Chapter 10

388 19 0
                                    

Chapter 10

Nang gabing 'yun ay matagal akong nakatulog sa kaiisip kung paano ko maibubulgar sila ni ate Cruzzate. Dumagdag pa yung sinabi niya "At last, you will always by my side."

Feel ko talaga nagiging mahina ako pagdating sa kanya at iyon ang pinaka ayaw kong mangyari. Hindi ako gagaya sa nakaraan.

Huwebes ng umaga, narito ako ngayon sa office ni Mr. Manriquez kasi may ibibgay siya na task sa akin. May binigay siya na mga papel at ipapasagot ko raw ito sa mga kaklase ko. Kinuha ko na 'yon at umalis na.

Habang naglalakad ako papunta sa room nakita ko si Brent at Tatiana. Napatitig ako sa kanila. I really feel something saucy to them. Nang iniwan na ni Tatiana si Brent ay naglakad ako kaagad.

Pagdating ko sa room ay inanunsyo ko na wala si Mr. Manriquez at ginawa ko kaagad ang task ko. Pinamigay ko yung mga papel na sasagutan. Nang ibibigay ko na kay Veight ang papel ay hinuli niya mga kamay ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at pilit kong ialis ang kamay ko.

"What are you doing?" Kunot-noo kung tanong.

He smiled. "Buy me some juice, please," he ordered and pouted.

"Bumili ka doon." Hihilain ko na sana yung kamay ko ng higipitan niya ito.

"Remember last time we talked? The punishment?" Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko yung deal. I'm now a slave for this bastard!

"Okay, bibili na ako." Binitawan niya kamay ko at ngumisi ng nakaloko- loko.

Nilagay ko yung papel sa lamesa at nagmadaling lumabas. Bwisit na lalaki kung wala talaga akong kailangan sa kanya, hindi sana to mangyayari. Pero okay na ito diba? Magagawa ko na yung plano ko. Sana matagumpay ako sa plano ko'.

Pumasok na ako sa canteen. Agad akong pumunta sa vending machine, kumapa ako sa bulsa ko nagba-baka-sakali na may pera doon. At anak ng teteng, wala, ni piso wala. Buwesit nakalimutan ko palang humingi ng pera. Paano na'to.

"Bibili-bili, wala namang perang dala." Napalabi ako at lumingon ako sa likod at laking gulat ko na si Brent yun.

"Oh, ito." Sabay abot ng barya. Nakakahiya naman oh! Kinuha ko 'yun at agad ipinasok sa vending machine at kumuha ng juice.

"Salamat, Brent." Ngumiti siya.

"You're welcome. Tara na baka hindi mo maipasa yung papel mo." Dahil sa sinabi niya naalala ko yung task. Gosh!

"Patay, wala pa akong sagot. Ni isa wala!" Gosh, buwesit ka Veight, buwesit!

"Tara na, tutulungan kitang sumagot."

"Talaga?" Tumango lang siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami. Napatingin ako sa mga kamay namin, na feel ko yung seguridad kung paano niya ako hawakan. Ni hindi ako kinilig, pero may iba akong nararamdaman sa paghawak ng kamay ko.

Hingal na hingal kami pagdating sa room.

"Nakakapagod palang tumakbo," reklamo niya.

"Ikaw naman kasi eh!" Tumawa lang siya.

Pumunta na ako kay Veight na masama ang tingin sa akin. Oh, inaano ko ba siya? Bakit galit na naman? Bahala ka kung galit ka. Dapat nga ako yung magalit, eh.

Nilapag ko na ang juice sa mesa niya.

"Sa susunod na magpapabili ka dapat magbigay ka ng pera yan tuloy na pahiram ako ng pera." Wala pa rin siyang imik. Bahala siya.

Umupo na ako at lumingon ako kay Brent.

"Patulong, please." Nagpuppy eyes ako sa harapan niya. Tumawa lang siya at tinulungan ako.

Nakita ko na lumingon si Veight sa gawi namin at masama ang tingin.

"Kanina pa yan si Veight ah, bakit siya galit? Ikaw na nga bumili ng juice para sa kanya tapos siya pa ang galit," saad ni Brent.

"Huwag mo ng pansinin."

Nagbell na kaya kinuha ko ang mga papel. Nang kukunin ko na yung papel ni Veight ay tumayo siya walang pasingsabi na umalis. Anong problema 'non?

Nakolekta ko na ang lahat at palabas na ako ng kinuha ni Brent ang papel.

"Hoy, akin na yan. Kaya ko naman yan eh," saad ko.

Ngumiti siya. "Kaya mo nga, pero gusto kong tumulong."

"Salamat pero-"

"Ito para hindi ka na magreklamo." Binigay niya ang kalahati sa akin. "Oh ayan, okay na?" Tumango lang ako.

Habang papunta kami ni Brent sa office ni sir ay nagkwentuhan kami. 'Yung tungkol sa elementary days niya. Grabe ang saya niyang kasama. Hindi siya nauubusan ng topic. Iba siya ngayon kaysa noong una ko siyang nakasama na ang tahimik. Ang daldal niya.

"Mas nakakatawa yung kumanta ako sa harapan ng kaklase ko at lumubo yung sipon ko. Grabe yung tawa ng mga kaklase ko." Natawa ako sa sinabi ko.

"Grabe ka ang dami mong nakakatawa na ala-ala noong elementary days mo."

Tinimbang niya ang kanyang katawan at tumingin sa akin.

"Bakit? Sayo ba malungkot?" Ngumiti ako sa kanya.

"Wala akong kaibigan noon.," pagkasabi ko noon ay naaalala ko ang malungkot na kabataan ko.

"Di' bale may kaibigan ka naman ngayon." Ngayon tumingin na ako sa kanya. "Ako, kaibigan mo na ako." Ngumiti siya sa akin.

Habang tumatagal gumaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan na lalaki maliban sa pinsan ko.

Pumasok na kami sa office ni sir at nilagay sa table niya ang mga papel. Habang pabalik na kami sa room ay nakita namin si Veight na may kasama na iba na naman na babae. Tss, once a playboy is always a playboy.

"Uhm, Liz?" napabaling na ang tingin ko sa kanya.

"Hmm?"

"Uhmm, lately lagi ko kayong nakikita ni Veight na magkasama. Kayo na ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano?! Kami ni Veight?" Tumango siya. "Hindi, may deal lang kami at hindi ako pumapatol diyan no. Tingnan mo nga siya napaka playboy. Remember this, I don't like playboy."

"Okay, now I know. Tara na." Tumango lang ako. Tumingin muna ako sa gawi ni Veight, kumirot ang puso ko ng maalala yung mga sinasabi niya. Haysst eto na naman ako naging pusong mamon naman ako.

To be continued...

Kiss To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon