Chapter 25

306 18 0
                                    

Chapter 25

After our game, Veight and I went to the booth on the ground. We ate a lot of food. But later on, Veight's team called him 'cause they will play.

Sumama ako sa kanya para fair lang. Pumunta na kami sa venue at nakita namin ang team niya na nag wawarm-up. Tumingin si  Kailer sa amin at kinawayan kami. Kumaway ako sa kanya pero laking gulat ko na kinuha ni Veight ang kamay ko at hinatak niya ako papalapit sa kanya. Lihim akong napangiti sa ginawa niya. So possessive!

Hanggang sa pumunta na siya sa team niya ay hinawakan niya pa rin ang kamay ko, kaya ang ending hawak-kamay kami habang nakikipag-apir siya sa mga kasama niya.

"Siguradong panalo tayo ngayon. May lucky charm ang kaibigan natin, e," nakangisi saad ni Kailer.

Binatukan siya kaagad ni Jandro. "Bakit ba!?" asik niya.

"Huwag mong asarin baka matalo tayo," saad ni Jandro.

Inirapan siya ni Kailer at umalis. Ay, baklita to! Charot lang. Tumingin si Jandro sa amin pero nagtagal ang tingin niya sa kamay namin.

"Kaya pala..." may patango-tango pa niya na sabi. Bumalik ang tingin niya kay Veight.

"Bitawan mo na, hindi naman 'yan aalis," saad niya.

Tumingin si Veight sa kamay namin at bumalik ang tingin niya kay Jandro.

"Kapag binitawan ko 'to ang raming pipila," saad niya.

Tumingin si Jandro sa akin at umiwas ako sa tingin niya kasi ngayon para na akong kamatis dahil sa sinabi niya.

Tumawa naman si Jandro. "Paano tayo makakapag laro niyan?" tanong niya. "Eh, tsaka wala namang pipila diyan. Takot lang nila sa'yo," patuloy na saad niya at pumunta sa team nila.

Tama nga naman si Jandro. Ang oa, talaga! Tinapik ko ang balikat niya.

"Let go of my hand and I'll sit there." Nguso ko sa upuan na nasa gilid ng net.

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko.

"Just stay there, okay?" Tumango ako. "Okay, I'll go now."

Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya. Nagtatanong ang mga mata niya. Bago pa siya makapagsalita ay hinalikan ko na ang pisngi niya.

"Your good luck charm." Ngumiti siya at pumunta na kaagad sa team niya.

The game started and many students were watching, especially girls. May mga girls na gumawa pa talaga ng banners. Natatawa ako ng may nag checheer na para ba sila ang cheerleaders.

Tumingin ako kay Veight na ngayon siya na ang magseserve ng bola.

"Go, Kuya number 3!" Cheer ng mga juniors.

Ay aba, kalma self, juniors 'yan. Naserve na ni Veight ang bola nakuha ito ng kalaban pero agad din nilang nadepensahan. Score pa rin sa kanila kaya siya pa rin ang magseserve.

This is it! Ako na naman ang magchecheer.

"Go Veight!" Cheer ko na dahilan na mapalingon siya sa akin. Ay ang gara ko! Nagfinger heart ako sa kanya.

"Fighting!" Ngumiti siya at sinerve na ang bola.

Tumingin ako sa paligid ko ng may maramdaman na nakatingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay lalo na an mga juniors na tinarayan ako. Ay aba ang tindi ng mga batang 'to!

Naging maayos ang laro nila pero nagulat kami nang nag passed out si Veight na naging dahilan sa paghinto ng laro. Wala pang isang minuto ay tumakbo na ako papunta sa kanya. Inakbay  siya nina Jandro at Kailer papunta sa clinic at sumunod naman ako.

Kiss To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon