Chapter 26

279 18 0
                                    

Chapter 26

"K-kuya?" utal kong tanong sa lalaking nakatalikod sa akin.

Humarap siya sa akin at ngumiti. Si kuya nga! But why is he here? At tumingin ako sa katabi niya. Agad ako nagtaas ng kilay. Bakit siya narito? Ano ba ang nangyayari?

"Sis!" maligayang tawag niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya ng ibuka niya ang mga braso niya para yakapin siya.

"I miss you!"

"I miss you too, Kuya!" 

Humiwalay ako sa yakap niya. Tumingin ako kay Veight na ngayon ay hindi malaman ang timpla ng expression niya. Hinila ko si Kuya papunta sa kusina. Nang nasa kusina na kami ay binitawan ko kaagad ang kamay niya.

"Kuya, what's the meaning of this?"

Kumunot ang noo niya. "What?"

I sighed. "Bakit kayo magkasama ni Cruzzate? Hindi ba ay niloko ka niya? Kuya naman!"sabi ko sa nababahala na boses.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Dapat ako mag tanong sa iyo. Bakit nandito siya? Bakit? Gusto mo na ba?" nagtitimpi niyang tanong.

Natameme ako sa tanong niya. Bakit ko ba nakalimutan? Si Veight rin pala ang isa sa rason kung bakit naghiwalay sila ni kuya. Pero gusto niya naman ako. Wala naman sigurong masama doon diba? Bakit kasi gusto ko ang karibal ni kuya?

"Oh, bakit natahimik ka? Sis don't worry I won't stop you for liking him but please support me on Cruzzate. Please?" He pleaded.

Tumingin ako kay kuya. Nakita ko sa mga mata niya ang nagmamakaawa. Kuya, bakit ang rupok mo? Gusto ko 'yon itanong pero pareho naman kami. Magkapatid talaga kami. Ang rupok namin pareho.

Hinawakan ko ang balikat ni Kuya. "Mahal mo siya talaga kuya?" tanong ko, naninigurado.

"Sobrang-sobra, hindi ko akalain, one day I would be like this," sagot niya na puno ng emosyon at ramdam ko kung gaano niya kamahal si Cruzzate.

"Bakit mo siya mahal, kahit niloko ka niya?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ko alam. Kailangan pa ba 'yon? May nagsabi sa akin na kung mahal mo siya hindi mo alam kung bakit mo minahal ang taong 'yon. Love is untold, you didn't expect that one day you would fall in love with that person." 

"Sa pagmamahal kasi hindi pride ang ipinapairal mo kundi ang pagmamahal mo sa tao. Kahit mag mukha ka ng tanga, gagawin mo pa rin ang magpatawad at bigyan ng pangalawang pagkakataon siya. Mahal mo kasi," mahabang dagdag niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya. Ganyan pala mainlove ang kuya ko. Hindi ko akalain na may nahanap siya ng babaeng mamahalin niya. Ang akala ko kasi, girls for him are just a toy, you can use it so you can be happy, but later on if you're not happy anymore of that you can throw it. But he proves me wrong. I admire my kuya a lot.

"Kuya I can't promise but I will support the two of you. And I'm telling you this once kuya, if Cruzzate will hurt you... I'm gonna slap her in 360° twice. So better tell her this!" banta ko at bahagya siyang nakangiti.

Niyakap niya ako ulit. "Oww, my lil' sis is so overprotective. Don't worry, I'll take care of myself," paninigurado niya sa akin.

Humiwalag ako sa yakap niya at tumingin sa kanya. "Dapat lang!" ani ko. "Nag dinner na kayo?" Umiling siya. "Good timing, nagluto ako ng hapunan."

Nanliit ang mga mata ni kuya sa akin. Ano na naman?

"Are you dating?" tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Kiss To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon