01

19 3 1
                                    

DESCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please bare with me, there might be lots of grammatical errors and typos. I'll be editing again them soon, once I finished this story. Nevertheless enjoy reading.

__________

Napabangon ako sa pagkakahiga, nananaginip nanaman ako sa gabing yon.

Mahigit apat buwan na ang nakalipas ng gabing muntik na kong maaksidente at ng makilala ko sina ma'am bella at sir hermann. Kamusta na kaya sila?

Bumangon na ako at at pumunta sa maliit kong banyo para maligo at maghanda para sa pagpasok ko sa trabaho.

Isa akong hotel front desk receptionist ng isang sikat na hotel dito sa samin. Mahigit isang taon na din akong nag ta-trabaho doon, nakatapos ako ng kursong Hotel and Restaurant Management.

Ang pangarap ko talaga ay yung magkaroon ng sarili kong restaurant, mahilig kasi ako magluto.

Mahigit isang oras din ang tinagal ko sa pag-aayos ng marinig ko ang bunso kong kapatid.

"ATE, HANDA NA PO ANG PAGKAIN!" Sigaw niya galing sa ibaba.

Tch, hilig talagang sumigaw nito, ke aga-aga.

Kinuha ko na yung bag ko at tumingon muna sa salamin. At ng makuntento ako sa itsura ko, bumaba na ko para kumain. Unang nakita ko yung kapatid ko na nakaupo na at naghihintay sakin.

Alam ko ng may binabalak to.

"Oh ano nanamang kaylangan mo?" Tas ginulo ko yung buhok niya at tumawa.

"Ate naman eh! Ba't ginulo mo! Isang oras kong inayos yon. Paano nalang ako mapapansin nong crush ko?" Sabi naman ng kapatid kong 1st year high school pa lang.

"Tigil-tigilan mo ko sa crush crush na yan ha? 'Tamo pag ikaw bumagsak pepektusan kita." Sabi ko kunyaring galit at umupo na sa harapan niya.

Nagbibiro lang naman ako, kahit ganyan ang kapatid ko alam kong mabait at masipag mag-aral yan. Napaka-kulit nga lang.

"Ate naman, crush lang naman. Mas gusto ko pa din makapag tapos no! Tsaka tutulangan pa kita 'te. Tapos mag to-tour pa tayo sa buong mundo, tayo ni mama." Napangiti naman ako.

"Mabuti naman, oh ano bang kaylangan mo?" Sabi ko habang tumingin sa mga niluto ng kapatid ko.

Corned beef, itlog at kanin. Yum.

"Sorry, ang late ko na naka-uwi kagabi tapos late na din ako nagising. Ikaw pa tuloy nakapag luto ng agahan natin." Habang kumuha ng kanin at nilagay sa pinggan niya.

"Okay lang po ate, pagod ka eh. Tsaka ate may project po kami hihingi sana ako ng pera, naubos na kasi yung mga ipon ko."

"Ah sige, magkano ba?" Kumuha na din ako ng pagkain at nasimula na kaming kumain.

"Okay na yung 100 ate, pagkakasyahin ko nalang." Nako. Naawa naman ako.

"Bibigyan kita ng 200. May sobra pa naman akong pera dito."

"Thank you ate. I love you." Lambing naman niya sakin. Ang bait talaga ng kapatid ko.

"Oh sya kumain ka na at baka malate ka pa. Oo nga pala si mama?"

"Ewan ko po, baka natutulog pa o baka hindi pa umuuwi." Yan ang problema ko sa nanay namin, palaging missing in action.

Ng iwan kami ni papa noong bata pa ko at pinagbubuntis pa ni mama si Edgar, nag-iba si mama. Hindi na sya yung mama na kilala ko na maalaga, malambing at mahal na mahal kami. Nagbago na ito ng tuluyan, palaging nandoon sa bar, di ko na gustong malaman kung anong ginagawa niya ron.

Ich Liebe DichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon