Chapter 17

339 14 0
                                    

Chapter 17

Hindi ako nakatulog ng maayos sa gabing 'yon. Palaging nag pli-play ang confession ni Brent sa utak ko. He just confessed his feelings to me last night!

Kaya ngayon ang awkward. Kagrupo ko si Brent at Veight pero may lima kaming kasama na kaklase.

"So, class, did all of you have a group?" our Physics teacher asked —Ma'am Bonna.

"Yes, Ma'am!" sabay naming sagot ng mga kaklase ko.

"So, this time we'll play a message relay, but this time the messenger will act on what I said. Then, the person next to the messenger will hula-hula what the messenger acts and he/she will pass the message. Clear?" Saad ni ma'am.

All of our classmate agreed. Ang pwesto namin ngayon ay nasa huli kaming tatlo nila Brent at Veight. Nasa harapan ko si Brent, gitna ako at nasa likod ko si Veight. Gosh, this is so awkward!

"So, let the game starts now." Pagkasabi ni ma'am ay tumakbo kaagad ang messenger sa grupo niya.

Nakakatawa ang mga messenger kung paano nila dinedeliver ang message. Sa aming grupo nakuha na ng kagrupo ko ang message kay napasa na. Lumapit si Brent sa akin at bumulong.

"I'm positive and you are negative. You and I are a magnet," bulong niya.

Binulong ko rin kay Veight, natagalan lang kasi ang tangkad niya. Nauutal pa ako sa pagbulong sa kanya. Nang makuha niya ang binulong ko ay tumakbo siya kaagad. At siya ang una na nakapunta kay ma'am.

"Oh, si Veight ang na una," anunsyo ni Ma'am. "Sige Veight, what's the message?" tanong ni Ma'am.

Tumingin siya sa gawi ko. "I'm positive and you are negative. You and I are a magnet."

Nasa akin pa rin ang tingin niya. Naghuhumerentado ang puso ko dahil d'on. Assuming ba talaga ako? Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko? Buwesit! Umiwas kaagad ako ng tingin at nakita ko si Brent na lumabas.

"We have the winner, it's Veight's group!" Ma'am announced and all my co-member was so happy.

After the game, Ma'am discussed magnetism. Pumasok na rin si Brent at may nilagay siya sa lamesa ko. It's a paper at may nakasulat doon.

Eli,
IodineLithiumPotassiumEuropium.
-8

My brows arched. Ang weird talaga ni Brent. Alam niya naman na hindi ako matalino sa ganito, e. Pinapahirapan talaga ako.

"Tara, lunch tayo!" Aya ko kay Brent.

Hindi dahil nagconfess siya masisira na pagkakaibigan namin. Mali 'yun, e.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Tara, libre mo," Saad niya.

Hinampas ko siya sa balikat niya. "Hoy, abusado! Pero tara na gutom na ako," natatawa na sabi ko.

Pupunta na sana kami pero may humawak sa pulsohan ko. Nilingon ko 'yun at si Veight lang naman na para bang may atraso ako sa kanya.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "What?" Strikta kong tanong.

"Let's have lunch together."

"Sige..." tumingin ako kay Brent. "But isasama ko si Brent. Okay lang ba master?" may panunuya na sabi ko.

He glared at me, and I glared at him. Akala mo ha! There's no way I will be eating with him! But makulit siya, e! Tumingin ako kay Brent halatang naguguluhan.

Tumango lang si Veight. "Okay. Let's go."

Hinatak ko na si Brent sa kinatatayuan niya.  Nasa unahan si Veight at nasa likod kami.

Kiss To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon