Chapter 5

455 27 3
                                    

Chapter 5

It's almost a week na noong nangyari sa labas ng school. At si Veight, lagi na lang niya akong sinabihan na 'You are my slave.' Slave my ass!

"Thank you sa paghatid kuya." I smiled at him.

"You're welcome lil' sis." I unbuckled the seat belt and bid goodbye to him.

Saktong pagbaba ko sa kotse ay ang pagdating din ng sasakyan ni Veight. Ohh, the evil is here! Hindi paman siya bumaba ay nagmamadali na akong pumasok. Pero sa kasamaang palad hindi talaga ako biniyayaan ng malalaking habang kaya ayon naabutan niya ako.

"Good morning, Lizzy!" What the hell is he calling me by that name and where did he hear that? Urghh. It's so girly!

"First of all, we are not friends, so don't you dare call me by that name! And last of all, my morning is good not until you came!" striktang ani ko.

Sa gilid ng aking mga mata nakita ko siyang ngumiti. And it pissed me off!

"Then we are friends now. And why are you so high blood huh? Do you have a period?" Urghh! Tumigil ako at tiningnan siya.

"We are not friends and will never be!" asik ko at inirapan siya.

"Hmm?" panghahamon niya.

"Umalis ka na nga sinisira mo araw ko." Ngumiti lang siya at mas lumapit pa siya. Gosh! He is a jerk!

"Hindi ako aalis hanggang hindi kita maging alalay," nakangising aniya.

Napa-arko na ang kilay ko. "Hindi ka ba titigil sa alalay alalay diyan. Ang sabi ko ayaw ko. No way!" Kailan ba ako tatantanan nito huh?

"Oo nga sabi mo ayaw mo pero di mo naman sinabi na titigilan ko." Hindi talaga siya nauubusan ng mga salita eh!

"Then stop it! You really made my day in hell every day! So, stop it, you jerk!" Wala na akong pakialam kung masaktan siya sa mga sinabi ko. Ginalit niya ako eh!

May sasabihin pa sana siya pero 'di ko na pinatapos kasi pumasok na ako kaagad sa room pero sa kasamaang palad may nabangga na naman ako kaya ayon na out of balance ako. Shooks, sa buong taon ba lagi ako may mababangga at matutumba?

"Miss okay ka lang ba?" Talagang tinanong pa ako ha! Tumingin ako sa nagsalita. OMG! He is so handsome! He is smoking hot in his uniform!

Ohh, look at his jaw line, it's so perfect! His nose and his eyes. Damn, he is so freaking handsome!

"Miss?" Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. Gosh! Heaven and earth give me some air!

"Umm, ano nga yung tanong mo ulit?" Gosh, Elizabeth Monteverdi where on planet are you? Nakakahiya!

He slightly chuckled. Damn he is so hot when he laughs.

"Umm... okay ka lang ba?" Anong, okay? Oh gosh! Nakakita ka lang ng gwapo Elizabeth naging makakalimutin ka na.

"Ahh, okay lang ako. Hindi naman masakit." I smiled. My face is probably red as tomatoes right now.

"Are you sure?" pag-aalala niya.

Tumango ako. "Actually, kanina hindi pero ng nakita kita okay na!" Natuptop ko lang ang bibig ko sa sinabi ko. Gosh ang landi! "I mean okay na talaga ako," nahihiyang sabi ko.

"You're cute." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Magsasalita na sana ako ng dumating na ang Prof.

"So, everyone let me tell all of you that there is a new student in this class." Tiningnan niya yung lalaki kanina. "Mr. Carvajal, can you introduce yourself?" He nodded. So, Carvajal pala surname niya.

"Good morning, everyone! I am Brentley Carvajal," pagpapakilala niya at ngumiti ito.

After that, umupo siya sa likuran ko. Ang bango naman niya.  Nagsimula na maglecture si Prof. Hindi ko maiwasang makaramdam ng antok. I hate this subject talaga! Philosophy is boring!

The day went smoothly. And for the first time I didn't sleep at the class, but I don't know what the lesson is all about. Niligpit ko na mga gamit ko and papalabas na sana ako ng may humigit ng pampulsohan ko.

Tiningnan ko kung sino yung humawak ng pulsohan ko and to my surprise, si Brent ang may hawak. Tiningnan ko ang kamay niya ng nakita niyang tumingin ako doon ay agad niyang binitawan yun.

"Hmm? May kailangan ka?" He just smiled.

"Wala naman. Sabay na tayo lumabas." Tumango ako.

Kinikilig ako! I admit it, may crush ako sa kanya. And this is my first time na may kasabay na lalaki sa paglabas ko.

Papalabas na sana kami ng may padabog na sumipa ng upuan. Si Veight, tumingin siya sa akin at nakita ko ang galit niya sa mga mata niya. I can see him ready to eat a prey. Why is he mad?

Nagkatitigan sila ni Brent and I can sense a war. Kaya agad ko ng hinila si Brent at lumabas.

Tumikhim si Brent, lumingon ako sa kanya. At narealize ko ng nakahawak pa rin pala ako sa kamay niya kaya agad kong binitawan yun.

Awkwardness filled the atmosphere. And I really hate it!

"Umm, so bakit ka lumipat ng school?" I broke the silence. Hindi ko na kaya ang katahimikan.

"Well, I want new environment." Tumango ako.

Hindi na yun nasundan at nasa waiting shed na kami pero ang tahimik parin. Oh c'mon, bakit ba ang tahimik? Ganito ba talaga siya? Tiningnan ko siya at nakatutok na pala siya sa phone niya. Nakakunot noo siyang tiningnan yun.

"Umm Elizabeth—"

"Liz. Just call me Liz para madali." Tumango lang siya.

"Ok. Liz una muna ako ha. May emergency kasi."

"Okay. Goodbye!" Naglakad na siya at sa unahan ay may nakita akong Hilux na itim at sumakay siya doon.

Kinuha ko yung phone ko at nang i-open ko 'yun ay nag message si kuya na hindi niya ako masusundo. Mag co-comute na naman ako. I stayed for a while. It was so relaxing not until a baritone voice spoke.

"I wish you could smile at me like how you smile at Brent," aniya niya sa malungkot na boses.

Nagulat ako sa sinabi ni Veight. At naguguluhan ako sa kanya. Ano itong kinikilos niya? What did he say? Wish? Brent?

Binalingan ko siya. Pagharap ko ay may dala siyang biscuit at juice. Nakatutula ako sa biscuit at juice. Nang makita niya na hindi ko tinanggap ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon. Pagkatapos ay tumalikod na siya at sumakay na sa sasakyan niya.

Tulala parin ako sa pangyayari. What's with him? Tiningnan ko ang pagkain. Pero ang nakakapagpabagabag sa akin ay yung sinabi niya kanina.

To be continued...

Kiss To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon