A/n: Bago magbasa kailangan ng matinding pagunawa. Hindi ko alam kung mapapaiyak kayo hahaha! Malay ko ba!
Enjoy reading guysers!
------------
Maria Leonora Teresa's pov
It's been 2 weeks since naging okay ang lahat. Naging tahimik ang pamilya namin. Nakabalik na din sa sari-sariling buhay. Pero ganon pa rin sa iisang bahay pa rin kami nakatira kasama na namin sila Tita Diana,Tita Janice at Tita Luna. Naging masaya at maingay ang bahay na to.
At ngayon nakakangiti na kami kahit papaano. Nakakatawa na kami ng walang iniisip thankful na ako Doon.
Naging maayos na ulit ang relasyon namin ni bakla.
Kagaya ngayon nandito kami sa veranda. Nandun kasi sila sa swimming pool.
Nakayakap siya sakin mula sa likod. Nakabalik na din kami sa pagteteacher pero lumipat na kami ng eskewelahan na malapit dito. Dahil malayo Kung Doon pa kami magtra-trabaho.
"Alam mo bakla feeling ko namiss kita. Nasa iisang bahay pang naman tayo pero parang may pader sa gitna natin. Hindi tayo nakapaglandian tuloy" Sabi niya
Napatawa ako sa huli niyang sinabi.
"Di ba ayaw mo ng nilalandi? Ikaw ha!" Asar ko sa kaniya.
"Echosera ka ng taon! Jusko ka! Ikaw!ikaw ang unang nanlandi sakin no! Bakla ka ng sampung taon!" Sabi niya.
"Nagpalandi ka naman! Bakit? Kasi dyosa ako!" Sabi ko.
"Bakla pakihawakan ako at para atang hinihigop ako Ng hangin!" Sabi niya.
Inirapan ko siya.
Paepal naman tong baklang toh leche!
-
After ng kanilang malabeach na pagswi-swimming sa pool eh nagsibihis na sila kumain na kami.Ngunit wala pa kami sa kalahati ng makarinig kami ng pagsabog. Agad kaming naalarma. Binuhat nila ang mga anak nila. Dahan dahan kaming nagsiakyatan para kumuha ng importanteng bagau sa amin.
Biglang nakarinig ulit kami ng pagsabog.
"Labas na lahat!" Sigaw ni Merfos.
Nang makita kong nandito na lahat eh hinila ko na si bakla.
Biglang sabog na naman.
Natataranta na talaga ako pero kailangan kong kumalma.
Halos lahat sila nakalabas na hinila ko na si bakla pero nakita niya si kuya na Hindi makatayo.
"Leonora lumabas ka na! Ipapasan ko lang ang kuya mo at lalabas na rin ako! Magingat ka para sakin Mahal Kita!" Sigaw niya
Umiling ako pero naisip ko na magiging pabigat at matatagalan ang oras Kaya lumabas na din ako.
"Hihintayin Kita! Mahal din Kita!" Sabi ko at lumabas na.
Sa likod ng bahay nagsimula Ang pagsabog mabuti na lang at tapos na silang magswimming kaya walang nasaktan sa kanila.
Nag-aalala na ako hanggang ngayon hindi pa din sila lumalabas. Mayamaya eh natanawan ko si kuya lang.
Wala si bakla. Inalalayan nila ito para mapadali ang paglabas nito. Tinignan ko si bakla Ng nagtatanong pero umiling siya. Mamaya eh tuluyan nang sumabog Ang bahay.
Kasabay nang pagsabog ng nararamdaman ko.
Mahal na Mahal kita bakla!
Written by:CarlaJade
A/n: eme lang naiyak ba kayo?hahaha