CHAPTER 2

113 41 35
                                    

Brother

"Hi kuya!" bati ng sampung taong gulang na si Zelle

"Kumusta, kumain ka ba?" patakbong pumunta si Zelle sa kaniyang kuya na mabilis din siyang nasalo bago sila tuluyang matumba

"HIndi pa po! sabi mo kahapon ay magsasabay tayo, kuya?" walang nagawa ang lalaki at nginitian ang bata bago dumiretsiyo sa sala

"Adobo!" masayang sigaw ni Zelle, "Bakit mas masaya ka pa saakin? ako ang may paborito dito?" natatawang tanong ng lalaki

"Syempre po kasi paborito mo! mas masaya ako pag nakikita kitang masaya kuya!" mas lalong lumaki ang ngiti ng bata na nakikita na ang ngipin

nakaramdam ng kasiyahan ang lalaki, naginit ang kaniyang puso dahil kahit hindi siya ipinanganak ng kaniyang mga magulang ay mainit padin ang pagtanggap nila dito, pati ng kaniyang bunsong kapatid na babae,

"Ako din naman, Zeilluna, mas masaya ang kuya pag masaya ka" bago pinunasan ang nagkalat na kanin sa gilid ng labi ng bata... 

Sa gitna ng nararamdamang kasiyahan ay biglang nahilo si Zelle na para bang siya ay nahuhulog at nang nakabawi ay nakita na ang mga magulang sa harap, at ang kaniyang kuya sa tabi... naging masaya siya ulit

"uhm..." ang kaniyang kuya bago punasan ang labi

"Mama... Papa..." halata ang nerbiyos sa boses nito, "at Zelle..." saad ng lalaki ng hindi man lang makalingon kay Zelle o kahit kanino man, sa mesa ito nakatitig habang nagsasalita

"Ikakasal na ho ano, ma, pa." nanlaki ang mga mata ng tatlong tao na nakaupo sa mesa, pati ang mga kasambahay na nakarinig sa sinabi ng lalaki ay halatang nagulat din.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zelle, hindi dahil sa saya o sa excitement! dahil sa kaba! totoo bang ikakasal na ang kaniyang kuya? 'yan lamang ang tumatakbo sa isipan ng labing anim na taong Zeilluna

"Ano bang pinagsasabi mo Lu?" tanong ng kaniyang ama pagkatapos makabawi sa gulat,

"Pasensya na po at ngayon ko lang nasabi, wala pa po akong lakas ng loob na sabihin ito dati dahil sainyo palamang ako umaasa, pero ngayon hong lumalawak at lumalaki na ang negosyong pinundar ko, kaya ko na ho siyang buhayin..." mahabang paliwanang ni Lu sa kaniyang ama, 

Kinakabahan si Lu, dahil kahit gaano niya kamahal ang babae, kung hindi pumayag ang mag asawa dito ay wala siyang magagawa.

"Naiintindihan namin..." ang kaniyang ina kaya sawakas ay nakatingin na rin siya sa mga ito, sobrang lawak ng kaniyang ngiti, "M-maraming salamat mama..." 

"Huwag po kayong mag alala at dadalaw dalaw ako dito minsan pagkatapos naming ikasal ma, pa!" natawa ang mag-asawa

"Kung makapagsalita naman itong si Lucardo ay parang may bahay nang nakahanda, napakamot sa kaniyang batok si Lu

"Sa totoo lang ma, nakapag pagawa na po ako ng bahay sa kabilang bayan, malapit sa simbahan... baka sa sumunod na tatlong buwan ay tapos na ito,"

Natigilan ang mag-asawa, walang nagawa kung hindi ang umiling ng may ngiti sa kanilang labi, "Mukhang wala na kaming magagawa kung tuloy na tuloy na ang pag-"

Natigilan ito sa biglang pagtayo ni Zelle, buong tapang na hirap ang kaniyang kuya Lu, "Hindi ako pumapayag!"

"Zeilluna?" 


"Aray!" reklamo ni Zelle nang nahulog sa kaniyang mukha ang mga libro sa mesa, kanina pa din tunog ng tunog ang kaniyang alarm clock, bumuntong hininga siya bago naghanda... "Iyon nanaman?" sabi sa sarili bago pumunta sa banyo.

Still, It's Nothing But Between (Still Pentalogy #1) ON-HOLDWhere stories live. Discover now