Madaling araw na dito sa Germany. 5 AM to be exact. Pagkatapos kong mag walk out at nag drama kagabi ay nakatulog na ko ka agad, kaya eto ako ngayon gising na gising. Buti nalang hindi malala yung jetlag ko. Ganitong oras din kasi ako nagigising parati, di bale nalang sa panahong late ako nagising.
I checked my phone and see if i have any messages. Meron galing kay Eddie at kay Magda.
Eddie: Ate? Dumating ka na jan kay papa?
Eddie: Goodnight Ate. Tumawag si papa dito, at sinabing maayos ka naman raw at nagpapahinga lang. Text ka nalang ate or tumawag ka as soon as nakita mo to.
At kay Magda naman.
Maria Magdalena: BESHY!! WAG MO KONG E-GHOST. Nakarating ka na? Sabi ng kapatid di ka pa daw nagpaparamdam. T
Tawag ka sakin agad if nakita mo to.I checked the time sa Pinas at nakita kong 11 AM na doon, so i think okay lang sigurong tumawag through video call at since saturday naman ngayon, nasa bahay lang si Eddie at baka si mama na din. Mamaya ko na tatawagan si Magda baka nasa trabaho pa iyon.
Calling Eddie..
Nag ring lang ng dalawang beses ng sumagot agad si eddie. Hinihintay ba ko nito or sadyang naglalaro lang talaga ito ng phone? Nag e-ML siguro to!
Mukha ni Eddie agad yung nakita ko.
"ATE! BAD TIMING KA.. WALA NA BAWAS STAR NA NAMAN YUN."
I knew it.
Inirapan ko nalang ito, at napangisi.
"Okay lang yan, uunahin mo pa ba yan kesa sa Ate mo?"
"Oo, este hindi okay nga lang eh." Napakamot naman ito sa ulo.
"Nak, sino yan? Ate mo?" Narinig ko ang boses ni mama.
"Opo ma, halika po."
Nakita ko naman agad si mama, at kumaway ito sa akin. Kumaway din ako at binati ito.
"Kamusta ang byahe anak?"
"Oo nga ate, di ka ba naligaw? Natakot talaga ako baka sa Syria ka na dumating."
"Taena kang bata ka, kabahan na kayo if sa Syria nga haha okay naman ako, pagod lang kaya di na ko nakatawag sa inyo. Nakatulog ako pagkarating ko."
"Mabuti naman te, si papa po?"
"I don't know, natutulog pa siguro. 5AM pa lang dito eh."
"Nag-usap na kayo?"
Umiling na lang ako, hindi ko muna sasabihin sa kanila ang mga nangyayari dito. Gusto ko munang e-clear dahil hindi pa talaga ako, na kuntento sa pag-uusap namin ni papa kagabi. Pero for now, di ko muna ipipilit yon.
Nasaktan lang ako kagabi kaya ganun yung naging reaction ko.
"Hindi pa po. Darating din kami jan pero for now gusto ko lang po munang magpahinga."
"Okay anak, mag ingat ka jan at i-kamusta mo nalang ako sa papa mo."
"Ako rin po ate, tapos videocall ulit tayo ni papa."
"Okay sige. Walang problema yan."
"Sige magluluto lang ako ng tanghalian namin, maiwan ko muna kayo." At umalis na si mama.
BINABASA MO ANG
Ich Liebe Dich
RomanceMaya, disillusioned with love yet an ambitious filipina had the opportunity to travel to Germany in the hopes of reconciling with her estranged father and achieving her dreams. And then she mets a German guy named Johann who shows her more about he...