CHAPTER 6

35 14 13
                                    

Zen


Kanina pa ako natatawa sa maliit na away ni Amara at Felicity, kahapon kasi ay umalis silang dalawa para kitain 'yung lalaking madalas na nakakausap ni Amara sa Telegram, laking gulat daw nilang pareho nang makita nila si Wyatt kasama si Kael doon sa dapat nilang katagpuan, hindi naman kasi nilang inakala na may interest sa mga ganoong bagay ang dalawa lalo na't isang salita lang nila ay madami nang pipila


Why bother nga naman daw hindi ba? At isa pa sa mga sinabi ni Amara kaya mas lalong hindi kapanipaniwalang si Wyatt iyon ay dahil daw sa paraan nito ng pakikipagusap sakaniya, sabi niya kasi ay nakwento niya ang halos lahat ng bagay sa lalaki dahil nga magaan daw itong kausap pero nung nagkita sila ay nerbiyos lang ang kaniyang naramdaman,


"Huwag kang maniwala d'yan Zeilluna, pagkatapos lang ng isang oras nakita ko iyang tumatawa ng malakas sa harap ni Wyatt, parang walang dekaladesa!" Pinalo ni Amara si Felicity dahil sa sermon nito, muli nanamang nagkilitian ang dalawa at maya maya nakita ko nalamang si Amara na halos mamatay na sa kakatawa.


"Felicity, just call me Zelle o kung ano man ang nais mo, ang haba ng Zeilluna eh..." tumigil ito sa pagpatay sa isa pa naming kaibigang hindi na halos makahinga, pilit na humahawak sa braso ni Felicity si Amara para makaupo ng diretsiyo habang hinahabol ang hininga kakatawa,


"You have tons of nicknames Zeilluna, napansin ko lang..." inabot ni Felicity ang bote ng tubig nito kay Amara, marahang nilamyos nito ang likod ng kaibigan namin habang umiinom, kahit natatawa ay pinilit kong huwag magpahalata, "Elementary palang ako nang tinawag ako ni Amara ng Elle kaya nakasanayan na ng iba nating kaklase..." tumango ito, maayos na din naman ang pakiramdam ni Amara dahil nakakaya na niyang tignan ng masama ang katabi, "tubig mo oh..." 


"sa'yo na," kaya naman mabilis nitong inubos ang bote bago pahagis na itapon sa basurahan sa classroom, hindi ito nag shoot sa basurahan namin kaya walang ibang magagawa ang mga tao sa unahan kung hindi pulutin ito para itapon ng maayos, tinapik ko ang kamay ng kaibigan kong natatawa naman dahil sa kapalpakan niya.


"Zelle," si Felicity habang tinatansya ang reaksiyon ko sa bagong tawag nito saakin, "Itutuloy mo na ba ang kwento mo patungkol d'yan kay Amara?" ngingiti-ngiti kong tanong,


"Nako iyang babaeng 'yan! kaunting salita lang ni Wyatt nagpadala na! nakahawak pa sa bewang niya iyung lalaki habang naglalakad sila, at iyang Wyatt naman na 'yan ewan ko ba kung anong naisip at isinama pa si Kael eh hindi nanaman iyon ninenerbiyos tuwing nakikipag date, hindi ba?"


kinuha ko ang isang kitkat sa bag ko para maghatian naming tatlo at nang kumalma naman itong si Felicity, hindi ko ba maintindinhan bakit galit na galit iyan, naisip ko ngang baka gusto niya si Wyatt pero parang malabo din, hindi naman kasi siya ganoong klase ng tao na kung saan mas pipiliting mapalapit sa kaaway


"Salamat," isang kagat lamang ay naubos na naming tatlo ang pinaghatiang tsokolate, kung alam ko lang naman kasi na magkakaganito kami ng usapan sana mas madami pa ang dinala ko! 

Still, It's Nothing But Between (Still Pentalogy #1) ON-HOLDWhere stories live. Discover now