Kabanata 55

350 12 0
                                    

Maria Leonora Teresa's pov.

 
2 years later...


Sa dalawang taon naging alipin ako ni Mr. Winston. Nasa ibang bansa kami ngayon. Hindi ko alam kung anong bansa ito pero tingin ko nasa Germany kami.

Bago kami pumunta dito. Nagstay kami sa pilipinas ng mga dalawang linggo umaasa ako noon na ililigtas nila ako. Pero ayos lang yon. Naintindihan ko sila.

Tinanong ko din sa kaniya kung bakit ako ang kinidnap niya. Gayong hindi naman niya ako kaano.

Ang sagot niya. Kung si bakla ang kinidnap niya walang pakinabang dahil hindi naman yon susunod sa kaniya. Kung si Marvin naman kasal na Kaya hindi na pwede. Kung si Martina masyadong matagal.

Kaya ako. Bakit ako? May isa pa siyang anak na lalaki si Merfos. Kapatid siya ni Mara na step sister ni bakla.

Ayoko. Ayokong magpakasal. Pero gusto niyang makuha ang yaman na iniingatan ng mama nila bakla.

Mayaman ang pamilya ng mama ni bakla. Nang magkaanak sila ni Mr. Winston. Iniligay niya sa kaniyang last will na lahat ng magiging anak niya o sa ibang pamilya ni Mr. Winston eh mabibigyan ng Mana. Na ikinataka ko. Kita naman kasi ang karangyaan sa buhay ni Mr.Winston Kaya bakit pa siya naghahabol sa manang yon?

Pero say dalawang taon kong namamalagi dito nalaman ko na dahil sa laki ng utang ni Mr.Winston sa isang pasugalan sa Pilipinas. Nasa milyon ang halaga. Narinig kong kakarampot na yaman na lang ang meron si Mr.Winston.

Kaya hinahabol niya ang mana. ¼ lang ang Mana ni Merfos. Pero hinahabol niya pa rin ito para may pangbayad siya dahil mapapatay daw talaga siya. Dalawang taon lang ang palugit niya. At halos wala pa sa kalahati ang nababayaran niya.

Kaya minamadali na niyang makasal kami pero ayoko. Ayaw namin pareho. May girlfriend si Merfos sa pilipinas. At yun ang ginawang pain sa kaya siya napilitan na gawin ito.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakakandado ang paa ko. Talagang ayaw akong makawala ni Mr.Winston. Marami pa daw siyang paggagamitan sa akin. Wala akong palaga. Hawak niya ang kuya ko at ang pamilya nito.

Bumukas ang pinto. Nakatalikod kasi ako at. Nakaharap sa bintana. Pumihit ako paharap at nakita ko si Yaya Mel na may dalang pagkain nagngitian kami.

Inilapag niya ang pagkain at umalis na. Bawal ako kausapin ng mga katulong sa bahay na to Kaya. Tanging ngitian lang ang nangyayari.  Kumain na ako.

Iniligpit ko at may nakita akong isang papel.

'Sa ikalawa ng Hunyo ipapakasal na nila kayo alam kong ayaw mo Kaya tutulungan kita-M' basa ko sa sulat.

Nanlaki ang Mata ko Hindi pwede hindi!

And I faint

Written by:CarlaJade

A/n: Ah sige

My Gay Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon