ANONG SINABI NIYA?
Oo ganyan talaga, para intense.
"Ma? Tigil na please. Ano bang sinasasabi niyo jan? Diba patay na si papa, kayo nga nagsabi samin niyan diba?"
Minsan na din kasi naming tinanong kung nasaan ba yung papa namin ng magsimulang magtanong yung kapatid ko.
Parati kasi itong naiingit sa mga batang kalaro nito na kumpleto yung pamilya.
At pinagtutukso din ang kanyang kapatid dahil wala kaming tatay. At yun nga noong mag tanong kami sabi ni mama na patay na raw si papa.
Inaamin kong nasaktan ako ng malaman ko ito, di pa gaanong naiintindihan ni Edgar yung mga nangyayari kaya't umiyak lang ito ang hindi na pa muling nagtanong.
Kaya't anong pinagsasabi nito na buhay ito at pinapupunta pa ako ng germany.
Jusko ha? Ano to joke? Its a prank?
Baka prank siguro to, yung tipong may mag g-good time sa akin at tapos kapag naniwala ako may lalabas na camera at sasabihin nila na "its a prank"tapos tatawa.
Don't me. Napanood ko na yon. Uso yun ngayon.
"Ed prank ba to? Tatawa na ba ko?" Tapos tumawa ako ng peke.
Tumingin ako kay edgar at nakita kong umiiyak na ito.
"Amalia! Hindi ako nagbibiro. May tumawag sa akin kanina, yung papa niyo. Babalikan na niya tayo." Umiyak yung mama ko.
Mahal niya pa siguro si papa.
"Babalikan? Hindi ba't ilang taon niya tayong iniwan? Bakit ngayon pa?"
Umiyak na din ako, at naramdaman kong yumakap ang kapatid ko sakin habang ito'y umiiyak.
"Ewan ko pero gusto niya kayong makita. Baka kukunin na tayo ng papa mo nak."
Anak pala ha? Matagal ko ng huling marinig galing sa bibig niya yung salita na yan.
"Wala akong pake kung gusto ko ikaw yung sumama sa kanya, dito lang kami ni edgar!"
"Pero ate.. si papa. Gusto ko siyang makita te." Umiiyak na sabi niya.
"May pasok ka pa. Okay lang sana na kayo nalang dalawa ni mama pero yung pag-aaral mo."
"Sige na anak."
"Bakit kasi ako? May trabaho po ako tapos sa totoo lang ayoko na siyang makita pa. Ng dahil sa kanya binalewala mo kami ma."
"Bigyan mo ng pagkakataon yung papa niyo. At para na rin sa kapatid mo."
Eto na naman siya, ba't pa niya kinakampihan yung taong nang-iwan sa kanya. Tumingin ako sa kapatid ko at naawa naman ako sa kanya.
"Pag-iisipan ko po. Excuse me."
"Ate!" Hahabol pa sana si edgar ng pigilan ito ni mama.
Umalis na ako sa kusina at umakyat sa kwarto ko.
Napasandal ako sa pintuan at napahikbi. Ba't kasi ngayon pa? Ba't hindi noong mga panahon na kaylangan namin sya. Ayoko na talaga siyang makita pa. Natatakot akong baka iwan na naman niya kami, hindi kakayanin ng kapatid ko.
At alam ko ding matagal ng nangungulila si edgar sa pagmamahal ng isang ama. Ng isang ina, ng buong pamilya.
Pumunta ako sa cabinet ko at kinuha ang isang lumang litrato. Isang litrato ng isang buong pamilya, ang saya namin sa litratong to.
BINABASA MO ANG
Ich Liebe Dich
RomanceMaya, disillusioned with love yet an ambitious filipina had the opportunity to travel to Germany in the hopes of reconciling with her estranged father and achieving her dreams. And then she mets a German guy named Johann who shows her more about he...