Kabanata 4
It's a Yes
Kinabukasan maaga akong nagising, hindi ko alam kung paano ko nagawa yun gayung kagabi naman ay nahirapan akong makatulog.
Sinilip ko ang mukha ko sa salamin, nagulat ako at nataranta ng makitang namamaga ang mata ko dahil sa pagkapuyat at medyo may kaonting itim sa ibaba ng aking mga mata. Hinawakan ko ang mata ko at hinilot hilot ito nang bahagya.
"Sino ba kasing nagsabi sayo George na magpuyat ka! Ayan ang pangit mo na tuloy!" Pinag kruss ko ang mga kamay sa tapat ng dibdib ko at umirap nalang sa kawalan.
Tumayo na ako para magpunta na sa banyo at gawin ang aking morning ritwal.
Pagkatapos ko sa aking morning ritwal ay kinuha kon na ang bag at cellphone ko para lumabas ng kwarto at umalis na.
Paglabas ko ng kwarto ay dumaretso ako ng lakad papuntang hagdanan pababa. I tried to sneak a peak on my dad's room to check if natutulog pa sya.
His room looks clean, pagtingin ko sa bedroom nya nakaayos na at nakaligpit ng maayos ang mga unat at ang kanyang blanket. Sinarado ko na ang pintuan ng room nya at dumaretso na pababa sa hagdanan.
Magtataxi nalang ako papasok, total wala namang text or tawag sila Dwight, Liam at kuya Victor na susunduin nila ako dito sa bahay. Not as if di ako marunong magcommute ah!
Daretso ang lakad ko palabas ng bulawagan ng bahay nang bigla nagsalita si Nanay tere ang isa sa mga kasambahay namin dito.
"Nay, sa school na po ako mag bebreak fast. Kung nakapag luto na po kayo ng almusal kayo nalang po ang kumain nun." Ngumiti ako sa kanya at lumapit para hagkan sya sa pisnge.
Kakalas na sana ako sa pagkakayakap ng nagsalita si Nanay tere. "Naghihintay ang Daddy mo sa hapag hija." Agad ako napakalas sa yakap ni Nanay tere at agad lumingon sa sala para makita ang aking Daddy na nakaupo sa may bandang gitna ng lamesa at sumisimsim ng kanyang kape.
"Dad!" I exclaimed.
I thought pumasok na sya sa trabaho nya kasi nga wala na sya sa kwarto. Agad akong tumungo sa kanya at nagbeso.
Nakasuot na sya ng puting long sleeve at nakatuck in ito. Nilingon ko ang katabing upuan malapit sa kanya kung saan nakasabit yung coat nya.
"Eat your breakfast Georgian." He command.
Napangiwi ako.
"Sa school na ako mag aalmusal Dad. And I got to go now Dad. Mamaya ka pa po ba aalis? Mauuna nalang po ako at sasakay ng taxi." Sabi ko kahit na obvious na paalis na rin sya at hinintay lang talaga ako para sabay kaming mag almusal at umalis.
He look at me dismayed. Bago sya tumango at "Then, at least drink your milk before us go, honey."
Tumango ako at agad na kinuha ang isang baso sa tapat ko at sinimulan nang inumin ang gatas bago pa humaba ang usapan namin at mauwi na naman sa pagtatalo.
Nang maubos ko ang gatas ay agad akong tumayo upang ideklara na tapos na akong inumin ang gatas ko at handa na akong umalis.
Tumayo naman din kaagad si Daddy at kinuha ang kanyang coat at sinuot na ito bago naglakad palabas ng bulwagan. Sumunod naman agad ako sa kanya at huminto rin sa tapat ni Nanay tere para pormal na magpaalam. Ngumite lang din si Nanay Tere sakin bago ako umalis at tinalikuran na sya.
Dumaretso na ako sa sasakyan at pinagbuksan ako ni Mang Onald ng pintuan sa backseat ngumite ko sa kanya bago pumasok.
Maya maya ay pumasok na rin si Mang Onald para magdrive. Nilingon nya ako sa likod nya at inilipat ang tingin sa gilid nya kung saan naka upo si Daddy. Tumango lang si Daddy at nag simula nang magmaneho papuntang school.
![](https://img.wattpad.com/cover/88646672-288-k175389.jpg)