"HOOOOY GHORL!!! I MISS YOU NA. UWI KA NA DI NA KO GALIT."Madramang bati ni Magda ng sagutin nito ang tawag ko. Naka videocall kami ngayon, kakauwi lang namin ng mapag-isipan kong tawagan si Magda. Buti nga naabutan ko pa eh.
Alam ko nang likaw ng bituka non. Alam kong magdadrama nanaman yun pag hindi ko yun tinawagan!
"Kalma ka lang ghorl, ako lang to." Tapos umirap ako sa kanya.
"Taray naman haha gumaganyan ka na ha? Kamusta ang buhay OFW?" Sabi nito habang nag ski-skin care ng mukha nito. Taray naman.
"OFW, di nga ako nag tatrabaho dito eh. Tsaka so far okay naman. Buhay pa naman ako"
Nandito ako ngayon sa kwarto ko obviously, ang awkward lang makipag tawagan ng kasama sila papa doon sa baba. Naiilang ako.
"Tapos? Kamusta kayo ng dadeh mo?"
Daddy? Lmao.
"Well I don't know. Marami pa kong gustong itanong sa kanya pero.. natatakot ako sa mga malalaman ko. Pagkarating na pagkarating ko nga, may pasabog na agad eh."
"WHATT?? CHIKA KA NA DALI."
"Ingay mo ah? Pakihinaan lang ng boses maria. Ang OA mo rin eh."
"Ano nga? May pa thrill ka pa jan eh."
Seems like kaylangan kong sabihin kay Magda ito, gusto ko lang ng may mapagsabihan, pero ayaw ko namang sabihin kela Mama ito. Kinakabahan ako, baka ano nanamang mangyari dun tapos baka iwan ni Mama si Eddie.
"A-Ano.. Si Papa may iba na siya."
"Hmm, ewan ko pero hindi na ko magugulat. Sorry lang. Matagal na din eh, tsaka imposibleng wala itong makitang ibang babae." Parang wala lang ito.
"Hindi mo ba naisip yun?"
"Naisip rin pero walang sinabi si Papa samin nila Mama eh. Tsaka matagal ring nakatatak sa isip namin na patay na si Papa."
"Hmmm.. oo nga pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit tinago ng mama mo?"
"Ewan ko lang, baka nasaktan lang talaga si Mama at isa pa hindi na nagpakita si Papa pa, so I think yan lang yung paraan na naisip niya para makalimutan na niya ito."
"Baka nga."
"At may anak na rin sila, may isa pa akong kapatid Mags. I didn't think about it to be honest, nagulat talaga ako ng makita ko si Katya."
"Oh wow. Tapos anong nangyari?"
"At first di ko talaga alam kong anong gagawin ko, kaya napag isipan kong.. tanggapin ko nalang ito. Tutal wala namang kasalanan si Katya, its all papa's fault. I was really disappointed." Tapos napa buntong hininga nalang ako.
"Ang bigat naman niyan.. pero sure ka? How about yung bago ng papa mo? Parang step mother ba ni Cinderella?"
"Hindi, in fact they were really nice to me. Kaya ang hirap magalit sa kanila."
"Baka plano nila ito? Maging bait-baitan ganern. Tapos pag umalis Papa mo, mag-iiba na ang Anyo." Naka pose pa itong parang nag-iisip na akala mo ito'y isang imbestigador.
BINABASA MO ANG
Ich Liebe Dich
RomanceMaya, disillusioned with love yet an ambitious filipina had the opportunity to travel to Germany in the hopes of reconciling with her estranged father and achieving her dreams. And then she mets a German guy named Johann who shows her more about he...