Umuwi na kaagad kami pagkatapos manood ng pelikula nila Amara dahil wala naman daw kapupuntahan 'yung date nila at puro away lang ang ginagawa, gusto ko pa sanang mag gala pero naiintindihan ko naman,
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Amara habang nandito kami sa van nila, presenta ni Felicity na sa iisang sasakyan nalang daw kami sumakay dahil may sakit daw iyung driver nila at hindi siya maususundo tapos si Kuya Zen naman ay sinundo si Kuya Zak sa kung ano mang bistro at ang lasing ng kaagaga
"Ayos lang..." walang gana ang boses niya dahil siguro sa sigawan nila ni Wyatt kanina, halata namang sakanilang dalawa ay si Amara ang pinakang naapektuhan... gusto pa sana niyang pahabain iyung date nila kaso sabi nga ni Wyatt at uuwi na siya, ayaw daw niya kasi ng puro away...
"Nakikipag date ako kasi ang sabi nila masaya, pero ito? wala namang masaya sa ating dalawa eh," paguulit ni Amara sa mga huling sinabi ni Wyatt sakaniya bago tuluyang umalis
Nagkatinginan kami ni Felicity, parehas hindi alam ang sasabihin kaya mas pinili nalang naming manatili sa tabi niya para kahit papaano malaman niyang hindi naman siya nag-iisa, tsaka isa pa, hindi lang naman si Wyatt ang lalaki sa mundo.
Hinawakan ko ang kanang kamay ni Amara habang si Felicity naman sa kaliwa, halata ang pagkagulat nito dahil kanina pa malalim ang iniisip, nilingon niya kami pareho bago ngumiti, medyo naluluha luha siya ngunit nagsumikap na wa'g itong hayaang tumulo, saglit siyang tumingin pataas bago kami lingunin, "Salamat..." tumitig ito sa kamay namin ni Felicity na magkapatong sa ibabaw ng hita niya
"Ayos lang naman talaga ako..." gumalaw siya na naging dahilan ng pagkalayo ng kamay namin sa isa't-isa, marahan siyang yumuko para abutin iyung bag niyang nakatago sa ilalim ng upuan, may hinahanap siya dito kaya parehas kami ni Felicity na puno ng pagtataka.
"May sasabihin sana ako..." panimula nito, saglit niyang tinignan si Felicity bago nagsimula nanamang mangalkal ng kaniyang bag, pink na bag ito at medyo malaki, hindi iyun 'yung ginagamit niya papuntang skwela at hindi din naman niya dala ito kanina kaya hindi ko malaman kung ano bang lamang nuon.
"Tungkol kay Kael..." Pinagmasdan ko si Felicity at napansin ko ang marahang pagkagulat nito, nalilito man ay mas pinili ko pading manahimik, "A-anong meron?" ninenerbiyos na tanong ni Felicity, hindi siya nilingon ni Amara at nagpatuloy sa paghahanap
Dahan dahan nitong inilabas ang kung ano mang mayroon sa bag, at sa gulat ko ay isa iyung letrato
"Si Kael..." tumigil siya, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman dahil ni isa sa mga pinagsasabi nila ay wala akong maunawaan, bakit nakatingin si Amara kay Felicity nung sinabi niyang may sasabihin siya tungkol kay Kael? Bakit parang apektado din naman itong si Felicity? dapat din ba akong kabahan?
"Siya iyung may gusto saiyo... it's not Wyatt..." mas mababakas ang pagkagulat sa mukha ni Felicity ngayon, hindi na siguro naisipang itago ang ekspresyon dahil sa rebelasyon, napasok ito sa malalim na pag-iisip, ganoon din naman si Amara, tumikhim ako dahil nalilimutan ata nilang nandito pa ako at nakisakay sakanila.
"Pasensya na," si Amara habang nakatingin sa baba, "Nalaman ko lang na kaya pumayag si Wyatt... kaya niya ako pinapansin, hindi dahil ako ang hinahanap nila... dahil ako 'yung tulay para magkita sila..."
"Matagal ko nanamang alam, tatlong buwan na kaming nagkikita, napapansin ko namang wala siya ni interes saakin at ayos lang iyun dahil alam kong pansamantala lang naman itong nararamdaman ko para sakaniya, pero masakit eh..."
"Wyatt..." tumigil ito para punasan ang luha sa mata, "Pumayag lamang siyang magkita kami buwan buwan para kay F-felicity..." nanlaki ang mata ko at lito padin, nilingon ko si Felicity na nasa malalim padin na pag-iisip, "Anong--"
"Kael likes Felicity..." nanlaki ang mata ko, bilang sa daliri ang beses ng pagkikita ng dalawa! paano naman biglang...
"Nalilito lang ako, hindi ko nga alam kung dapat akong matuwa dahil hindi naman pala si Wyatt ang may gusto kay Felicity eh kasi ibig sabihin no'n may pag-asa ako pero dahil sa pinaramdam niya ngayon? pinapakita niyang tapos na iyung trabaho naming dalawa, nagkita na 'yung dapat mag kita, nagkausap at nagkaunawaan na... tapos na 'yung trabaho ko, Zelle..."
"Lalayuan na niya ako..." nabasag ang boses nito habang pilit na pinipigilan iyung luha niyang nagbabadyang tumulo, mabilis ko itong nikayap bago marahang tinapik tapik ang likod, "Amara..." nakakainis man pero wala na akong maisip na salitang pwedeng sabihin bukod sa pagtawag sa pangalan niya
"Akala ko naman, kahit kaibigan p-pwede kami..." saad nito habang nakayakap saakin, nilingon ko si Felicity na nakatitig saamin, "H-he's older than me..." inabot ko ang kamay nito at hinawakn, nginitian ko siya, "Hindi pa naman siya umaamin Felicity, tsaka kung ayaw mo talaga sakaniya hayaan mo na, tanggihan mo..." yumuko ito bago tumango, nilingon si Amara na tumigil na sa pagiyak
"Hindi ako galit kay Felicity..." siya habang binabasa ang nasa isip ko, nginitian ko dahil sa sinabi niya, "Dapat lang, hindi naman niya kasalanan,"
"I'll just keep my distance from him..." si Felicity, nahihiya ito kay Amara at maaring sinisisi ang sarili dahil sa pinagdadaanan ni Amara ngayon, pero hindi naman dapat siya magaalala eh, malakas na babae iyang si Amara at kung hindi man niya talaga kayanin ay andito naman ako, kami...
"Ano ka ba! ayos lang, tsaka ayos na ako dahil nakaiyak na," siya naman ngayon ang humawak sa kamay ni Felicity para magbigay ng kasiguraduhan ayos lang siya, "Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo..." nilingon ako nito kaya pinanliitan ko ng mata, "ikaw ang nagsabi no'n saakin nung unang umiyak ako sa lalaki, hindi ba?" biro ni Amara kay napangiti ako, tumango ako at himawakan din ang kamay nilang dalawa
"Wala ka namang kasalanan Felicity eh," dagdag ko pa sa sinabi ni Amara, "Alam ni Amara iyun kaya huwag kang mag-alala..."
"At isa pa," si Amara habang nakatingin sa bintana,
"Sapat na siguro iyung tatlong buwan naming pagkikita. Pero alam mo?" pambibitin nito, nabawasan na iyung mabigat na hangin kanina, "Iingatan ko iyung mga alaalang ginagawa naming dalawa, kahit pansandalian lang, alam kung minahal ko 'yun..."
YOU ARE READING
Still, It's Nothing But Between (Still Pentalogy #1) ON-HOLD
RomanceHe and I were something out of a fairy tale. He was an ugly duckling. I am a swan, but after being compared to a fairytale, our story does not end similar to one. I was into him; he was into her. Even after discovering his darkest and most scandalou...