Maria Leonora Teresa's pov.
2 months ago...
Dalawang buwan na ang nakakalipas. Binawian din si mama ng buhay. I'm graduate na rin. Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho. Si kuya? Ayon tuloy pa rin sa pagtratrabaho. May girlfriend na rin siya. Si ate nicka, dinamayan niya si kuya sa mga oras na sobra siyang nasasaktan kasi nahihirapan si mama.
Nagkaligawan at naging nobyo at nobya.
Masaya sila ngayon at ako?Tuloy pa rin sa pagnanasa kay bakla charot! Hahaha.
We're bestfriends.
At sa totoo lang sa loob ng dalawang buwan siya ang dumamay sakin. Inalagaan at inintindi. Sa kaniya ako umiyak ng umiyak. Kahit nung mag graduation eh naiyak ako. Cum laude ako ng course namin. At sobrang saya kaso wala ng magsasabit sakin nung mga time na yun kasi nakaratay pa si mama. Pero biglang umakyat si bakla at siya Ang nagsabit ng award ko.
Nakangiti ako nung time ngayon.
Fresh graduate kami. At dahil nga parehas kami ng course gusto niya parehas din kami ng skwelahan na papasukan.
At sa totoo lang yung feeling ko sa kaniya? Totoo na. Yung mga araw na lugmok ako. Parang sa kaniya ko nakita Ang lakas. Nagustuhan ko siya.
Yeah I like him.
Bakla siya oo.
Pero who cares?
Kapag ba gusto mo kailangan may gender?
Di naman ganon.
Kaya walang makakapigil sakin hahahaha. Charot!
So ayun na nga parehas kaming naglalakad ngayon. Pupunta kami sa isang school. High school Ang gusto namin turuan.
Nang makarating kami eh. Agad kaming nagtanong sa guard kung saan ang registration office tinuro naman niya nagkwekwentuhan lang kami. Parehas pala kami nakapasa sa board exam. Kaya sure naman ako na. Matatanggap kami.
Nang makita na namin Kung saan yung registration office eh agad kami pumasok.
Bumungad samin ang isang babae na sa tingin ko'y nasa 30's na.
"Hi mam good morning we just like to ask. If meron pa Po bang vacant for teacher" sabi ko.
"Ah yeah yeah we have a two slots. Yung isa English ang tuturuan. Yung isa pa is Math. So grab it or leave it?"
Nagkatinginan kaming dalawa mygad! Eto na yung hinihintay namin.
Agad naman naming tinanggap ito.
Nagpasa kami ng requirements at itetext o tatawagan na lang daw kami.
Agad kaming nagcelebrate sa maikling panahon nakilala ko na Ang pamilya niya. Wala silang tatay. Tatlo sila magkakapatid.
Siya at ang kambal niyang si marvin at Ang bunso nilang si Martina.Nakakatuwa sila tanggap din nila si Mario bilang bakla.
Hahahaha!
So I think this is the start of the true story.
A/n: Wala rin akong Alam sa pagteteacher hahahaha