"Kumusta?" bati ko kay Felicity na naka upo na sa isa sa mga upuan sa food court, ang sabi ay hindi daw kami kakain sa restaurant dahil gusto nilang subukan ang mga pagkain dito katulad ng siomai o kung ano ano pa,
"Nakakamiss pumunta sa ganitong lugar..." si Felicity habang takam na takam na pinagmamasdan ang buong paligid, may mga kanin, mga korean foods at kung ano ano pa ang pwedeng pamilian kaso hindi pa kami hinahayaang umorder ni Amara dahil wala pa nga daw itong si Wyatt,
"Ikaw lang naman ang makikipag date Amara, gusto ko nang umorder oh!" tinuro ni Felicity 'yung pwesto kung saan may nagtitinda ng noodles, ikaw ang mamimili kung anong sauce ang gusto mong ihnalo at kung pagbabasehan nga ang amoy ay matatakam ka talaga!
"Ako din Amara, oorder na." kanina pa kasi ako natatakam habang pinapanood iyung babae sa kabilang mesa habang kumakain ng waffles, kaso hindi padin kami pinayagan, tinignan ko ang buong paligid para tignan kung nasaan na ba iyang Wyatt na 'yan.
Nilingon ko iyung escalator dahil baka pataas na sila at tagumpay ko nang nahanap si Wyatt, ang nasa tabi nito ay si Kael, kinalabit ko si Amara at itinuro iyung pwesto ng kadate niya, mabilis kaming tumayo ni Felicity para bumili ng kaniya kaniya naming pagkain.
Laking pasasalamat ko at walang pila, nginitian ako ng cashier kaya nginitian ko din pabalik, lalo akong natakam dahil mas naamoy ko iyung mga waffles
Kahit pa ilang beses ko nang nakita ang menu nila ay masinsin ko padin itong binasa dahil baka bigla kong maisipang tumikim ng ibang flavor,
"One strawberry, plain, chocolate, strawberry cream cheese and hot and iced coffee, please."
"Got it ma'am, sandali lang po." habang inaasikaso ang order ko ay tumingin pa ako ng ibang pangkain na baka gusto kong kainin, minsan lang naman kasi ako kung kumain ng marami at sinisigurado kong busog talaga ako para hindi ako mang hinayang habang nag di-diet.
Mabilis kasi akong tumaba pero napaka bagal kung pumayat kaya bantay sarado saakin itong katawan ko, hanggang maari ay iniiwasan kong kumain ng madami kwera nalang kung lalabas kami para gumala, dahil sayang naman kung hindi ko maenjoy.
Tinignan ko ang mesa ko at nakaupo na sa kaninang upuan ko itong si York katabi si Kael at Wyatt.
Napabalik ang mata ko sa pang unang lalaking nadapuan ng mata ko sa mesa dahil sa gulat, anong ginagawa niyan dito?! nang napansing lilingunin ako ni York ay mabilis akong humarap sa counter at mukhang napansin nung cashier ang ginawa ko kaya biglang nabuo ang kakaibang ngisi nito sa labi,
"Ma'am saglit lang po ah," hindi ko ba maunawaan pero pakiramdam ko ay inaasar ako nito! namumula ang mukha ko kaya sa lapag nalamang ako lumingon, nagulat lang naman ako kaya ganoon ang reaksiyon ko at wala nang iba pa! lahat naman ng tao kung nagugulat nanlalaki ang mata at biglang... nihihiya at biglang napapaisip kung ayos lang naman ang itsura, hindi ba?
"Ma'am..." tawag saakin nung cashier, nakangisi padin, "250 po ma'am," kinuha ko ang wallet ko at nagbayad, kinakabahan man ay wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa mesa namin, dahil mas naunang makabalik itong si Felicity ay wala akong ibang pagpipilian kung hindi umupo sa upuang kaharap mismo nitong si York,
YOU ARE READING
Still, It's Nothing But Between (Still Pentalogy #1) ON-HOLD
RomanceHe and I were something out of a fairy tale. He was an ugly duckling. I am a swan, but after being compared to a fairytale, our story does not end similar to one. I was into him; he was into her. Even after discovering his darkest and most scandalou...