Kabanata 4:
Reach"Nandito po ako para kuhanin ang gamit ko, Auntie. Aalis na po ako katulad ng gusto niyo." mabilis na umawang ang labi niya at napamaang na parang hindi makapaniwala. Maya maya lang ay kumawala ang malakas niyang halakhak dahilan para mahinto sila saglit sa ginagawang pagsugal.
"Hanga din ako sa kakapalan ng mukha mo! Ang tagal mong hindi umuwi tapos ngayong bumalik ka sasabihin mong aalis ka rito? Ibang klase ka rin noh!" aniya at huminga lang ako ng malalim. Pumasok na ako sa bahay kahit wala pang permiso niya.
Hindi ko na iyon kailangan dahil nakatira rin naman ako rito. Hindi magandang sayangin ang oras sa pakikipagtalo sa kanya. Natigilan lang ako sa paglalakad ng makarinig ng kalabog sa labas na parang natumbang upuan. Napapikit ako dahil siguradong si Auntie iyon. Tama nga ako dahil agad ko nang narinig ang mga nagkukumahog niyang yabag papalapit sa akin.
Huminga ako ng malalim at nagsabi ng isang panalangin na sana ay huwag niya akong saktan ng pisikal ngayon dahil ayokong may mangyaring masama sa anak ko. Ang nanlilisik at namumula niyang mata sa galit ang agad na bumungad sa akin nang lumingon ako.
"Ang kapal kapal ng mukha mong sabihin saking aalis ka na ngayon kung kailan ka lang ulit nagpakita! Bakit? May lalaki ka na bang nahanap ngayon ah! Kaya ang lakas na ng loob mong umalis!" hindi ako umimik. Wala akong balak na sabihin sa kanila ang kondisyon ko.
"Bakit hindi ka makasagot? Tama nga ako! May lalaki kang nilalandi kaya hindi ka na nakauwi rito!" hindi ko alam kung sermon iyon pero mas lamang ang insulto.
Mahinahon akong bumaling kay Auntie.
"Auntie please, ayoko ng gulo. Gusto ko ng umalis. Iyon naman ang gusto niyo hindi ba?" sabi ko, mahinahon ngunit malakas ang tibok ng puso dahil sa kaba sa mga puwede niyang gawin sa akin ngayon. Nakita ko pa si Tito Rogelio na pumasok. Pumwesto sa likod ni Auntie.
Halos dumoble ang kaba ko ng pasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Bahagyang kumuyom ang kamao ko.
"Huminahon ka, Solidad." ani Tito Rogelio pero hindi sa pagpapakalmang boses. Tinaliman ko siya ng tingin sa paraan ng tingin na binibigay niya sa akin.
Mas lalong naging kakaiba ang pakiramdam ko sa bahay na ito nang dumagdag pa siya.
"Matapos kitang patirahin rito ng ilang taon at ngayong nakahanap ka na ng lalaki ay aalis ka rito! Malakas na ang loob mo ngayon? Akala ko ba ay nag-aaral ka? Puro ka lang din pala landi katulad ng Mama mo!" napapikit ako saglit dahil sa sinabi niya. Ayoko na siyang sabayan ngayon sa sagutan na magiging dahilan para magtagal pa ako rito.
Kung hindi lang mahalaga ang mga gamit ko rito ay mas gugustuhin kong huwag nang pumunta pa! Mas gusto ko na lang manatili sa labas para magpaalam kay Auntie dahil sa kabila ng lahat ng pangiinsulto at sakit na binigay niya sa akin sa nagdaang taon, gusto kong magpaalam sa matiwasay at maayos na paraan. Pero mukhang hindi niya ako hahayaan na mangyari iyon.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagpapatira sa akin rito sa bahay. Kahit sa buong buhay ko ay hindi siya tumigil sa pagsasabi ng masasakit na salita at pagturing sa aking alila sa bahay na ito. Wala siguro akong silbi sa kanya kung hindi niya ako makukuhanan ng pera.
"Ayoko ng gulo, Auntie. Kung pera ang gusto niyo, bibigyan ko kayo. Gusto ko na pong umalis." mahinahon kong saad at inilabas ang wallet na dala. Bubuksan ko pa sana ng marahas na inagaw sa akin ni Auntie iyon. Namilog ang mga mata ko sa gulat.
"Auntie, sandali lang!" pigil ko sa kanya pero hindi ako lumapit sa takot na itutulak niya ako palayo. Halos manlumo ako ng kuhanin niya lahat ng laman noon. Sinuri niya pa ang ilang bahagi at nang makasiguradong wala ng pera ay binato niya iyon sa akin. Tumama iyon sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
One Night Misery (Misery Series #3)
Ficción GeneralElysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap at inalipusta sa puder ng kanyang Auntie. She had a misfortune since she was just little. She even w...