Nakapag desisyon na ko. Oo. Pupunta ako ng Germany.Para sa kapatid ko. Ayokong maging selfish at ayokong umabot sa panahong kinamumuhian ako ng kapatid ko dahil lang sa ayaw ko magkita ulit kami ni papa.
"Nakauwi ka na pala, kumain ka na ba?" Sabi ni mama habang nanonood ng TV.
"Opo ma." Nag mano ako sa kanya.
"San po si Edgar?"
"Gumagawa ng assignment niya sa kwarto." Tumango lang ako at umupo sa katabing upuan niya.
"Ma" ba't ba ako kinakabahan.
"Ano yon?" At tumingin sakin saglit at doon uli sa TV.
"Ma, nakapag desisyon na po ako. Pupuntahan ko si papa."
Nang dahil sa sinabi ko nakita kong nagulat si mama at napatingin sakin ng mabilis. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
"Salamat anak! Magugustuhan ito ng inyong ama."
"Opo, pero hindi dahil sa gusto ko siyang makita.. gagawin ko ito para sa kapatid ko."
Alam kong may gusto pa itong sabihin pero sa hindi ko alam na dahilan, tumango nalang ito.
"Sige anak, kung yan ang sabi mo."
Tumayo na ko, pero may naalala ako.
"At tsaka bakit mo binigay kay papa yung number ko?"
"Gusto ka niyang makausap nak, kaya binigay ko at para na din magkausap kayo ng papa mo dahil alam kong kapag ayaw mo talagang pumunta sa kanya, at hindi ka din namin pinipilit at kapag nangyari iyon alam kong hindi mo na talaga ito kakausapin pa, kaya ko di yon nagawa."
Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni mama.
"At sa kung anong nangyari samin ng papa niyo, hindi kayo damay dito. Kaya't kausapin mo na siya. Hinihintay ka niya nak. Gusto niyang mabuo ulit yung pamilya natin."
"Ah okay, sabi mo eh. Good night po. Magpapahinga na po ako."
Iniwan ko na siya at umakyat na.
Hindi pala ah? Hinintay din namin siya diba? Pero nasaan siya? Nasaan ito ng manganak si mama? Nang minsang magka sakit si eddie? Nasaan sila noong mga panahon ng kaylangan namin sila?
Wala. Walang dumating.
Ayaw ko nang umasa pa na mabubuo ulit kami. Masakit ang umasa sa wala.
Masasaktan lang kami.
Kung narinig ko sana iyon noon, matutuwa pa sana ako. Pero he's 12 years too late.
Nagbihis muna ako at pumunta sa kwarto ni Edgar at nakita kong busy ito sa ginagawang project, nakatalikod ito sakin kaya hindi niya ako makita.
Kumatok ako sa nakabukas na pintuan para malaman nito ang presinsya ko.
"Oh ate. Pasok ka po." Tumingin lang ito saglit at pinagpatuloy ang ginagawa.
Nag d-drawing ito ng kung ano sa isang malaking drawing book. Nabiyayaan ng talento sa drawing at painting ang kapatid ko, habang ako? Stick lang siguro nagagawa ko.
BINABASA MO ANG
Ich Liebe Dich
RomanceMaya, disillusioned with love yet an ambitious filipina had the opportunity to travel to Germany in the hopes of reconciling with her estranged father and achieving her dreams. And then she mets a German guy named Johann who shows her more about he...