Seeds
Tulala padin ako sa lahat nang nagyayari, ang sabi ko ay tutulungan ko siya, para kay York.
Sino ba namang magaakala na ang bunsong anak ng mga Castelleja ay kayang maghabol ng ganito?
Siguro ay naawa ako sakaniya kaya sa nakaraang ilang gabi ay siya ng iniisip ko. Alam ko ang pakiramdam ng humahabol, ang magkagusto sa taong nakatingin sa iba... hindi sa'yo.
Mas maswerte lang siya dahil kahit papaano ay naging sila... habang kami ng kapatid ko, hindi pwede. Hindi magiging pwede.
tumingin ako sa labas na para bang buong mundo ang problema ko. Ano ba ang dapat kong unahin? Ano ba ang mga dapat gaiwn? kahit ako hindi pa nagagawa iyon... hindi ko ring inisip na gawin, dahil siguro kahit masakit ay ayaw kong bumitaw... 'yung pagkahanga ko kay Lu ay ang bumuo sa pagkatao ko... ganoon din siguro kay York.
Habang naglalakad papunta sa kotse ay nagdadalwang isip ba ako kung dapat umatras at hayaan nalang ang oras ang gumawa ng paraan para sakanilang dalawa pero minsan ay oras mismo ang gumagawa ng sugat.
I'm torn! hindi ko alam! sobrang dami na ng nasa isip ko na para bang mababaliw na ako!
"Aray!" reklamo ko sa nakabanggaan ko,
"S-sorry" I glance at the guy na nabangga ko, nanigas ako dahil sa takot, pangamba at nerbiyos! baka mahuli niya akong iniisip siya.
Narinig niya kaya kami ni Ivy kanina? sana oo... sana hindi...
Huli na ng napansin kong hindi siya naka hoodie ngayon, at nagpagupit na din siya... nagsuklay, mukhang malinis at preskong presko! nakasuot siya ng isang simpleng blue shirt and pastel purple jeans partnered with his plain white shoes.
Black matches perfectly with his tan skin, dahil sa maliit na distansya namin ay naamoy ko ang pabango niya na pamilyar, hindi lang ako sigurado kung saan ko ba naamoy. Kitang kita na din ang ilang sugat sa mukha niya dahil sa umiksi niyang buhok pero para bang binayaran niya ang mga ito upang bumagay sa kaniyang mukha!
"Z-zeilluna?" Banggit niya sa pangalan ko, kaso nakakapanghinayang at iba ang tono nito kumpara sa kahapon... mas... mas walang emosyon hindi katulad nung pangalan ni Ivy ang binaggit niya, para bang handa niyang ibigay ang lahat para sa babaeng iyon.
"K-kumusta, pinapasundo ka ng kuya mo dahil hindi ka na daw bumalik kanina... andoon na kasi sila kuya at nag hahanda na sa dinner..." he looked at his watch before looking at me, "It's already 7pm."
Napatampal ako sa noo nang naalala kong nagpahanda nga pala sila mama para sa kaarawan ko! at sigurado ba siyang alas syete na?!
"T-tapos ka na ba?" tumango ako. I can't divert my eyes away from him!
nang napansing hindi ako gumagalaw ay hinawakan niya ang braso ko para maihatid ako sa van nila... para bang biglang tumigil ang mundo dahil pati sila ay gusto mas matagal makita ang ngiti sa labi ni York...
Nakangisi siyang umupo sa van at itinuro ang katabing upuan nito, "Zeilluna? aalis na." mas lalong lumaki ang ngisi, kunot noo akong umupo, "anong nakakatawa?" mabilis siyang umiling...
"Wala naman."
"Zeilluna!" sigaw ni mama pagkababa ko ng van, "Anong oras na! ano pa bang pinaggagawa mo! pinag alala mo kami ng tatay mo..." napayuko ako bago niyakap si mama, "pasensya na po... may kinausap lang."
"Ah, oo. Narinig ko nga sa kuya mo na kinausap ka daw ni Ivy, may nangyari ba ate?" napapikit ako bago pasimpleng lumingon kay York na nasa amin na ang buong atensiyon,
YOU ARE READING
Still, It's Nothing But Between (Still Pentalogy #1) ON-HOLD
Roman d'amourHe and I were something out of a fairy tale. He was an ugly duckling. I am a swan, but after being compared to a fairytale, our story does not end similar to one. I was into him; he was into her. Even after discovering his darkest and most scandalou...