Invitation
9 PM.
Basa ko sa oras ko sa cellphone, naka higa ako sa kama habang nagiisip... bukas na ang huling araw ng exam namin, ang kila York naman ay kahapon pa tapos, kumpirmasyon nalang niya ang kailangan.
sinimangutan ko ang numerong nakarehistro na kanina ko lang nakuha.
kanina lang, mga bandang ala syete ay bigla akong makarecieve ng text na nangungumusta, hindi ko dapat papansinin kaso ipinakilala niya ang sarili niya bilang si York.
"Kumusta..." mensahe mula sa isang unknown number, hindi ko nalang pinansin dahil madalas din naman akong makatanggap ng mga ganoong mensahe, mula sa mga taga skwela o kaya may mga interest saakin.
"Sorry. Ako 'to si York, itatanong ko sana kung tuloy ba tayo sa byernes?" napagpasyahan kong sumagot, "Castelleja?" unang tanong ko,
"Pinayagan ka na ba? hindi pa kasi ako nagpapaalam dahil bukas pa ang tapos ng exam, baka hindi pa ako payagan..."
"Oo. Ipagpapaalam ba kita?" natigilan ako doon, hindi mapigil ang pag angat ng labi. "Gusto mo ba?" matapang kong sagot,
tumunog ang telepono ko na nangangahulugang nag reply siya ngunit mabilis ko itong pinatay at itinago ang sarili sa kumot... sa ilalim ko na sinilip ang tugon niya,
"Kung ayos lang naman sa'yo, at isa pa... ako naman ang ipapasyal mo." mabilis akong nagtipa, "Nako! York huwag na at baka ano pang isipin nila mama!"
"Sasabihan nalang kita bukas, mga bandang alas tres..." nanginginig ang daliri ko bago nagkalakas ng loob na pindutin ang send button.
Ilang minuto na ngunit wala pading reply, hinayaang lumipad ang isip dahil baka may ginagawa na.
Isinubsob ang mukha sa unan habang inaalala ang maiksing naging usapan namin sa telepono, marahan akong napatili dahil bigla akong nakaramdam ng hiya kahit wala naman akong maalalang dahilan para maramdaman ko ito...
natigilan ako nang may biglang ma-isip, mabilis ang pagchat ko dahil baka bigla akong maduwag at hindi ko pa maisend ang tanong ko sa isip, "Saan mo pala nakuha ang numero ko, York?" kaagad itong nagsend at na seen, natuwa tuloy ako...
"Ivy naman, ialng otas na nung hiling text ko." napangisi ako, "hindi na maintindihan kaka madali mong mag type... baka kaya hindi ka nirereplyan..." biro ko, katulad kanina ay mabilis niya din itong nabasa ngunit hindi na ako natuwa,
Nakakahiya mang aminin pero nalimutan ko na ang usapan namin ni Ivy sa classroom tungkol kay York, dahil mukhang ayos lang naman siya, pero mali pala ako. Mapait akong ngumiti.
Nakakalungkot lang, kahit madami kami na handang makinig at umunawa sa kaniya ay hindi niya pading magawang sabihin ang totoo niyang nararamdaman. Umayos ako ng higa bago nag tipa ng panibagong mensahe.
"Hindi ko man maintindihan..." pagsisinungaling ko. Ayaw niya sigurong may ibang makaalam ng tungkol sa kanilang dalawa kaya magpapanggap akong walang alam, "Hindi man tayo matagal nang mag kakilala but you can tell me your problems... ang sabi nga, mas madali daw mag open sa hindi kakila, hindi ba?" malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang nakita kong na seen na niya ito...
"wala na atang balak mag reply..." I said as I observe how many minutes had passed pero wala pading reply saakin.
"Good night," send ko pa ulit habang namumula-mula ang mukha. Nakakahiya man pero pakiramdam ko lang na kailangan niyang mabasa iyon, kahit hindi man galing kay Ivy...
YOU ARE READING
Still, It's Nothing But Between (Still Pentalogy #1) ON-HOLD
RomantizmHe and I were something out of a fairy tale. He was an ugly duckling. I am a swan, but after being compared to a fairytale, our story does not end similar to one. I was into him; he was into her. Even after discovering his darkest and most scandalou...