04

12 1 0
                                    

"So besh, hindi ka na ba talaga mapipigilan? Iiwan mo na ba talaga kami?" Madramang sabi ni Magda.


"Gaga, maypa advice advice ka pa jan na ba't hindi ko subukan tapos mag da-drama ka jan? Eh kung sabunutan kaya kita jan!" Day off namin pareho ni Magda ngayon kaya nandito kami sa apartment niya.


Bonding raw. Malapit na kasi yung flight ko papuntang germany. Mahigit isang buwan na ang lumipas at sa isang buwan na iyon, naging abala ako sa mga papeles.


At sabi sakin ni papa, tutulungan niya raw akong magtayo ng sarili kong business at baka daw kung gusto kong mag stay doon sa germany, kaya kung maaari pwede din daw akong mag resign sa trabaho ko.


Pero ayokong umasa sa kanya, tinanggihan ko ito.


Naka leave ako ng two months, since may one month leave with pay talaga ako or kami every year, ginawa ko nang three months. Mabait naman ang mga boss ko, kaya't pinayagan ako.


Pero yung two months na yun, walang pay yun. Okay na din. Para sa kapatid ko.


Kaya madali lang sakin nakakuha ng Visa, since short stay visa lang naman kinuha ko. Sa october 11 na yung flight ko, at october 5 na ngayon. Doon ako mag papasko at mag ba-bagong taon dun.


Sayang nga at hindi ko makakasama ang kapatid at... ang mama ko ngayon pasko ang bagong taon. Okay lang kakayanin ko. Hindi kasi ako sanay na malayo sa kanila.



"Mals, wag mo kong kalimutan ha? Yung pasalubong kong lalaki tas snow, at tsokolets. Paki safety agad okay? Paki box na din. " Seryosong sabi ni Magda.



"Sus ginawa mo pa kong kidnapper at smuggler. Jusko diba may nanliligaw na sayo?" May nakita kasi akong lalaking nag aabang nito nuong isang araw.



"Ah si Kevin? Friends lang kami." Balewalang sabi nito.



"Ah friends pala tas maka akbay sayo, akala mo eh asawa. Wag mo kong niloloko magdalena ah!"




"HAHAHAHAHAHA di nga, ganon talaga yun. Yaan mo na nga yun, basta ikaw ha? Pag ikaw nakakita ng porenir dun. Isuko agad ang bataan, para sureball dilig ka na. Napaglipasan ka na gorl."



"Taena yung bunganga mo nga, ano bang pinagsasabi mo jan, lagyan ko yan ng packing tape eh."



"Ay wild si ate ghorl. Yung lagay-lagay pala ng tape ang trip mo ha? Ganoon ka pala." May malisyang sabi nito.



"Bwesit na babae to, wag mo kong isali jan, wala akong balak madiligan tsaka hindi jowa hanap ko dun."



"Awtsu, wag mag salita ng tapos gorl. Baka hindi mo namalayan, nakita mo na pala yung lalaking bibihag sa bitter mong puso."


"Hindi pa nabubuhay ang taong yun kaya wag ka. Masisira buhay ko dun, ayokong matulad sa nanay kong iniwan lang ng tatay ko. Boys brings bad news towards us women."



"Boys will but a man don't, they will give you and bring you to heaven." Nag wink ito tapos tawang tawa sa busangot kong mukha. Sinabutan ko na lang at napa aray naman ito.



"Chill lang gorl! Ako lang to, mahina ang kalaban! Aray naman, concerned citizen lang ako no!"



"Concerned ka na niyan? Heh! Tumahimik ka nga."



"Okay na, time out! Stop na. Yung shining shimmering hair ko." Nag pout naman ito.



Hmp, akala niya siguro ang cute niya.



Ich Liebe DichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon