kuya eh agad naming napagdesisyunan na pumunta sa sementeryo. Para dalawin ang mga mama namin.Nang makarating kami eh agad kaming nagpaalam. 3:30 pa naman. At mamayang 5:00 pa to magsasara.
Agad kaming pumasok at hinanap ang puntod ng mga mama namin. Actually isang puntod lang pagitan ng mga puntod ng mama namin.
Agad kong sinidihan ng kandila at nilagyan ko ng isang tangkay ng sampaguita. Paborito kasi ni mama Ang amoy non.
Pinahid ko ang kamay ko Doon sa pangalan ni mama.
Magiisang taon na ring Wala si mama. Namimiss ko na siya. Parang kahapon lang nung mamatay siya. Hay.
Kinuwentuhan ko si mama ng mga nangyari sakin nitong mga nakaraang buwan siguro kung nandito lang si mama binatukan na ko nun. Sa sobrang rupok ko hahahaha.
After kong makipagusap sa puntod ni mama eh parang may umihip. At may nagbulong ng iloveyou anak dalawang boses ang narinig ko. Siguro magkasama sila mama at papa ngayon. I love you too papa and mama. Bulong ko din sa hangin.
Agad akong tumayo at nilapitan sila bakla. Masaya silang nagkwekwentuhan. Sa palagay ko kinakausap din nila si tita.
Tinignan ko ang relos ko at nakita kong 4:30 na.
"Bakla, Martina Tara na! Magsasara na yung sementeryo" Sabi ko
Tumango naman sila. Narinig kong nagpaalam pa sila Kay tita bago tumayo.
Agad kaming naglakad palabas.
Well atleast they are peaceful. And we are happy now.
Written by:CarlaJade
A/n:Thank you!