Chapter 12

364 20 2
                                    

Chapter 12

Nagising ako nang mag ring ang alarm ko. It's 4:30 in the morning but I'm so sleepy. Ibinalik ko ang cellphone ko at niyakap ko yung unan.

Bakit ang tigas? Kinapa ko ang unan at nang may mahawakan ako na bukol ay pinisil ko. Nanlaki mga mata ko ng may biglang umungol. What the heck!

Bumangon ako at nakita ko ang kabuuan ng kwarto. Hindi ko ito kwarto! Mama, kinidnap ako!!

Tumingin ako sa kama ko at nagulat na naman ako ng may lalaki na mahimbing na natutulog. Gosh, katabi ko siya? Paano? At may naalala akong ginawa kanina. Ano yung bukol na nahawakan ko kanina? Hinawi ko yung blanket at gusto kong mamatay sa hiya! Nakaboxer lang siya! Gosh!

"Enjoying the view, baby?" May pagkahusky ang boses niya. Gusto ko na magpalamon sa lupa! Lamunin na ako, ngayon na!

"A-anong enjoying the view? Walang namang view no!" Natataranta kong saad. He just smirked.

Tinakpan ko ang sarili ko. "Hoy, Veight anong ginawa mo sa akin? Bakit magkatabi tayo? Saan mo ako dinala?" Sunod-sunod kong tanong. Gosh, nahawakan ko yung birdie niya! Damn!

"Hindi ka nag-enjoy? Bakit mo hinawakan kaibigan ko?" pilyo niyang tanong. He didn't answer my questions.

"Anong kaibigan? Hinawakan? Eh, dalawa nga lang tayo. At sagutin mo nga mga tanong ko!" Humalakhak naman siya. May topak ba 'to?

Bakit nga ba ako nandito? 'Di ba nakauwi na ako sa amin kagabi pagkatapos naming kumain?

Napapikit nalang ako ng may maalala na hindi ko pala nabigay yung address ko sa kanya. Bwisit na lalaki to! Kinapa ko yung katawan ko. Meron pa naman pero iba na yung damit ko. Panlalaki na damit. Gosh, yung bataan ko!

Tiningnan ko siya na nakatingin na rin sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Hoy Veight, anong ginawa mo sa akin? Bakit iba na yung damit ko? May nangyari ba sa atin?" He smiled boyishly.

Lumapit siya sa akin at ako naman ay umatras. Sa kakaatras ko hindi ko namalayan na sa pinakagilid na ako ng kama.

Parang nag slow motion ang lahat ng halikan niya ako. Joke lang! Nag slow motion talaga ng mahulog ako sa kama. Ouch, puchangmother. Ilang beses ba talaga babagsak ang pwet ko sa isang buwan?

Narinig ko na mang tawang-tawa si Veight. Isa pa tong buwesit! Padabog ako tumayo at lumapit sa kama. Itutulak ko sana siya ng hawakan niya mga kamay ko. Ang ending kinababawan niya ako. Umiwas ako sa tingin niya.

"Baby, hindi mo kilala kaibigan ko? Eh, 'di ba pinisil mo nga 'yon kanina? Ikaw may pagnanasa ka pala sa akin. Yan tuloy galit na galit kaibigan ko," pang-aasar niya. Urgh, buwesit! Asa siya!

Inirapan ko siya. "Asa ka! Akala ko po kasi  unan, so akala lang yun. At hindi ko sinadya na magalit yang kaibigan mo!" Mas nilapit pa niya yung mukha niya. Ang bango ng hininga niya. Erase! Erase!

"At pwede ba umalis ka sa ibabaw ko. Kasi aalis ako!" Ngumisi naman siya.

"Ayaw ko, dito kita pinatulog kasi hindi ko alam address mo at tulog mantika ka kaya hindi na kita pinilit gumising." Napairap ako.

Kaya pala. Elizabeth, tulog mantika ka kasi!

"So, ano pakialam ko?"

"Anong so? Hoy, bilang slave ko dapat pinagsisilbihan mo ako. Kaya ngayon magluto ka at linisin mo tung condo ko, kapalit yan sa pagpapatulog ko dito sa kama ko." I gritted my teeth to control my anger.

"Okay, fine! Last question, may nangyari ba... sa atin?" Halos pabulong kong tanong.

Nasa babaw ko pa rin siya kaya walang kahirap-hirap na inilapit niya ang mukha niya sa akin. A ghost of a smile plastered on his face.

"Bakit, gusto mo bang may mangyari sa atin?"

Napapikit ako sa sinabi niya.

"Hindi! Nagtatanong lang ako kasi..."

"Kasi?"

Siguro ang pula na ng pisngi ko ngayon.

"Kasi iba na yung damit ko. And I guess this is yours."

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Oh gosh, I hate this feeling! I hate that my heart beats so fast! Last time I checked that my heart goes like this, it brokes my heart into pieces. And I won't let it happen again!

"Hmm, if may nangyari sa atin. Ano gagawin mo?"

"Babasagin ko yang bungo mo!" Diretsong saad ko.

Humalakhak siya. "Are you serious?" Tumango ako. "Then hit me."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. So, may nangyari talaga sa amin? No, I am just a grade 12 student.

Dahil sa gulat ko natuhod ko yung gitna niya. Nang tingnan ko siya nakaupo na siya sa kama at namimilipit sa sakit.

"Buti nga sa'yo!"

Bumaba na ako sa kama at lumabas na sa kwarto. So, sa condo niya pala ako dinala.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng maluluto dahil sabi niya nga alalay ako. Elizabeth, tiis-tiis lang  two weeks lang naman 'to. So, fighting!

Naghilamos muna ako at naglimugmog. Tapos, nagluto na ako. I cooked bacon, a fried egg, and fried rice.

Naisip ko ang nangyari kanina. Masakit ba talaga masipa yung gitna? Dahil na konsensya ako. Pupunta sana ako sa kwarto pero ng makita ko siyang lumabas d'on para gusto kong lumubog.

He was half-naked. He looks so hot in his wet look. Damn!

"Take a picture, kasi nangangalay na ako kakatayo rito," he smiled boyishly.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Feeler! Narinig ko siyang tumawa dahil sa reaction ko.

"Pwede ba, tigil-tigilan mo yang pagkahambog mo. Nakakasawa, eh."

Humalakhak siya. "Baby, hindi 'yun hambog, nagsasabi lang ako ng totoo."

"Totoo, my ass! And stop calling me a baby because my name is not a baby. I'm Elizabeth, in case you forgot my name."

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin. Yung baba niya ay malapit sa tainga ko.

"I will call you whatever I want," malambing njyang saad.

Naghuhumerentado ang puso ko. Gosh, I hate this feeling, but I can't control it.

Tinulak ko siya. "Ikaw na lalaki ka, 'wag na 'wag mo akong tawagin niyan kasi alam natin na alalay mo lang ako at isa pa may girlfriend ka 'di ba?"

"Bakit? Kung wala lang akong girlfriend, pwede sa'yo na tawagin kita na baby?"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi! Because a playboy like you is not my type. And will never be my type!"

Dahil sa sinabi ko tinawid niya ang pagitan namin at walang pasing sabi na halikan ako.

Tulala ako matapos hiniwalay niya ang labi niya sa akin.

"So, tell me now, that I'm not your type," hamon niya sa akin.

Ramdam ko pa rin yung hininga niya sa akin.

"Bes? Kuya?"

Gulat ako ng ibaling ko ang tingin sa nagsalita.

Now, I want to die!

To be continued...

Kiss To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon