Chapter 4

469 23 0
                                    

Chapter 4

Habang pauwi na ako, hindi ko makalimutan 'yong ginawa ko kay Veight. But laking pagtataka ko kung bakit hindi siya naghiganti? Not that I like it na maghiganti siya pero it makes me confuse.

Kanina, nang bumalik na ako hindi man lang niya ako inirapan o pinagtripan. And worst is ang tahimik niya, tahimik naman siya palagi pero iba yung pagiging tahimik niya kanina eh. Haysst ba't ko ba yan iniisip.

"Where do you think you are going?" A baritone voice called me and I don't have to guess who it is.

Lumingon ako sa kaniya. "Ohh. Ikaw pala Veight, papasok ako sa classroom eh," sarkastiko kong tugon.

Napakunot siya. "Are you trying to joke? 'Cause if you are, try more."

"Nagsabi ba akong nag jojoke ako?" pagtataray ko.

"Maayos akong nagtanong sayo kung saan ka pupunta tapos sasagutin mo ako ng ganon? Where's your manner miss?" iritadong tanong niya.

I smirked. "Ohh, kita muna mang palabas na ako eh kaya pauwi na ako. Use your initiative mister."

Palapit siya ng palapit sa akin. Kaya ako naman ay paatras ng paatras. Hindi na ako nag-expect na may haligi akong masasandigan kasi I'm living in the reality not in fairytale.

He raised his eyebrow. "Do you think papalagpasin ko yung ginawa mo sa akin kanina? Well, you are wrong. Nag-iisip kasi ako kung anong maganda gawin  sa iyo." Naamoy ko na iyong pabango niya. Damn!

"Owwss bakit? Sino ka ba, para utusan ako? And let me tell you this mister, hindi ako sumusunod sa mga demonyong kagaya mo!" Pagtataray kong sabi. Magkalapit na yung mukha namin.

He flashed a smile. "Hmm, sabi mo nga demonyo ako kaya kaya kong gawin ang lahat mapasunod ka lang."

Umirap ako. "Ako ba tinatakot mo? Well, practice ka pa," sabi ko at  ngumisi.

Habang palapit na siya bigla akong napilok. Putek! Pero laking gulat ko ng may humawak sa aking kamay. Tulala akong nakatingin sa kanya. Bakit ba ang gwapo ng lalaki na ito?

"Hey, staring is rude." Natauhan ako sa sinabi niya kay nabitawan ko ang kanyang kamay ng naging dahilan sa aking pagbagsak ng pwet ko. Narinig ko ang kanyang malakas na tawa. Bwisit na lalaking to!

"Damn you!" sigaw ko sa kanya. Hinawakan ko ang pwet ko. Pangalawa na to ah, ang sakit!

Tumigil siya sa patawa. "Tss, sino ba kasing mag sabi na bitawan mo ang kamay ko? Di ba wala, nakapakalampa mo talaga." Inilahad niya yung kamay pero 'di ko tinanggap.

No way, baka masundan pa. Tumayo ako kaagad at humarap siya.

"So, ok na nakaganti ka na. Pwede ka ng umalis. Shoo shoo!" Pagtaboy ko sa kanya.

"Who said I'm done? I am just starting." Ngumisi siya.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Kung trip mo lang to wag ako! Kasi di ako—"

"Ikaw..." Natigilan ako sa sinabi niya. Ano daw?

"Anong ako?"

"Ikaw ang gusto ko," plain niyang sabi.

"Paanong ako? Wow lang talaga ang bilis mo naman magkagusto sa akin. Ganun na ba ako kaganda at ang bilis mong magkagusto sa akin?" Ngiti-ngiti ko pang sabi.

"Ikaw. Ikaw ang gusto ko bilang alalay ko. I heard from someone that you're good at mathematics and I want you to help me." Nahiya ako dun ah.

"Alalay? As in slave? Para lang sa ganun, alalay kaagad. Ayaw ko oy, sa ganda kong to, maging alalay lang. No way! And I'm not good in math. Sino ba may sabi niyan? Sasapakin ko!"

Kuya saan ka na ba, bat ang tagal mo?

"Are you beautiful? Saan banda?" Lumingon ako sa kanya. Like what the!

"Ay bulag ka ba? Hindi mo ba nakita? 'Wag mo na lang hanapin, baka hindi mo mapigilan mabighani sa kagandahan ko."

"Tss, you are my slave now and you will teach me."

"N.O W.A.Y! As in no way!"

Magsasalita pa sana siya ng biglang nagring ang phone ko. Kaya dali-dali kong kinuha ang phone ko at yes, si kuya tumatawag.

"Kuya, asan ka na? Bakit ang tagal mo? Nakakabagot na maghintay," reklamo ko sa kaniya.

"Lil' sis, sorry di kita masusundo ngayon kasi, papunta kami ni ate Cruzzate mo sa bahay nila. Sorry."

Mapait akong ngumiti. Ang swerte ni ate, inuna pa siya kaysa sa akin.

"Ahh, sige kuya ingat kayo." Binaba ko kaagad ang cellphone ko.

"So?" I looked at him.

"Anong so?" Pagtataray ko.

"No one will fetch you, then at this hour no taxi will pass this way."

"Wala ka nang pakialam doon." Tumalikod na ako at nagsimula na maglakad.

"I can drive you home." I stopped when he said those words.

"Then, ano ang kapalit?"

"Be my slave."

"I said it before that N.O W.A.Y." Inii-spell ko pa. I glared at him. What creature is he?

A car suddenly popped up. And I guess it's his car.  "Then okay, I should go now but if you change your mind call me." He got in his car.

"Go spoiled-brat devil, I don't need you and your car!" sigaw ko pero malabo na marinig niya kasi nagsimula na itong nawawala sa kanyang paningin.

Now I'm all alone!

"Urghh, I hate this day!" I shouted.

To be continued…

Kiss To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon